Part 3

345 3 0
                                    


Louisse


Tok! Tok! Tok!

Nandito na ako kila Mrs.  Morente.  Babantayan ko at aalagaan ang baby nila.  Whole day lang naman.  May lakad lang silang mag asawa.

Bumukas na ang pinto.

Louisse :  Good morning po, ma'am!

Mrs  Morente :  Good morning, Louisse!  Pasok ka!

Pumasok na ako at nilagay ang backpack ko sa sofa nila.

Morente :  Diretso ka na lang sa room ni baby, Louisse.  May nakaluto ng foods dyan.  Initin mo na lang mamaya, ha?

Louisse :  Opo, ma'am! 

Morente :  Adam!  Halika na!  Mala late na tayo!

Pababa naman si sir at nag good morning ako.

Adam :  Excited mo naman! 

Morente :  Ayokong ma late!  Lika na! 

Sabay na silang lumabas ng condo.

Yes!  Kami lang ni baby dito!  Pumasok na ako sa kwarto nila.

Hmn.  Tulog pa si baby.  Lumabas ako ng room at nakita na may mga plates sa sink.

Hinugasan ko ang mga ito.  Naglinis na rin ako ng condo.

Hindi ko trabaho ang paghuhugas at paglilinis pero bored ako kaya ginawa ko na.

Wala na akong maisip na gagawin kaya nanood na lang ako ng tv.


Nakarinig ako ng iyak ng bata kaya pumasok na ako sa kwarto.

Louisse :  Good morning, baby!  Kumusta ka na, ha?

Kinarga ko si baby Nathan at tumigil na ito sa pag iyak.

Louisse :  Ang cute cute naman ng baby!

Nginitian nya ako.  Hinalik halikan ko naman ang mala monay nitong pisngi.

Louisse :  Bango bango ng baby!  Bango bango!

HInalik halikan ko sya sa leeg na.  Tawa ito ng tawa at hinahawakan ang mukha ko.

Louisse :  Well rested ka na ha?

Nilagay ko na sya sa walker nya para makapag exercise.

Sunod sya ng sunod sa akin kaya mahina akong tumakbo.  Habol pa rin sya ng habol.

At tawa pa ng tawa!

Louisse :  Common, baby!  Habol pa!

Tawa talaga sya ng tawa,, hahahaha!

Umupo na ako sa sofa.  Napagod ako don, a!

Nilipat ko sa cartoons ang channel kaya napatingin si baby sa tv.  Nanood na sya.

Nagbasa naman ako ng book.


Bumili ako ng bigas sa palengke.  Pinabaunan ako ni Mrs. Morente ng ulam.  May bringhome kasi sila.  Madami silang dala.  Binigyan ako ng cake at caldereta tsaka salad.  Matutuwa sila mama at Jaja nito.

Sumakay na ako ng tricycle pauwi sa amin.


Louisse :  Ma?  Jaja?

Jaja :  Ate!  Dami mo yatang dala!

Louisse :  Lika!  Tawagin mo si mama!  May dala akong cake at salad!  May ulam pa tayo mamaya!

Jaja :  Cake?  Salad?  Ma!  meryenda tayo!

Lovel :  Ano ba yan,  Jaja!  Hanggang kanto ang boses mo!

Jaja :  Nag uwi ng cake at salad si ate, ma!  May ulam pa!

Kumain na kami.

Louisse ;  Bringhome nila Mrs.  Morente yan, ma!  Binigyan ako.

Lovel :  Bait talaga nila, no?

Louisse :  Ay, oo.  Sobra pa ang bayad sa akin.  Kasi naglinis daw ako ng condo nila!  Kaya bumili na ako ng bigas.  Pang one week yan.

Lovel :  Salamat sa Diyos!

Umubo na naman si mama.  Hinagod ko ang likod nya.

Louisse :  Uminom ka ng gamot, ma?

Lovel :  Nilagang clavo ininom ko.  Ubos na kasi ang gamot ko. 

Shit!  Wala na akong pera.  Pamasahe ko na lang ang natira at pambili ng ulam.

Palagi ng nakahiga si mama.  Madaling mapagod. 

Louisse :  Hayaan mo, ma.  Hahanap ako ng raket.

Lovel :  May awa ang Diyos, anak.  Makakaraos din tayo.  Wag mo akong intindihin ang mahalaga nakakain tayo tatlong beses isang araw at may meryenda pa!

Natawa kami ni Jaja kay mama.  Sosyal nga naman meryenda namin ngayon.

Salad at cake!

Jaja :  Napakasarap, ate!

Louisse :  Sige, ubusin mo na yan!

Jaja :  Yes!

Ubo pa rin ng ubo si mama.  Pinainom ko sya ng tubig.

Lovel :  Pahinga muna ako mga anak.

Louisse :  Sige po, ma.  Samahan na kita sa kwarto mo.  Hatid na kita.

Inalalayan ko si mama. 


Kinumutan ko na si mama at kinapa ang noo nya.

Meron syang lagnat.


Louisse :  Ja, bili ka ng tatlong biogesic.  At painumin mo si mama, ha?

Jaja :  Opo, ate.

Lumabas na si Jaja.  Niligpit ko naman pinagkainan namin at nagsaing na.  Ininit ko na rin ang dala kong caldereta.

Magana kaming naghapunan ng gabing yon.


Nag part time ako sa isang grocery.  Nagkasakit kasi ang regular nilang employee.  Nag cashier ako.  Five hundred per day.  Okey na rin ito.

Nilagay na ng babae ang mga napili nyang groceries.

Babae :  Ngayon lang kita nakita dito.

Louisse :  Substitute lang po ako.  Nagkasakit ang kahera nila.

Babae :  Alam mo?  Sa itsura mong yan, may alam akong raket.  Kung di ka mapili, kikita ka ng malaki, sa maikling panahon.

Louisse :  Ano po yon?

May ibinulong sya sa akin.  Nanlaki naman ang mga mata ko.

Babae :  Ano?

Louisse :  Hindi ko po kaya yan.  Salamat na lang po.

Babae : Hirap na hirap ka dito tapos kakarampot lang bayad sa yo.  Doon, malaki ang kita mo.  Ito and card ko.  Pag nagbago ang isip mo, tawagan mo ako.

Linagay nya sa bulsa ko ang card.

Louisse :  Eight hundred forty five po.

Binigyan nya ako ng one thousand.

Babae :  Keep the change.

At umalis na sya.


The GiftWhere stories live. Discover now