Don’t read this if you’re alone.
+.“Hey saan ka?” tanong sa akin ng bff kong si Khan.
“Uuwi na ako! Baka tuluyan pa akong malasing!” sambit ko sa kaniya.
“Ahm dito ka na lang kina Vonn matulog!” saad ng isang kaibigan ni Vonn na si Caleb.
Vonn is my childhood friend.
Nagkayayaan kasi ng inuman ang tropa kaya heto ako ngayon medyo nahihilo na pero kaya ko pa naman at inabot na ng gabi.“Ang aga pa! Shot ka muna!” saad ni Dale at inaabot sa akin ang basong may alak.
“Tama na yung nainom ni Azalea‚ uuwi pa siya oh!” suway naman ni Khan kay Dale.
“Kakahiya naman kung d’yan pa matutulog kina Vonn! Kababae kong tao dapat natutulog ako sa mismo kong bahay!” paliwanag ko sa kanila.
“Mukhang hindi mo na nga kaya eh!” pag-aalalang sambit ni Vonn sa akin.
“Vonn parang hindi mo ako kilala ah! Malakas pa ‘to kaya ko pang umuwi!” saad ko pa.
“Ohh siya sensya ka na bff‚ maya pa kasi ako uuwi! Tutal may kasama naman ako si Caleb. Magkaiba kasi tayo ng daan pauwi eh!” paghingi ng paumanhin sa akin ng bff kong si Khan.
“Bff‚ okay lang sa’kin. Wala tayong magagawa...Oh siya‚ alis na’ko!” saka isinakbit sa balikat ang shoulder bag kong dala.
“Pahatid ka na kay Vonn‚ Azalea!” sigaw pa ni Caleb sa akin habang papalayo sa kanila.
“No need!” tanging tugon ko.
Sa pagbubukas ko ng gate biglang sumunod sa akin si Vonn na agad akong tinulungan at inalalayang lumabas.
“Napaka-gentleman naman.” pagpuri ko sa kaniya.
“Talaga bang hindi ko na mababago ang isip mo?”
“Haha hindi na‚ kaya bumalik ka na lang doon sa inuman.” saad ko sa kaniya sabay may pagtulak pa.
“Gabing-gabi na baka kung mapaano ka pa sa daan! Dito ka na lang matulog sa’min‚ ipagpapa-alam kita kina tita! For sure papayag yung mga ‘yon!” saad sa akin ni Vonn.
“Kaya. ko. ang. sarili. ko. OKAY!?” pagmamatigas ko pa.
Nagkatitigan pa kami ng ilang segundo nang biglang dumating si Dale.
“Oh akala ko ba uuwi ka na Azalea?” gulat na tanong ni Dale sa akin habang iniaabot kay Vonn ang basong may alak. Agad naman iyong ininom ni Vonn.
“Oo nga uuwi na‚ ito kasing si Vonn ayaw akong pauwiin sa’min!” sumbong ko kay Dale.
“Ah nag-aalala lang naman sa’yo itong si pare ko’y natin.” sambit niya sa akin.
“Eh kaya ko nga sarili ko!” pag-ulit ko ulit ng salitang iyon.
“Okay!” tanging tugon ni Dale saka bigla nang umalis.
Kahit kailan may pagkabastos din itong si Dale eh.
“Are you really sure? P’wede naman ki—” I cut his off.
“Again! Don’t worry‚ I will be fine Vonn. Tatawagan ko na lang si kuya para sunduin ako kapag pagod na akong maglakad.” I said
as I start walking.But Vone hold my hand that’s why I stop.
“P’wede naman na ako na lang maghatid pauwi sa inyo! To make sure that you are safe!”
“Thanks Vonn but you drunk too much baka mapaano lang tayo sa kalsada!”
“Hayst. Oh sige kung ‘yan ang gusto mo. Hindi na kita mapipilit eh‚ text me or call me na lang if you already got home!” he said.
BINABASA MO ANG
Ka-Istorya
FanfictionCompilation of my short stories since 2019 until now. Genre: • Romance • Comedy • Mystery • Thriller • Horror • Young Adult • Fantasy • FanFiction • Paranormal • Science Fiction WARNING: please read. This is a work of fiction. Names, characters, pla...