Part 16

336 4 2
                                    


Louisse


Nag e empkae na ako ng mga gamit ko.  Iiwan ko ang karamihan sa mga damit ko dito kila ate Ella at Jia.  Di ko naman magagamit ang mga ito sa Pilipinas.  Pan lamig kasi ang mga ito.   Nilagay ko na sa lugagge ang mga damit ko. 

Isang lugagge ay mga pasalubong lamang.  Nagpa package na rin ako ng ilang boxes sa PIlipinas.  Eksaktong pagdating ko don ay darating naman ang mga yon.

Jia :  Mami miss kita, bes.

Louisse :  Susunod ka naman don.

Ella :  Waaaa!  Iiwan nyo na talaga ako!

Jia :  OA mo, ate Ells!  Next year pa ako, no?  Kaya may one year ka pa para makahanap ng mapapangasawa!

Louisse :  Tiwala lang tayo, ate Ells.  Magkikita rin kayo.

Ella :  Magdilang anghel ka sana, Louisse!

Louisse :  Group hug!

Nag group hug na kami.

I am super excited na makauwi finally sa Pilipinas.  Two years din akong nawala don.  Excited na akong mahiga ulit sa kama ko.  Makita sila mama at Jaja.



Jaja :  ATE!!!!!!

Nagpalinga linga ako.  YON!  

Louisse :   Ja!  Ma!

Patakbo ko silang nilapitan.  

Lovel :  Louisse!  Kumusta ka na?

Louisse :  Mabuti naman po!

Jaja :  Napakaganda mo, ate!

Louisse :  Heh!  Binobioa mo na naman ako!  Nandyan lahat mga bilin mo!

Jaja :  Thank you, ate!  Pero, pwera biro!  Napakaganda nyo na po!

Lovel :  Oy!  Mamaya na yan!  Lika na!  Tulungan mo ate mo sa mga dala nya!


Pagdating sa bahay ay namangha ako sa mga pagbabago.  Mas maganda pag nakita mo na talaga.

Louisse :  Napakaganda na po ng bahay natin!

Lovel :  Sinunod lang naman namin ang gusto mo, anak!  Nagustuhan mo ba?

Louisse :  Opo, ma!

Jaja :  Ate!  Nasaan na mga pasalubong mo?

Louisse :  Yong blue na lugagge.

Kinuha naman ng magaling kong kapatid ang maleta at binuksan agad ito.  Nanlaki ang mga mata nito.   Lumapit na rin si mama.  Nagtatalon sila sa tuwa.  Nakangiti lang akong pinagmasdan sila. 

Jaja :  Ate!  Wala ka bang natipuhan na Swiss doon?  Dalawang taon ka kaya don!

Louisse :  Subsub ako sa work ko , Ja.

Jaja :  Grabe naman!  Walang pahinga ganon?  24/47 nasa trabaho?

Louisse :  Hindi!  Maldita ka!  Wala nga sa isip ko yon!

Jaja :  Di ka bumabata, ate! 

Lovel :  Darating na lang yon mga anak.  Wag kayo mag alala.


Hay!  Natupad na rin mga pangarap namin sa wakas

Masaya kaming nagsalo salo ng hapunan.

Napakalaki ng pagkakaiba nong namatay si papa.  Halos kanin lang at itlog o di kaya ay tuyo ang ulam namin.  Ngayon,  Ang dami nang laman ng mesa.  Madaming ulam na at may mga prutas pa.  

Naalala ko na naman sya.  Hindi ko man lang alam ang pangalan nya.



Lovel :  Anong plano mo, Louisse?

Nandito kami sa sala ni mama.  Nanonood ng tv. 

Louisse :  Maghahanap ng work, ma.   Pero may naisipan na akong pag a aplayan. 

Lovel :  Saan?

Louisse :  Sa pinagta trabahuan ni Marge, ma.

Lovel :  Aba!  Magandang company yan!  Sigurado akong matatanggap ka don!  Matalino ka yata!

Louisse :  Salamat, ma.

Humilig ako sa balikat ni mama.  Hinaplos haplos naman nya ang buhok ko.


Habang nakahiga ako ng gabing yon ay naalala ko ang mga pinagdaanan namin.  Simula ng mawala si papa ay naghirap na kami.

Nong magkasakit si mama at naospital na wala na akong maibiling gamot at pang advance sa hospital.  Nong inikot ko ang mga kaibigan at kakilala namin para mangutang ng perang pambayad sa hospital.  Nong halos di na kami kumakain. 

Then, dumating sya sa buhay ko.  Naging maalwan ang pamumuhay namin kapalit ang dangal at pagka babae ko.  

Napayakap ako sa sarili ko.  May tumulong luha sa pisngi ko.  Pinahid ko ito agad.

Those days were only in the past.  Hinding hindi na mangyayari ulit sa amin yon.

Ano na kaya ginagawa nya ngayon.  Naaalala nya pa kaya ako. 

Siguro, hindi na.  

More than thirty months na kaming di nagkikita.  Baka, may asawa na yon o kahit girlfriend man lang.

Sa thirty months na yon ay hindi sya nawala sa isipan ko.  Pag nakahiga na ako sa gabi ay sumasagi sya sa isip ko.  

Pag naglalakad ako sa Switzerland ay para ko syang nakikita na nakasalubong ko o nakaupo sa coffee shop.  Mahilig syang mag cross ng kanyang leg.  So formal, so confident.  So elegant.  And masculine.

Ipinikit ko ang mga mata ko ng madiin. 

Bakit hindi kita makalimutan?  Ano bang meron sa yo?

May mga nagpakita naman ng amor sa akin sa Switzerland.  Pero di ko sila binigyan ng pag asa.  Sabi ko, trabaho lang talaga ang sadya ko.  

The GiftWhere stories live. Discover now