CHAPTER 43: Encounter

1.5K 22 3
                                    


Tinignan ko lang yung paligid ko, studying every detail of the building.

Wow... Ang galing ng architect neto ha? Seriously... And the I.D scanner... That's so cool. Parang super high security lang.

And everything is in white... Pero ang ganda parin. Kaya ang liwanag sa loob eh, and don't forget the glass. So classy.

"Mell tune it down, wag ka masyadong pahalata na first time mo lang ulet makita to. Para ka kasing bata eh." Bulong sakin ni Rey

"Oo nga Mell, medyo may mga sumusulyap na satin eh." Dagdag ni Mark so siniko ko silang dalawa.

"Ang O.A nyo, di kaya ako ganun ka halata." Sabi ko, totoo naman eh. Parang bored lang ako kaya ako tumitingin sa paligid ko.

Buti pa si Ryan tahimik lang... Why is he?

Okay na ba sya? Nagalit kaya sya sakin?

Pumunta si Rey sa may information center ata yun, then the guard handed something to Rey then he went back to us.

"Here, temporary I.D mo. Nag submit kasi kami ng letter about your situation and pinayagan naman nila na makapasok ka sa building." Binigay sakin ni Rey yung I.D, "Swipe mo lang yung sa scanner then makakapasok kana."

Nag nod lang ako and sinubukan na i-swipe, gladly naka pasok agad nung first try ko. Nag swipe narin sila ng I.D then pumila na kami sa elev.

Since wala pa namang class sila Rey, mamaya pa naman pumunta muna kami sa library. It's not how I expect a library should look. Kasi diba pag library all wood, books every where and stuff... Eh yung library namin is all white. Books on the racks and computers on the side.

"This is awesome." I said

"Mell? Mell!" May narinig akong tumawag ng pangalan ko so lumingon ako and saw 3 girls approaching us.

"Shit." I heard Mark curse under his breath.

"Mell mga naging classmates mo sila just act natural. Mag hi ka and mag nod ka nalang pag di mo alam yung sasabihin mo okay?" Bulong sakin ni Rey.

Nag nod nalang ako and smiled the 3 girls as they are now standing in front of us.

"Sabi ni Rey nag ka sakit ka daw, okay ka na ba?" Tanong nung girl na pinaka maliit.

"Oo, magaling na ko." Sagot ko,

"So hahabol ka ba sa 3rd sem?" Tanong naman nung girl na may highlights na blue sa buhok nya.

"Uhhh..."

"Naka LOA na sya for the rest of term eh. Next sem nalang sya ulet mag enroll." Sagot ni Rey para sakin.

"Ay ganun ba, well we're glad na okay ka na. Sana may class tayo na pareho next term." Ngiti nilang tatlo sakin.

"That would be awesome." Ngiti ko sakanila.

Nag ba-bye na sila sakin and went on their way.

"This sucks... Pano pag may nakasalubong ulet ako? Tapos may itanong sya na the only one who can answer it is the old Melissa? Di nila alam na may amnesia ako diba?" Nag nod silang tatlo and nag sigh nalang ako.

"Halika Mell sa commons muna tayo." Hinawakan ni Ryan yung kamay ko and we went up to the stairs leaving Mark and Rey behind then entered this kind-of glass room and umupo kami dun sa couch malapit sa entrance.

He scoot closer to me and rest my head on his shoulder

"Uhm... Ry? What's this?" Medyo... Awkward kasi eh. I mean okay meron ding mga ibang students na natutulog pero kasi... Boyfriend ko na ulet si Ryan so this is considered as PDA right? Baka mag ka offense sya.

Twisted Mistake [CURRENTLY RE-WRITING !!! READ AT YOUR OWN RISK]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora