58

168 8 4
                                    

"bakit hindi niyo ako sinabihan nang mas maaga na susunod pala ang PSG keyla dad?" seryoso kong tanong sa chief staff ng security namin

"we don’t know po sir na sumunod po lahat, akala po namin ay may naiwan na iilan para kay ma'am." sagot neto at huminga na lang ako ng malalim. wala na akong magagawa, kahit magalit ako sa kanila, nangyari na.

"musta? nakita mo na ba si Athena?" tanong ni Cass sa’kin pagkapasok ko ng office

"not yet....until now, hinahanap ko pa din siya. wala pa akong nakukuhang response sa mga kinausap ko." tamlay kong sagot dito

"baka naman kasi gusto ka na niyang iwa-"

"please, cass. i have no time to making shout here." pigil ko dito "iwan mo muna ako dito."

"but Sand-"

"just leave me alone."

agad naman siyang sumunod sa inutos ko at napasandal na lang sa upuan ko dito. ilang araw na ang nakalipas at hindi pa rin ako sanay.

hindi na ako sanay lalo na dito sa office ko. sanay ako dahil andito lagi si tina pero ngayon.....

"ilang araw pa lang pero parang hindi ko kayang ituloy ang routine ko" sabi ko sa sarili sabay lapag ng kamay ko sa arm chair

"dahil wala ka na ulit sa tabi ko."

alam ng mga staff ko even ang mga close namin ni Tina na staff dito and co-congressista ko dito na mag-live in na kami.

"sir? pwede po bang pumasok?" biglang katok ni ivan sa pintuan ng office ko

"su-sure, come in." payag ko dito

agad naman siyang pumasok at may dala itong unting papeles. kaya agad ko munang inayos ang posistion ko sa upuan.

"para saan ito?" tanong ko dito ng pagkalapag niya ng papel sa table ko.

"pinapabigay po sa inyo ni Mr. Speaker, para mabasa at mapirmahan niyo na daw po." magalang netong sagot at tumango na lang ako

ibinagsak ko agad ang atensyon ko sa papeles at para sa need na budget ito para sa mga Health Workers ang nilalaman ng papel.

"btw, sir. akala ko po kasama niyo na si ma’am Dela Cruz." biglang sabi ni ivan sa akin na nakapagbasag ng katahimikan dito sa loob.

"hindi ko na siya masasama dito dahil umalis siya."

"saan po siya pumunta, sir?" tanong neto "sayang dapat nagleave muna kayo para may bonding kayo."

"umalis na ulit siya sa buhay ko." simple kong sagot dito at napansin kong natahimik ito bigla.

isa si Ivan sa mga close staff namin ni Tina dito. lalo na, suportado ito sa relasyon namin simula una pa lang. isa rin siya sa nalungkot nung bigla na lang hindi nagpakita si Tina dito sa congress.

"sorry to hear that, cong." malungkot netong sabi at nginisian ko na lang siya.

matapos nun ay umalis naman na si Ivan sa office ko at ibinalik ko na lang ang atensyon sa papeles na dinala niya dito.

halos 2 oras ay natapos ko dito at agad ko na rin itong pinirmahan. agad ko namang iginilid ang papeles sa gilid ng table desk ko at napatingin na lang ako bigla sa isang picture frame na nasa dulo ng desk ko.

agad ko itong kinuha at pinagmasdan. picture namin ito ni Tina ng couple filipino attire kami. tanda ko dito ay sobra akong nagagandahan sa kan'ya.

"pinapangako ko, hahanapin kita." habang tinitignan ang picture namin dito sa frame

Love or Career (Sandro Marcos Fanfiction)Where stories live. Discover now