Part 22

394 3 0
                                    



Bean :  Thank you po, tita for a very sumptous dinner!  As usual, napakasarap po!

Lovel :  Hehehe!  Ikaw naman.   Wala yon.

Jaja :  Balik ka ulit, kuya Bean next Friday, ha?  Dala ka ulit ng ice cream cake!

Louisse :  Jaja!

Jaja :  Ate naman.

Bean : Sure, Ja!  Alis na po ako.

Lovel :  Okey, bye, Bean!

Jaja :  Babye, kuya Bean!

Bean hugs Lovel and Jaja bago lumabas ng bahay.  Sabay sila ni Louisse na naglakad papunta sa gate.

Bean : Why so quiet?

Louisse :  Hmn?

Bean :  Napaka tahimik mo tonight.  Kanina rin sa kotse nong papunta tayo dito.

Huminto muna sila sa harap ng kotse ni Bean.

Louisse :  Pagod lang. 

Bean :  Easy ka lang sa work.  Malaki pa naman ang time natin.

Tumango lang si Louisse.

Bean :  Bye and good night.

Louisse :  Good night.

Naglakad na si Bean papunta sa drivers seat.

Louisse :  Sir Bean?

Napatingin si Bean kay Louisse.

Bean :  Yes?

Louisse :  May girlfriend ka na?

Natawa si Bean.  Napakunot noo naman si Louisse.

Bean : Loui

Jaja :  Kuya Bean!

Napatingin ang dalawa sa patakbong si Jaja.

Jaja :  Mabuti at di ka pa nakaalis, kuya Bean!  Ulam, o!   Magdala ka raw sabi ni mama!

Bean :  Thanks, Ja!  Say thank you tita for me.

Jaja :  Okey.  Bye,, kuya Bean!

Bean :  Bye!


Naging super busy si Bean ng mga sumunod na araw.  Kabi kabila ang mga meetings nya.  Halos nasa conference sya o di kaya ay nasa restaurants o hotel restaurants.   Maraming usapin para sa start ng construction ng Tagaytay project nila.

Pagod na pagod sya pagdating sa condo nya.  Tulog agad.


Pag gising ni Bean kinabukasan ay nananakit ang buo nyang katawan.  May lagnat pa sya.

He texted Rex and his tito Bong na he can't report for work.  He is under the weather.

He make soup.  Nakatalukbong sya ng kumot na humihigop ng sabaw.  Sanay na sya na sya mismo nag aalaga sa sarili nya.  Simula ng mawala ang mommy at daddy nya ay sinanay na nya ang sarili ng sya na lahat ang gagawa.


Nanginginig sa lamig si Bean.  Nakatalukbong na sya ng kumot at comforter pero nilalamig pa rin sya.   Ang taas taas ng lagnat nya.

Naalala nya ang mommy nya.  Tumulo na lang ang luha nya.

I missed you so much, mom.   Wished you were here.

Bulong ni Bean sa sarili.

Nakatulog din si Bean sa hina ng katawan nya.

The GiftWhere stories live. Discover now