7

259 6 0
                                    

nagising ako sa sinag ng araw na bumungad sa aking mukha. at napatulala lang ako ng ilang saglit habang kausap ang sarili.

"eto na ang araw na pinaka-hinihintay ko." masaya kong sabi sa sarili

agad na akong tumayo at inayos ang kama ko. pagkatapos ay pumunta ako sa section ng cabinet ko para kunin ang binili kong filipiñiana last time.

sinabit ko muna ito sa malapit sa make-up cabinet at kumuha na ako ng towel robe tsaka dumeretso na sa cr para maligo na.

ng matapos na akong maligo ay pumunta na ako sa harap ng make-up cabinet ko at kinuha ang phone para mag-mirror selfie.

"ang ganda mo." puri ko sa sarili

pagkatapos ng pagselfie ko ay agad na ako nag-ayos at nag-make up para hindi haggard mamaya sa graduation namin.

habang nagba-blush on ako ay biglang nagring ang phone ko at si steph pala ang tumatawag. kaya agad ko na itong sinagot.

"hello be, morning!" masaya kong bungad

"good morning din! nag-aayos ka na?" tanong neto

"oo, lalo na need hindi pawisan mamaya"

"tama ka jan, 'te. lalo na andon pa naman ang anak ng presidente natin!" kilig netong sagot sabay tili.

parang nakakita ng palaka kung makatili

"ga-graduate na tayo lahat-lahat 'te, landi pa rin ang inaatupag mo."

"grabe ka naman sa landi ah, at tsaka gwapo rin 'yun 'no!" sagot neto sa'kin

"bahala ka jan, oh siya. mamaya na tayo magchikahan at need ko pang mag-ayos."

"sige, baka mamaya gandahan mo lalo 'te. magtira ka naman." biro neto sa'kin kaya natawa ako bigla

"loko ka talaga! sige na. see you na lang mamaya, steph!" paalam ko dito

"sige sige, see you rin!" paalam neto sabay pagbaba ng tawag kaya nilapag ko na ang phone ko sa patungan ng make-up ko at pinagpagtuloy ang ginagawa.

halos 1 hour ng matapos na ako sa aking pagri-retouch ng kuhanin ko na ang damit na susuotin ko at tinignan ang sarili sa salamin habang hawak ang damit na bitbit ko.

"sana naman ay bumagay ka sa'kin pls"

agad ko na itong sinuot at sinabay ko na rin ang aking buhok at ito ay nakalugay na kulot sa dulo.

at nang matapos na ako ay agad na akong naghanda para lumabas sa kwarto ko.

"huwag nating kakalimutan ang powerbank." utos ko sa sarili habang hawak-hawak ang powerbank tsaka nilagay na sa sling bag.

"hindi na baling mabored ako don, kaysa naman malowbat ang phone."

agad na akong lumabas sa kwarto ko at bumaba na papuntang sala.

"oh! ma'am, ikaw ba 'yan?" bungad sa'kin ng personal driver namin.

"o-opo kuya, bakit? pangit ba ayos ko?" ilang na tanong ko dito

"hindi ma'am! napaka-ganda mo lalo na sa suot niyo ngayon." ngiting sagot neto sa'kin

"sus kuya, pero thank you po."

pumunta muna ako sa kusina para tignan kung may cold water na pwede kong dalhin sa event.

"tina? napaka-ganda ng ayos mo ngayon, nak!" puri sa'kin ng yaya naming parang nanay ko na

Love or Career (Sandro Marcos Fanfiction)Where stories live. Discover now