54

166 7 1
                                    

"thanks, Lander." sabi ko dito sa binigay niyang sandwhich.

pumayag naman na ako sa inalok niyang trabaho at ilang araw na rin simula ng magstart ako dito. medyo maganda ang environment lalo na mga kapwa namin ang nandito.

"hindi naman ako sa chismoso, tina" sabi neto "pero bakit dito ka nag-stay dito sa London?"

"may valid reason kasi kaya napagdecide ko na dumito muna pansamantala." sinungaling kong sagot dito

ayokong sabihin na isa sa anak ng presidente ang dahilan ng pag-alis ko at baka pagkamalan pa akong baliw neto pag nagkataon kahit na totoo naman ’yon.

"sayang lang, dahil nakita ko ang records mo." dismaya netong sabi.

"may record ka na nakapag-trabaho ka sa congress na which means, napakalaking karangalan na ’yon."

"yeah, gusto ko man mag-stay pero dahil sa isang problem na dumating, napapunta ako dito ng biglaan." sagot ko dito sabay kagat ng tinapay

"sino ba naging boss mo?" bigla netong tanong na muntik ko ng ikamasid sa kinakain.

"oh? okay ka lang?" agad netong tanong habang ako naman napatakip sa bibig

"oo, nakagat ko lang dila ko." dahilan ko dito kaya tumango na lang siya dahil doon

"so back from the topic, sino ang naging boss mo sa congress since you're in the pinas pa?" pagbabalik neto ng usapan

hindi ko pwedeng sabihin na si Sandro dahil baka ang kausap ko ngayon ay malapit sa kan’ya at sabihin na andito ang ex-staff sa London. hindi rin naman pwede si Sir Martin, hindi ko alam ang sakop ng trabaho pag sa kan’ya.

bakit ba ako napatapat sa pala-tanong na lalaki?

"a-ah, wala naman a-akong naging boss, natoka ako sa pagce-check ng records." sagot ko dito

pinipigilan ko na sumagot na hindi nauutal pero hindi ko magawa. dumadagdag pa ang tingin sa’kin ni Lander na mas lalo pang nagpakaba sa’kin.

"sure kang taga-check ka ng records sa congress?" taka netong tanong

"y-yeah..why?" utal kong tanong dito

agad ko siyang sinundan ng tingin at hindi nga ako nagkamali. kinuha niya ang envelope ng records ko. patay na.

"ih ano ’tong nakalagay dito?" lapit neto sa’kin ng papel "Personal Secretary of one of the congressional representative in House of Representative."

nang makita ko ang sinasabi niya ay napalunok na lang ako ng sikreto. medyo napayapa ako ng bahagya dahil wala doon ang pangalan ni Sandro.

"ah, tine-testing lang kita kung maniniwala ka!" agad kong biro dito sabay palo ng balikat neto kaya natawa na lang siya dahil doon.

"ikaw talaga" iling netong sabi "akala ko naging staff ka ng cousin ko na nasa congress"

"may relative ka na nagwo-work sa congress?" tanong ko dito

"oo"

"eto talaga, lowkey person ka lang pero may kamag-anak ka na pala sa HOR ah!" tawa kong sabi dito habang kinakain ang huling tira ng sandwhich na hawak ko.

"yeah, actually new pa lang siya sa congress but ’yung performance niya parang matagal na sa ganong patakaran." sagot neto sa’kin na agad ko namang ipinagtaka.

sino kaya ang relative na sinasabi neto? si Sir Martin? Congw. Robes? Cong. Revilla? pero lahat naman ng naiisip ko na andun sa congress ay matagal nang nagta-trabaho don.

"sino ba ’yang relative mo na ’yan?"

"hindi mo kilala" gulat netong sabi

"tinutukoy kong pinsan ay si Sandro Marcos. Congressman ng bayan namin sa Ilocos Norte."

"akala ko alam mo na, dahil halos lahat dito alam na lalo na nakasama ko na siya dito last time." paliwanag neto

"nung nagkita tayo, andito siya sana but biglaang cancel ang flight. may problem daw sa pinas kaya ganon."


nang marinig ko lahat ng paliwanag ni Lander sa’kin ay para bang nanghina na lang ang katawan ko. lalo na nalaman ko na hindi siya natuloy dito sa London dahil sa rason na may problema sa pinas.

talagang napakaliit ng mundo, hindi ko alam na ang lalaking nakakasama ko dito ay malapit pala niyang kamag-anak sa Romualdez.

"a-ah ganon ba? tsaka hindi ko nahalata na malapit ka pala sa Marcos." sabi ko dito

"yeah, sabi ng mga Pilipino na nakakausap ko dito hindi daw halata, pero okay na din ’yon" tawa netong sabi "baka sabihan pa ’kong mayabang dahil sa naging pinsan lang ang anak ng presidente."

"alam ko kapag napakilala kita kay Sandy, i’m sure na magkakasundo agad kayo non." masaya netong sabi sabay hawak ng parehas kong kamay

binigyan ko na lang siya ng ngiti dahil don. pano ko pepekein na tama siya don pero ang totoo, hindi lang sa pagiging magkasundo ang namagitan sa’min?

"bakit ang tamlay ng boses mo?" tanong ni Step sa’kin na nasa kabilang linya

"ah, w-wala malamig na k-kasi dito." dahilan ko dito

"ay ate, kahit malamig sa lugar na napuntahan mo hindi ka ganyan, tuwang tuwa ka pa nga kapag malamig."

"ikalma mo nga, oo na."

"iba rason netong tamlay ko." sagot ko dito

"ano bang reason kasi?" ulit netong tanong sa linya

"natandaan mo ’yung nakwento ko sa’yong lalaki na nakilala ko dito?" paninimula kong sabi dito at narinig ko naman ang sagot niya na oo.

"pinsan niya pala si Sandro sa Roumaldez side." sagot ko dito at agad akong napatakip ng tenga dahil sa biglang tili ni Step

"kumalma ka nga! grabe sa tili ah." inis kong sabi dito habang nakalagay sa kabilang tenga ang phone ko

"sorry naman, pero seryoso ba?" tanong ulit neto "na pinsan ng ex laviloves mo ’yan?"

"oo nga. hindi lang simpleng mag-pinsan, sobrang close pa." sagot ko dito

"aray" tanging nasabi ni Step dahil don.

ganito na ba ang tadhana sa’kin? ako na nga ang lumalayo para hindi na mas lalong mag-suffer si Sandro dahil sa’kin. pero lahat ng malalapit sa kan’ya ay napapalapit din sa’kin. ang galing ng plan ni tadhana.

"eh pano ’yan?" agad na tanong sa’kin neto

"sobrang close at nakakasama niya pa minsan jan, pano pag nagkita kayo ni Sandro?"

"ayon na nga ih. ang hirap mag isip ng gagawin." tamlay kong sagot "kung anong iwas kong gawin, napapalapit naman sa’kin ’yung mga taong malapit sa kaniya."

"lalo na, balak akong ipakilala ni Lander kay Sandro. alam daw niyang makakasundo ko daw ’yung pinsan niya na ’yon."

"baka si Lander talag ang tulay para magkita ulit kayo diba?" birong sabi ni Step sa tawag

"haha, bahala ka jan matutulog na lang ako." iba ko ng topic dito. dahil baka kay Sandro na naman ang bagsak

"sige po. ex ni Sandro, babush!" hirit pa neto at agad na pinatay ang tawag.

kaya nilagay ko na lang ang phone ko sa side desk ng kama ko at chinarge ito. nag-appear ang lockscreen ko sa phone. ang first pic namin ni Sandro nung sona ni PBBM. halata mong sobrang saya namin dito.

"miss na kita sobra, hon." sabi ko sa sarili habang nakatingin sa phone ko

"sorry sa lahat-lahat. sana may lakas pa ako kapag nagkita tayo ulit ng personal" sabi ko dito habang nakatingin lang sa picture namin

"sana kapag okay na ang lahat, at payapa na. sana pwede pa." iyak kong sabi sa sarili "sana ako pa, sana tayo pa din."

Love or Career (Sandro Marcos Fanfiction)Where stories live. Discover now