17

227 7 0
                                    

"go with me, tina." utos sa'kin ni Sandro pagkatapos kong sabihin sa kan'ya na may meeting siya with the members of BBMYouth

"dito na lang ako, Sir sands." sabi ko dito sabay ngiti. dahil tinatamad na ako kahit andito lang ako sa office niya simula umaga at magta-tanghali na.

"you're my secretary and you need to be at my side" sabi neto sa'kin sabay tingin sa'kin "always."

kaya ayun, wala na akong magawa. may patingin pa kasing alam. rupok ko sorry.

sabay na kaming lumabas ni Sandro sa office at pinabuhat niya na lang sa kasama naming PSG 'yung mga dala kong bitbit.

ng makalabas na kami ng hall ay agad akong nasilaw dahil napa-init, parang oven na jusko!

"suotin mo 'to." utos sa'kin ni Sandro sabay abot ng black sungglasses.

"no need sir, kaya naman ng mata ko 'yung init dit-"

"please, Athena. ayokong sumakit ang ulo at mata mo pag andun na tayo sa HQ ni pops dahil sa sobrang init." kaya kinuha ko na 'yung sunglasses na pinapasuot niya sa'kin. alam mo talaga kung pa'no ako kunin.

ng dumating na ang van na sasakyan namin ay agad na kaming sumakay sa loob neto at magkatabi kami ni Sandro.

habang binabaybay namin ang kalsada ng commonwealth ay bigla akong tinanong neto.

"later after my meeting, saan mo gustong magdinner?" tanong neto sa'kin na ikinagulat ko ang random naman neto.

"why?" tanong ko dito habang nakatingin sa bintana ng sinasakyan namin

"gusto ko lang bumawi dahil nawalan ka ng gana nung nasa lomihan tayo last time." sagot neto sabay ayos ng kwelo ng polo

ganito siya pagkatapos ng morning session or meeting sa congress ay nagpalit na siya ng damit dahil ewan ko sa kan'ya.

"sus babawi ka pa, grabe ka nga magpaiyak." bulong ko sa sarili

"ano 'yun?" takang tanong sa'kin ni Sandro. teka narinig niya ba? wag naman sana.

"n-nothing." sagot ko dito kaya tumanggo na lang ito at bumalik sa pagpo-phone. habang ako andito nanonood ng mga sasakyang tumatakbo kasabay namin.

halos ilang minuto lang namin binaybay ang byahe pa commonwealth to mandaluyong city. dahil na rin may kasama kaming escort dito.

ng makapasok na kami sa parking area ng HQ ni PBBM ay agad na kaming bumaba sa van at pumasok na kami sa loob.

kumaway lang si Sandro sa mga staffs na andito samantalang ako ay ngiti lang ang ginagawa dahil hindi ko pa masyadong kakilala ang mga andito.

sumakay na kami sa elevator para makapunta na sa 5th floor ng HQ dahil andun ang station for room meetings.

ng makalabas na kami sa elevator ay may sumalubong na agad na mga member siguro ito ng Youth. kaya kinausap na niya rin ito pagkatapos siyang salubungin.

papasok na sana sila sa room for meeting ng nagpaiwan si Sandro sa labas at pumunta ito sa'kin.

"bakit nakaupo ka lang jan?" tanong neto kaya napatingala ako sa pwesto niya

"a-ayoko kasing sumam-"

"sumama ka na sa'kin sa loob." utos neto sabay hawak sa pulsohan ko pero agad ko rin itong binitawan

"w-wag na tsaka nahihiya ako sa mga ka-meetings mo." sagot ko dito dahilan dahil totoo naman.

"wag kang mahiya sa kanila, mababait naman 'yang mga youth-members and i'm sure magkakasundo kayo." pangungumbinsi neto kaya sa huli, sumama na ako sa kaniya sa pagpasok sa loob.

nakakahiya lang dahil sa'min ang tingin ng mga tao sa loob nung sabay kaming pumasok.

umupo lang ako sa sulok malapit sa pwesto ni Sandro, at habang nagme-meeting sila ay nagpicture lang ako ng patago for ganap lang ng bigla akong kausapin ng malapit sa'king youth member.

"hi, ma'am. kaano-ano mo po si Cong. Sandro?" tanong neto sa'kin kaya napatingin ako dito

"Cong.Sandro was my boss, why?" sabi ko dito habang nakatingin sa pwesto ni Sandro na nakikinig sa nagsasalita na isa sa mga member ng youth

"talaga po? i thought you're the girlfriend of Sir Sandro." sagot neto sa'kin kaya natawa na lang ako ng mahina. mukha ba akong girlfriend niya? lagi na lang.

"n-no. close lang kami sa isa't isa, ano ka ba." sabi ko dito kaya natawa na rin ito.

halos magta-tatlong oras ng matapos ang meeting dahil nakipag-kwentuhan pa sila kay Sandro tsaka biruan and ayun agad silang lumapit sa pwesto ni Sandro para magpapicture. tinalo pa ang artista.

habang nasa gilid ako ay may lumapit sa'kin babae and tingin ko same age lang kami nito.

"ma'am, can i have a picture with you po?" sabi neto habang nakangiti

"s-sure, pwedeng-pwede." sagot ko dito kaya tumabi na ito sa'kin at binigay niya ang phone sa ka-youth neto para mapicturan kami

"thank you po, ma'am?"

"Athena."

"thank you po, ma'am Athena. napakaganda niyo po." puri neto sa'kin kaya mas lalo akong napangiti

"aww, thank you for that. kinilig tuloy ako!" sabi ko dito sabay himas sa buhok neto.









"welcome po, ma'am. ang galing po talagang mag-alaga ni sir Sandro." biglang sabi neto sa'kin ng dahilan ng sabay naming pagtingin ni Sandro.







"yeah, magaling talaga akong mag-alaga lalo na sa mga staffs ko." sagot dito ni Sandro at eto ako, nawalan ng lakas dahil don

"i-ikaw talaga!" tanging sabi ko dahil hindi ko na alam kung anong isasagot ko dito lalo na nakatingin sa'kin si Sandro habang nakangisi. nangangasar ba siya?

"we will go na! thank you for supporting my Father and don't worry makakarating ang gusto niyong sabihin kay pop." assurance na sabi ni Sandro sa mga youth member na nakasama namin sa meeting.

sabay na kaming lumabas sa room at sumakay na agad kami sa elevator. until now, hindi pa rin ako nakakadaldal dahil sa nangyari.

kung keylan napapag-isipan ko na iwasan at hindi na tumagal ang nararamdaman ko dito, mas lalong lumalala.


Love or Career (Sandro Marcos Fanfiction)Where stories live. Discover now