KAKAIBA

7 0 0
                                    

+.

Alam mo yung na feeling na iniiwasan ka ng iba hindi dahil sa may nagawa kang mali iyon ay dahil sa panget ka.

Hindi kaaya-aya ang mukha puno ng pimples.
Bako-bako, not clear skin.
Pango.
Hindi mayaman.
Maitim pa ang balat at walang nagmamahal.

Call me Makoy, pero tawag ng karamihan saakin ay shokoy pero hinayaan ko na yun. Doon sila masaya at least nagpapasaya ako kahit na nakakasakit na sila ng iba.

Pero kahit naman na ganito ako ay may kaibigan naman akong maganda, famous, mabait, ‘di maarte at palaging taga-pagtanggol ko sa mga bully saakin.

Meet Uniqueca, ang muse ng Class 1-A.

Sino ba namang hindi maaakit sa angking kagandahan niya kaya siguro lahat ng boys sa campus ay inggit saakin kasi malapit kami ni Uniqueca.

“Hoy shokoy! P’wede bang ikaw na mismo lumayo kay Uniqueca!?” maangas na saad ni Jasper saakin.

“Hoy!! Are you deaf? Layuan mo na si Uniqueca, ‘di lang siya makalayo sayo dahil kakaawa ka. Ikaw na lang mismo ang umiwas, p’wede?” dagdag pa niya.

“Iiwas lang ako kapag siya na mismo ang nagsabi, hindi ka naman si Uniqueca di’ba? Kaya bakit ako makikinig sayo?!” at tumayo na ako sa kinatatayuan ko pero hinarangan ako ni Jasper.

“Kapag hindi mo iniwasan ang future wife ko, I will make your life miserable. Did you get it, Shokoy?” Sabay hampas sa ulo ko .

“Tsk, okay...libre lang naman mangarap di’ba? Sige future wife mo na siya in your dreams nga lang haha,” pamimilosopo ko sa kaniya.

“You’re stupid!...hmpp.”

At susuntukin na sana niya ako kundi lang namagitan si Uniqueca sa aming dalawa at malamang sa alamang ay mababangasan ang mukha ko hindi na nga clear skin magkakaroon pa ng pasa and thanks na lang to my savior.

“Jasper! Can you please stop! Palagi mo na lang pinag-iinitan itong si Makoy, ano bang nagawa niya sayo?” saad ni Uniqueca.

“Wala akong ginagawa sa kaniya! Siya itong bigla-bigla na lang nagagalit sa’kin," singit ko naman.

“Nevermind, Uniqueca!” at may pag-ngiti pa. Tss plastic!

Lumapit si Jasper at bumulong sa akin.

“May araw ka rin sa’kin.” at nagsimula nang maglakad palayo.

“Ayan, umalis ka na lang Jasper,” sambit ni Uniqueca.

“Ohh tara na sa loob ng room?” pagyaya ko sa kaniya.

“Oh sure, para naman ‘di kana balikan ni Jasper. Hindi porket g’wapo siya at famous ay hindi ko na siya sawayin sa maling ginagawa niya sa iba lalo na sayo!”

“Pero alam mo bagay naman kayo ni Jasper ah famous ka sa campus at siya din at isa pa parehas kayong may itsura. Nanliligaw ba siya sayo?” pang-uusisa ko.

“Alam mo rin ba na we’re not same attitude? And yes, nanliligaw siya sa’kin pero hahayaan ko bang magkagusto ako sa kaniya kahit ang panget ng ugali niya!?”

“Well, ikaw ang makakasagot ng tanong mo, nasa iyo ang desisyon if you are fall in love with him. Friends mo lang ako at wala akong karapatan na pangunahan ka.”

“Hayst anyway! Get inside na nga lang tayo sa room. Baka kung saan pa itong usapin mapunta.”

“Haha oo nga at baka masermonan na naman tayo ni Ma’am Avila!”

“Kaya nga! Ang sungit!” At tuluyan na kaming nakapasok sa silid.

*Classroom*

Wala pa ring pinagbago, mga isip-bata pa rin mga kaklase ko.

Ka-IstoryaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon