37

217 7 1
                                    

"dito muna ako, Steph." sabi ko dito habang si Steph naman ay may ginagawa sa kanyang laptop


"yeah, okay lang naman sakin 'te. at least may bonding na rin tayo." sagot neto ng dahilan para mapangiti ako ng maliit sa labi


halos magi-ilang linggo na ako dito sa condo ni Steph and alam naman ni dad na andito ako, medyo maayos naman na ang ganap ko sa ngayon pero dinadalaw pa rin ng pangungulila.


lalo na isang gabi habang nasa kwarto ako ni Steph ay bigla akong nakarinig na may kinakausap si Steph dito at nung narinig ko ang boses ng kinakausap niya ay nakilala ko agad kung sino ito


si Sandro


halos hindi ko na napigilan ang sarili ko na maluha ulit dahil tama nga ako, gagawin niya ang lahat para lang makita ako


hindi ko kinakayang sumilip manlang dahil dinig ko ang boses ni Sandro na hinahanap ako neto kay Steph at ng ilang minuto ay narinig ko na lang na sinarado na ni Steph ang pintuan niya dito sa condo at nakita ako neto na nakaupo na sa labas ng kaniyang kwarto


"it's okay, tina. labas mo lang lahat" utos netong sabi sakin ng naging resulta para mas mapaluha pa ako ng todo


"i n-never know na hina-hanap n-niya pa rin ako almost a week n-na" sagot ko dito 


"mahal na mahal ka ng todo" tawang sabi ni Steph sakin kaya hindi ko na lang ito pinansin at nagpatuloy na lang sa pag-iyak


hindi ko maintindihan ang sarili ko sa ginawa ko, parang nung nagawa ko ang iniisip kong pakikipag-hiwalay kay Sandro ay mas lalo akong nagiging kawawa sa kalagayan ko


agad na akong pinaupo ni Steph sa sala sabay abot ng isang tubig sakin kaya agad ko na itong ininom at kahit papaano naman ay kumalma na ang pakiramdam ko kaysa kanina


"ano kaya pa ba?" seryosong tanong sakin ni Steph sabay tapat sa pwesto ko


"k-kaya ko naman, sadyang hindi pa sa ngayon." 


"kung hindi mo na kaya ang nangyayari, pwede mo namang kausapin si Sandro." sabi neto sakin sabay hawak sa isang kamay ko "maiintindihan ka nun lalo na alam niyang kaya mo 'yon nagawa dahil sa mga dumadating sa inyong problema."


"p-paano kapag hindi?"


"hindi mangyayari 'yan, tignan mo pa lang kanina diba halos magmakaawa na sa akin ang boyfriend mo na sabihin kung nasaan ka."


"pero hindi ko sinabi dahil alam kong hindi ka pa handa na magpakita sa kaniya." sabi neto sakin kaya napaangat ang aking tingin kay Steph dahil doon


"wag mong tiisin ang sarili mo na kaya mo ang nangyayare sayo, basta andito lang ako o hindi kaya si Sandro." bilin netong sabi kaya hindi ko na nakontrol ang sarili ko at agad kong niyakap si Steph ng mahigpit at muli na namang naiyak


ng matapos ang ganon naming ginagawa ay nagpaalam na si Steph na mauuna na siyang matulog kaya tumango na lang ako at ako na lang ang naiwan dito sa sala.


pinatay ko na lang ang tv na nandito at agad na lang akong nag-phone para kahit papaano ay hindi na ulit ako maiyak sa nangyari


nagi-iscroll lang ako ng socmed ko ng biglang may tumawag na unknown number na siyang ipinagtaka ko lalo na wala akong pinagbigyan ng new number ko maliban lang kay Steph and ofcourse my dad.


kahit nacu-curious kung sino ang tumatawag sa phone ko ay agad ko na itong sinagot at itinapat sa tenga, halos walang nagsasalita sa kabilang linya kaya naramdaman ako ng inis dito 


"hello, may kausap pa po ba ako?" tanong ko sa taong nasa kabilang linya 


"l-love, i miss you so much na" bigla netong sagot sa linya na ikinagulat ko


paanong nakuha ni Sandro ang new phone number ko?


"oh sorry, baka po namali lang po kayo ng tawag baba ko na p-" paalam kong dahilan dito pero agad akong pinigilan ni Sandro 


"no tina, please talk to me naman now." pagpilit neto sakin at halata kong hindi siya lasing dahil parang pagod lang


"why did you run away to me?" tanong neto sakin sa kabilang linya 


"for our freedom" simple kong sagot dito dahil hindi ko na naman napigilan ang luha sa mga mata ko. bakit ko pa kasi sinagot 'tong tawag na to.


"how? hindi ko naman naramdaman 'yon simula nung nagising ako na wala ka na sa tabi ko." dahil dito ay hindi ko na talaga natigil ang sarili ko na umiyak 


"come back to me, love." utos netong sabi sa kabilang linya at nahahalata ko ng pinipigilan na rin ni Sandro na umiyak "i just wanna be you at by my s-side." 


"where are you?" tanong neto na medyo ikinahinto ng aking pag-iyak


"you don't have to know kung nasaan ako." sagot ko dito


"tama na, sands. ayoko na nahihirapan ka ng dahil sakin" iyak kong sabi dito sa kabilang linya "alam kong masakit, m-mahirap pero eto ang mas maganda."


"n-no love please, huwag namang ganyan. hahanapin kit-" sabi neto pero agad ko ng inend ang call convo namin at mas lalo akong napaiyak dahil doon


"t-tama na love, mas lalo akong nasasaktan dahil sa nangyayari" bulong ko sa sarili habang napaupo na dito sa sahig ng kusina ng condo ni Steph


"dahil kapag naririnig ko ang boses mo ay mas lalo akong nako-konsensya sa mga ginawa ko sayo" iyak kong sabi sa sarili at dahil sa sobrang pag-iyak ay hindi ko namalayan nandilim na ang mga paningin ko kasabay neto ay naramdaman ko na lang ang sarili ko na napahiga na lang sa malamig na sahig.



Love or Career (Sandro Marcos Fanfiction)Where stories live. Discover now