Part 6

484 2 0
                                    



Louisse


Humingi ako ng partial bill ni mama.  Thirty thousand plus na ang bill.  Partial pa lang ito.

Nag advance ako ng thirty thousand.

Bumalik na ako sa room ni mama.  Nasa semi private na kami.  Para may aircon.  Para makatulog ng mahimbing si mama.   Bakante ang kabilang bed kaya parang private na kami.

Don kami humihiga ni Jaja.  Nagdala na lang kami ng unan at kumot.

Louisse :  Ma?  Kumusta na po pakiramdan nyo?

Lovel :  Di na ako nahihirapan huminga.  Salamat, anak.

Louisse :  Pagaling po kayo. 

Jaja :  Lamig dito, ate!  Sarap matulog!

Louisse :  Oy!  Bantayan mo si mama!

Jaja :  Oo, naman!  May tv pa, o!

Louisse :  Hinaan mo nga volume nyan.

Jaja :  Opo, ate.

Lovel :  Saan ka kukuha ng pambayad dito?

Louisse :  Nakautang ako 'ma kay Mrs.  Morente.  Napaka bait po nila.

Lovel :  Mabuti naman.  Pasensya ka na, anak.   Nagka  problema ka pa tuloy.

Louisse :  Okey lang, 'ma.


Nakatulog na si mama kaya humiga na ako sa kabilang kama.  Pagod na pagod ako.

Masakit ang katawan ko lalo na doon.

Napapikit ako.  Di mawala wala ang nangyari sa akin kagabi. 

Akala ko matanda na ang client ko.  Batang bata pa sya at may hitsura.

Gwapo.

Para kay mama.  Gagawin ko lahat.  Para sa family ko.  Kakayanin ko kahit ano.

Nakatulog na ako.


Unti unti nang bumabalik ang kulay ni mama.  Di tulad nong kapapasok lang namin.  Namumutla sya at palaging habol ang paghinga nya. 

Mahalaga din ang pera.  Pag wala ka non mamamatay ka ng di oras.  Hahayaan ka na lang na mamamatay dahil walang pambayad sa ospital.  Tulad sa sakit ni mama, kailangan ng pampagamot.  Kailangan ipasok sa hospital.

Sana, darating ang araw na di na namin pinoproblema ang pera, dahil marami na kami non.

Pero, paano?  Paano naman mangyayari yon?

Five days na kami sa hospital.  Malaki na naman ang bill ng hospital.

Uulitin ko pa ba yon? 

Kailangan, e.

Pupunta ako bukas kay ma'am Libeth.  Nasira na ang phone ko kaya di ko ma text o matawagan.


Bean


I sign the last paper na nasa table ko.  Nag ayos na ako.  Pinatay ko na ang mcbook ko.

Sumandig muna ako sa swivel chair  ko.  Nakakapagod kahit pa pirma pirma lang ako.  Kailangang basahin ko muna ang mga pinipirmahan ko. 

Naalala ko na naman ang babae.   Ano kaya pangalan nya?  Saan sya nakatira?

Nahihiya naman ako magtanong kay Anton.  Baka ano pa isipin non.

Tumayo na ako at lumabas ng office ko.


Traffic na naman.  Ano pa nga ba? 

Patingin tingin lang ako sa paligid habang nakahinto pa kami.  Four p.m. ako lumabas ng office para di ko makasabay ang labasan ng mga opisina.  Na traffic pa rin ako.

Nang may makita akong babae na palabas sa isang bar.  Familiar sa akin ang babae.

Iniliko ko ang kotse ko at bumaba sa sasakyan.

Pumasok ako sa bar.

Bean :  Guard.  Kilala nyo yong kalalabas lang dito?

Guard :  Hindi ko alam ang pangalan nya, sir.  Kausapin nyo na lang po si ma'am Libeth.

Bean :  Okey.

Guard :  Dito po.

Binuksan nya ang pinto.

Libeth :  Yes?

Bean :  Tanong ko lang po kung sino yong kalalabas lang na babae dito kanina?

Napatingin sa akin si Libeth.

Libeth :  Bakit mo naman natanong?

Bean :  May sadya sana ako sa kanya.

Libeth :  A.  

Bean :  Dito ba sya nagta trabaho?

Libeth :  Y-yes.  Pero, on call lang sya.  Pag may booking na sya, tinatawagan ko na lang sya.

Bean :  Client nya ako.  Gift sya sa akin ng friend ko.

Libeth :  O.

Bean :  May booking ba sya since nong....

Libeth :  Wala.  Ikaw pa lang naging client nya.

Nakahinga ako ng maluwag.

Libeth :  Pag kailangan nya ng pera saka sya open for booking.

Bean :  Is she open for booking now?

Libeth :  Actually, yes.  Bakit?

Bean :  I want to book her.  At pag kailangan nya ng pera, tawagan mo ako.  Ako ang kukuha sa kanya.  Sa akin mo lang sya ibibigay. 

I give her my number and put some cash sa table nya.

Libeth :  Gusto mo na exclusive lang sya sa yo?

Bean :  Yes.  Ayokong may ibang gagalaw sa kanya.  Ako lang.

Libeth :  Okey.

Bean :  I need her bukas.   Six p.m.  

Lumabas na ako ng office.

Yes!  I finally find her!

Nakangiti akong umuwi ng condo.

May vacant na condo ang company.  Don ang magiging meeting place namin.


The GiftWhere stories live. Discover now