29

229 6 0
                                    

Bumalik na kami sa dati naming gawi ni Sandro pero napag-usapan namin na ang aming relasyon ay sikreto at may pag-iingat na rin dahil baka may makakita na naman at malaman ni dad.

andito kami ngayon sa office niya in congress dahil kakatapos pa lang ng kan'yang session.

"pagod na pagod ka hon, 'no?" tanong ko dito habang inaayos ang kwelo neto sa kan'yang leeg

ang suot niya pala ngayon ay longsleeve dahil hinubad na niya ang suit niya dahil sa pagod

"yes super" lambing netong sabi sa'kin at agad-agad akong niyakap neto, kaya natawa na lang ako ng mahina.

"yakap na yakap sa'kin huh?"

"nawawala pagod ko pag ganito ang ginagawa natin." sabi neto sabay patong ng ulo sa aking balikat.

halatang-halata kong pagod siya sa trabaho dahil kakagaling lang niya 2 days ago sa ilocos norte and after nun ay deretso na agad siya sa manila.

kahit na sinasabihan ko siya na magpahinga muna ay hindi ako sinusunod.

"thank you, hon." sabi neto sa'kin kaya agad akong napatingin kung nasaan nakapatong ang ulo niya sa balikat ko

"thank you for what?"

"for everything, lalo na hindi mo na ako tuluyang iniwan." sagot neto sa'kin sabay hawak sa mga kamay ko at hinihimas ito

"ako nga dapat ang magpasalamat sa'yo, hon."

"why?"

"kasi, kahit hadlang na sa'tin ang mundo. pinakita mo pa rin sa'kin na kamahal-mahal mo ako." sagot ko dito habang pinipigilang maiyak

"don't say na hadlang sa atin ang mundo, hindi ganon. hindi hadlang ang mundo sa'tin kasi tignan mo ngayon, naging tayo diba." sagot neto sa'kin

tama nga naman si Sandro, pero pano pag pinakilala na niya ako talaga bilang partner niya? sobrang lala na nang nangyari nung may nakakita sa'min noon. paano pa kaya pag ganon?

"sige na, pahinga ka na muna." utos kong sabi kay Sandro after naming sumakay sa van niya na andito sa vip parking ng HOR

"no, i-i'm not." dahilan neto

"sige ka, baka sumakit pa ulo mo niyan." sabi ko dito sabay tingin sa kan'ya

"okay, madam. susunod na po." sagot neto sa'kin kaya agad akong natawa.

nakapatong lang ang ulo ni Sandro sa aking balikat habang nasa byahe kami.

nagtataka ako kung bakit ang tagal ng aming byahe kaya agad ko siyang tinanong

"hon, saan ba tayo magdi-dinner?" tanong ko dito habang tinatapik ang kamay niya

"in Solaire" antok netong sagot sa'kin na agad kong ikinagulat.

wala manlang pasabi sa'kin na doon pala ang pakay namin, at isa pa napaka-mahal doon. ayoko na maglabas siya ng malaking halaga ng para lang sa akin.

"hon, okay lang naman sa'kin if sa condo mo na tayo mag dinner." pangungulit ko dito

"mas maganda na doon, hon. and i want to make a time for you lalo na ngayon pa lang tayo ulit naging ganito for almost a month." sagot neto sa'kin na halata mong naantok pa.

kaya hindi na lang ako napasagot at natahimik na lang sa byahe.

halos mag-iisang oras na ng makaraying na kami dito sa Parañaque, at andito na kami ngayon sa basement parking ng hotel.

Love or Career (Sandro Marcos Fanfiction)Where stories live. Discover now