"kumakalat ngayon ang balitang hiwalay na ang magkasitahang sina Congressman 1st district of Ilocos Norte and Presidential son, Sandro Marcos at si Ms. Athena Dela Cruz. sa ngayon inaalaman pa namin ang sagot ng kanilang mga panig upang ito ay kompormahin." bungad ng balita ng pagkaopen ng tv ni Steph sa sala
"angas pati break-up niyo, pinagpi-pyestahan na" asar na sabi ni Steph ng marinig namin ang balita sa tv
"mga tao naman talaga, hindi atupagin ang sarili" hirit pa netong sabi kaya natawa na lang ako dito
hanggang ngayon ay apektado pa rin ako dahil sa mga nangyare, lalo na kagabi na nakausap ko ng biglaan si Sandro. alam kong pati siya ay ganito din ang situation.
"btw bakit parang umiyak ka ulit, tina?" tanong ni Steph sakin sabay talikod sa kalan
"h-hindi ah, kaloka ka sadyang ganyan lang yan kasi nakatulog na ako kagabi" dahilan kong sagot dito at tumanggo naman ito bilang sagot na medyo ikinalma naman ang kaba ko dahil dito
"tara na kain na tayo" ayang sabi ni Steph kaya agad na akong umupo at sabay na kaming kumuha ng ulam at kanin namin
"ay tina" tawag neto sakin habang nainom ng tubig kaya napaharap ako sa pwesto niya
"bakit?"
"hindi ko pala nasasabi sayo na may task kami in province, baka hindi kita masasamahan dito sa condo ko" malungkot netong sabi habang nakatingin sakin
"ano ka ba, okay lang naman 'no" sagot ko dito sabay hampas ng kamay sa hangin "wag kang mag-alala, mamamasyal din ako"
"good to hear that, at least alam kong hindi ka malulungkot sa pagpunta ko ng province" sabi neto sakin sabay arte na parang naiiyak
"hindi ka naman taon mawawala gaga" tawa kong sabi dito
"ih kelan ba ang alis mo?" tanong ko dito sabay inom ng tubig
"ah ano......mamaya" hiyang sabi neto na ikinagulat ko
"angas ah, nagsasabi ka jan tapos mamaya ka na pala aalis" tawa kong sabi dito habang siya naman ay nahihiya "sana hindi ka na lang nagsabi"
kaya nagtawanan na lang kami at ng matapos na kaming kumain ay ako na ang nagkilos sa kusina at inutusan ko na si Steph na ayusin ang mga dadalhin niya sa work nila sa province
ng matapos na ako sa ginagawa sa kusina ay agad na akong kumuha ng damit sa aking mini-travel bag at agad na akong naligo para naman kahit papaano ay hindi haggard at ng matapos ako sa pagligo ay agad ko ng sinuot ang terno kong pantulog at pumunta na sa kwarto ni Steph
"daming gamit na dadalhin ah! maga-asawa ka na ba?" asar kong tanong dito
"gaga, just being ready lang" sagot neto kaya agad ko na siyang nilapitan sa kinauupuan niya sa sahig
"saan ba kayong probinsya matotoka?" taka kong tanong dito dahil parang US na ang pupuntahan sa 3 maleta na sobrang daming damit na dadalhin
"in part of Visayas, doon kasi nakapwesto ang head namin in office and ofcourse hindi lang naman work ang pupuntahan namin doon kung hindi ay beach din" sagot neto at itinaas ang dalawang braso na parang nanalo sa lotto
"akala ko naman sa ibang bansa na, dami mo kasing dadalhin teh" tawa kong sabi dito kaya natawa na lang din si Steph sa sinabi ko
halos 1 hour ay natapos na sa ginagawa si Steph dahil tinulungan ko na din itong magtiklop ng damit at bagay na dadalhin niya don.
"ano, ako na ba ang maghahatid sayo sa airport?" tanong ko dito habang dala ang maleta
"hindi na, may service ang company namin" sagot neto sakin " and deserve din na magpahinga ng mag-isa ang girlfriend ni Sandro" sabi neto sabay ngiti sakin
YOU ARE READING
Love or Career (Sandro Marcos Fanfiction)
Romancekapag ba mahal mo ang isang tao, kaya mong bitawan lahat ng mahahalaga sa'yo? handa mo ba siyang hintayin, para lang sa pagmamahal mo? ipaglalaban mo ba siya? enjoy my first story about Cong.Sandro Marcos, kindly votes any chapter of my story to mo...