3

287 8 0
                                    

ATHENA'S POV

nagising ako sa alarm ng phone at agad na akong bumangon ng biglang may kumatok

"nak, pwede bang pumasok?" tanong ni mami habang kumakatok.

"yes po." pagpayag ko kaya agad ng pumasok ang yaya namin na para ko nang pangalawang nanay.

"gising na at baka malate ka pa sa school." ngiti netong sabi sa’kin.

"sige po, gising na rin po ako." sagot ko dito sabay unat.

"gumayak ka na at nakahanda na ang breakfast mo." sabi neto at tsaka lumabas na sa aking kwarto.

tumayo na ako at inayos na ang kama.
pagkatapos ko 'tong gawin ay inihanda ko na ang susuotin kong uniform at tsaka naligo na din.

nang matapos na akong maligo at maggayak, tsaka doon na ako lumabas at bumaba papuntang kusina.

"good morning po!" simple kong bati kay mami at sa mga staff nang nasa kusina na ako.

"morning din, iha." bati rin sa'kin ng mga staff namin dito sa bahay

"kain ka na po, ma'am." alok sa’kin ni ate anne ng almusal. pero wala akong ganang kumain sa ngayon. inshort, lagi namang ganito.

"hindi na po ako makakakain, sorry po." sagot ko dito sabay ngiti.

"ay ganon ba nak. eto, sakto may sandwhich na kaming nagawa." biglang lapit ni mami sa pwesto ko sabay abot ng bagong gawa na sandwhich. medyo nagutom tuloy ako dahil don.

"wag na po, busog pa po ako i-" taggi ko ditong sabi.

"bawal tanggihan ang pagkain, kaya sige na." pangungulit neto sabay lagay ng sandwhich sa kamay ko. ramdam ko tuloy ang init neto.

"baunin mo nalang ito para hindi ka magutom sa klase n'yo." pagputol neto sa sasabihin ko kaya tinanggap ko nalang ang sandwhich na inaalok sa'kin ni mami.

"salamat po."

"wala 'yon nak, sige na baka mahuli ka pa." sabi neto sa’kin sabay himas ng pisnge ko. ganito na talaga si mami. masyado na din itong napamahal sa’kin at ganon din naman ako.

"sige po, salamat po ulit dito!" pasalamat ko dito sabay kaway sa hawak kong sandwhich.

"MAKAKA-GRADUATE NA RIN TAYO SA COLLEGE TEH!" masaya naming sigaw ni Stephanie habang andito kami sa picnic area namin dito sa school.

"sa wakas! tapos na rin ang paghihirap natin for almost 4 years!"  masaya kong sabi.

"yes naman noh! worth it na worth it talaga!" sabi naman ni Stephanie.

"pero mas excited ako sa pag speech ng anak ng presidente ng bansa natin noh!" bigla netong sabi. hindi na talaga niya inalis sa bibig niya ’yang guest speaker namin.

"puro ka talaga kalokohan!" asar kong sabi dito sabay kurot sa tagiliran.

"ARAY KO NAMAN, TINA!" reklamo netong sabi

"masakit?" sarcastic kong tanong dito

"oo teh, magre-react ba ako kung hindi?"

"ayan, akala ko nananaginip ka pa ih." sagot ko dito sabay ayos ng pwesto.

"ay Tina, kung makita mo yung, i'm sure na magagwapuhan ka dun panigurado." sabi neto sa’kin. neknek neto talaga.

"IMPOSIBLE!" pangongotra ko dito

ayoko talaga pumasok sa pag-ibig basta ayoko lang at for the moment.

"btw, kumain ka na ba?" tanong ko dito. para naman maiba ang topic.

"hindi pa nga ih" sagot neto sabay sibangot

"sus, halika na nga! libre ko na." aya ko dito at agad namang ginanahan.

"WEH?!" tanong pa ulit neto para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"oo nga, ayaw mo ata ih" udlot ko ditong sabi

"ayoko talaga" sabi neto. himala?!

"ayaw mo pal-" tuwa kong sabi dito.

"ayokong TUMANGGI" saya netong sabi sabay diin.

"talagang diniinan mo yung salitang tumanggi, ah!" iling kong sabi dito at natawa na din.

"tara na teh, gutom na ako!" aya neto kaya hindi na rin ako nagpapigil .

SANDRO'S POV

"see you in friday, cong." sabi ng head organizer ng aattendan kong ceremony.

"see you rin" sagot ko dito at agad na akong lumabas sa room.

natapos na kami sa meeting for the graduation ceremony na gaganapin this coming friday.

"sir? ok ka lang po ba?" tanong sa'kin nang kasama kong psg.

"ye-yeah i'm ok." sabi ko dito sabay ayos ng pwesto sa pagkakaupo.

"iniisip mo ata yung nakabangga mo na babae sa gasoline station last time no?" biro netong sabi kaya agad naman akong napailing. how did he know that?

"eto talaga si kuya, malalim lang iniisip ko" dahilan ko dito.

"sige sir, sabi mo ih" pagputol neto ng usapan.

pero bigla ko agad naisip yung babaeng nakabungguan ko sa gasoline station.

"OUCH!" reklamo netong sabi kaya agad akong napatigil sa pag-cellphone.

"sorry miss, i didn't see that you're coming to my way" sabi ko dito kasabay ng pag-alok ng kamay ko dito. hindi naman ito tumanggi kaya tinulungan ko na s'yang makatayo.

"t-thank you" hiyang sabi neto kaya napangiti naman ako.

cute.

"welcome and sorry ah, hindi lang talaga kita nakita. " hiya kong sabi dito.

"it's okay, no worries" sagot neto kaya napag-isipan ko agad na magpakilala.

"btw i'm sand-" pagpapakilala ko ng biglang akong tinawag ng isa sa mga kasama kong psg.

"sir! we have to go na po." sabi ni kuya Carl sa’kin.

"ok, sunod ako" sagot ko dito at sabay harap sa babaeng nakabunggo ko.

"i'm sorry miss, but, i have to go na" pagputol kong sabi dito

"ok lang, ingat s-sir!" paalam neto sa'kin.

"you too" sagot ko sabay alis.

"sino kaya yung babaeng 'yon?" tanong ko sa sarili. kahapon ko lang siya nakita and ganito na agad ang nangyayari sa’kin.

"i'm sure naman sir na makikita mo ulit 'yon!" sabat ni Carl sa’kin na ikinagulat ko..

"oo, sana nga makita ko ulit s'ya" sagot ko dito.

"ay, ikaw pala." pag-iiba ko ng topic dito. dahil tutuksuhin na naman ako neto. ganito na talaga si Carl. masaya namang kasama pero nakakainis lang pag inaasar ako.

"inlove ka na naman sir noh!" asar netong sabi. kaya napairap naman ako dahil don.

"hindi ah" tanggi ko dito.

"si sir, tinatanggi pa!" sagot neto kaya nailing na lang ako

"ay, tara na nga! baka saan pa 'to mapunta." bigla kong sabi kaya agad na kaming sumakay sa sasakyan at umalis.

pero makikita ko pa ba s'ya ulit? sana, sana talaga.

Love or Career (Sandro Marcos Fanfiction)Where stories live. Discover now