Louisse
Sakit ng likod ko. Maghapon akong nakaupo at ganon lang ang position ko maghapon.
Napasandig ako sa sofa namin,
Louisse : Si mama, Ja?
Jaja : Tulog po, ate.
Louisse : May lagnat pa ba sya?
Jaja : Opo, ate. Kawawa nga, e. Nahihirapan syang huminga.
Napakamot ako sa ilong ko.
Diyos ko. Wala pa naman kaming pera. Wala kaming pambayad sa ospital.
Louisse : Pinakain mo na si mama?
Jaja : Opo,, ate. Pero, konti lang kinain nya. Wala daw syang gana.
Kumain na kami ni Jaja. Pritong galunggong ulam namin at adobong kangkong.
Pagkatapos kumain ay naghugas na si Jaja.
Naglakad ako at pumasok sa kwarto ni mama.
Louisse : Ma?
Balot na balot si mama ng kumot nya at parang nanginginig.
Nakapikit ang mga mata nya.
Louisse : Ma, kumusta pakiramdam nyo po?
Lovel : O-okey l-lang, anak.
Hinawakan ko ang noo nya at napaka init nito.
Kumuha pa ako ng kumut at kinumutan si mama.
Binasa ko ang hand towel at paulit ulit na pinunasan ang kamay at mukha ni mama. Naglagay din ako ng basang hand towel sa noo nya.
Lovel : A-anak.
Louisse : Bakit, ma?
Shit! Nahihirapan syang huminga.
Louisse : Jaja! Ma, dadalhin po kita sa hospital! Jaja!
Kumuha ako ng mga damit ni mama at inilagay sa bag.
Louisse : Jaja!
Jaja : Bakit, ate?
Louisse : Text mo si mang Gorio. Dadalhin natin si mama sa hospital.
Jaja : Opo, ate.
Nasa emergency room na si mama. Nasa labas lang kami ni Jaja.
Jaja : Anong nangyari kay mama, ate?
Louisse : Nahihirapan syang huminga.
Nurse : Miss, kailangan e admit ang nanay nyo. Punta kayo sa admiting office para mabigyan kayo ng room.
Louisse : Okey po, ma'am. Kumusta po si mama?
Nurse : May oxygen na sya at nilalagyan na ng dextrose. Sige.
Umalis na ang nurse.
Louisse : Dito ka lang, Ja, bantayan mo si mama.
Jaja : Opo, ate.
Umalis na ako at nagpunta sa admitting office.
Louisse : Excuse me po. E a admit po ang mama ko.
Employee : Fill up ka nito. May philhealth ba sya?
Louisse : Opo.
Employee. Mag submit ka bukas ng philhealth record nya.
YOU ARE READING
The Gift
FanfictionThey were opposite. Super yaman. Super hirap. But, their paths will cross. A very short story.