+.
“Kahoy ka!? Ba’t ang rupok mo?!”
Isang malakas na sigaw mula sa akin ang umalingawngaw sa loob ng isang cafeteria kung saan kami naroon ngayon ng kaibigan ko.
“P’wede ba Rydeen‚ hinaan mo ‘yang mala-mic mong boses nakakahiya ka!” saka ko siya iniripan bago humigop ng aking kape.
“Sino ba kasing ‘di maiinis sa’yo at sa utak na meron ka pati d’yan sa mga pinag-gagawa mo! I’m very‚ very disappointed‚ honestly! Myghad Bricksy pinunta natin dito sa café para ay mag-chillax ‘di yung ma-stress ako sa mga sinabi mo arghh kainis!” at bahagya pang gumilid si Rydeen sa kinauupuan niya at umiwas sa akin at idinako ang tingin sa labas.
‘Ayan na‚ nafe-feel ko na talaga yung tensyon sa pagitan namin ng kaibigan ko‚ hasyt pinasok mo ‘to Bricksy kaya panindigan mo.’
“Ry‚ sorry okay? Uhm...alam mo naman lagi kong sinasabi sa’yo na—” naputol ang sasabihin ko nang bigla siyang humarap sa akin at nagsalita habang nakataas ang kilay.
“𝘕𝘢 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘬𝘰 𝘱𝘢 𝘳𝘪𝘯 𝘵𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢 𝘴‘𝘺𝘢 𝘬𝘢𝘩𝘪𝘵 𝘮𝘢𝘴𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘺𝘶𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨𝘢𝘸𝘢 𝘯‘𝘺𝘢 𝘴𝘢’𝘬𝘪𝘯—𝘈𝘵 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘨 𝘯𝘢𝘨𝘱𝘢𝘭𝘪𝘸𝘢𝘯𝘢𝘨 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘴‘𝘺𝘢 𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘢𝘺𝘰𝘴 𝘴𝘢’𝘬𝘪𝘯‚ 𝘐 𝘸𝘪𝘭𝘭 𝘢𝘤𝘤𝘦𝘱𝘵 𝘩𝘪𝘮 𝘢𝘨𝘢𝘪𝘯.” impit niyang salita na para bang ginagaya din kung paano ko ito sabihin sa kaniya noon.
“Rydeen naman...” sinad’ya kong mag-inis-inisan sa kaniya.
“Nako Bricksy! Tigil-tigilan mo ako sa mga pa-gan’yan mo alam ko na ‘yan ‘di mo na ako magagawang pagpa-konsensyahin gasgas na ‘yan‚ tsk!”
“Atsaka alam mo...” duro niya pa saakin
“Hindi ko pa alam.” pamimilosopo ko sa kaniya.
“Aba! Sabunutan kaya kita d‘yan huh! Bricksy nakakapagod kang intindihin! Look‚ all my advice pati yung pag-comfort ko sayo—kasi nga kaibigan kita‚ all of that nauwi lang sa WALA at paulit-ulit mo lang din namang ‘di gagawin at hindi isinisiksik sa kokote mong mala-kahoy ang lahat ng payo ko‚ grabe ang rupok at ang tanga mo talaga!! prangkahan niyang saad.
‘Ready na talaga ako kanina pa sa magiging misa ng madreng nasa harap ko.’ ಠ,_」ಠ
“Unbelieveable na ang isang kaibigan ko na si Bricksy ay nagawang patawarin ang alieng bf n‘ya na sa sobrang kapal ng mukha ay ‘di malaman kung ilang pages na ba! Nagpaliwanag lang ng mga gasgas at gamit na gamit ng palusot sa kaniyang harapan with matching paluhod at paawa effect‚ e tinanggap pa rin ang bf kahit kitang-kita naman ng two pretty eyes niya na sarap na sarap sa halik ng malantod na babae doon sa school!” pa-arte ngunit may halong inis at diin sa boses ni Rydeen.
‘Ang babaeng ‘to sinasad‘ya talagang iparinig sa iba ang usapan naming dalawa para lang mapahiya ako kundi lang kita bff kanina pa kita nabuhusan ng kape ko‚ tch! Kainis.’
“No imik? Kasi true‚ di’ba Bricksy?! Lapit ka pa nga sa’kin.” pataray na saad ni Rydeen.
Lalapit na sana ako pero bigla akong napa-iwas nang aakmain niya akong sabunutan‚ aba‘t walanghiya.
“Pahawak lang sa long hair e ta’s sabay kong isakal iyon sa makinis at maputi mong leeg! Hmm! Kaibigan ba talaga kita ha? Kasi ibang-iba ka na sa dating Bricksy na nakilala ko...bakit ka ba nagt‘ya-t‘yaga sa lalaking ‘yon? At ano ang nakita mo sa kanya ba‘t baliw na baliw ka at ‘di mo siya maiwan?” seryoso at nang-gigilid na ang luha niya.
“Ako pa rin ito... si Bricksy ano ka ba Ry‚ haha ‘di ako nagbago.” pilit na ngiti ang biglang ginawad ko sa harap niya.
“Bricksy na marupok pa rin hanggang ngayon? Na tanga pa rin hanggang ngayon? Na bulag pa rin sa pag-ibig hanggang ngayon? Na magiging loyal at loving person sa hayop niyang bf hanggang ngayon kahit ilang beses na siyang lokohin at saktan‚ Bricksy! ANO BA?! GUMISING KA SA KATOTOHANAN! HINDI LANG SIYA YUNG LALAKI SA MUNDO! PATI AKO NA KAIBIGAN MO AY NAAAWA AT PASUKO NA DIN SA MGA PINAG-GAGAWA MO! SARILI MO NGA SIGURO ‘DI MO NA DIN PINAGTIRHAN NG PAGMAMAHAL AT LAGI NA LANG SA LALAKING YUN!—”
“—KUNG ‘YON SANANG INILAAN MONG ORAS SA KANIYA NA NASASAYANG AT ‘DI NASUSUKLIAN AY ITUON MO NA LANG SA BONDING NATIN BILANG FRIENDS‚ NAGSAYA PA TAYO. EWAN KO NA SAYO‚ BAHALA KANA ‘DI KA NAMAN DIN NAKIKINIG SA MGA ADVICES KO haha NAGSAYANG PA AKO NG SALIVA!” kitang-kita ko na halos nagpapaunahang magsipatakan ang luha niya.
At doon na talaga bumuhos ang galit niya saakin at napagtaasan niya pa ako ng boses. Lumabas siya sa cafeteria‚ and as usual pinagtitinginan na naman kami.
Gan‘yan si Rydeen kapag hindi na niya kinakaya biglang nagwa-walk out mala-Laila De Lima lang ang peg niya.
‘Pero napaisip din ako sa mga sinabi niya sakin at sa mga bagay na nagawa sa‘kin ng boyfriend ko. Tama nga siya sa mga sinabi niya, wala akong ibang inisip kundi ang magmahal ng magmahal.’
‘Napansin ko din pati sarili ko unti-unti ko nang napapabayaan maski yung friendship namin ni Rydeen naaapektuhan.’
***
One thing is for sure‚ marupok no more na ako. Magpa-party ang mga aliens sa Pluto‚ yohoo! Yes yuff kasi I’m back to happy single again.
Kung tatanungin niyo ako‚ kung magmamahal pa ba ako? Hmm‚ why not di‘ba? Pero bago ako bumalik sa pagmamahal‚ I will make sure that hindi na ako masasaktan. Alam ko na yung value ko dahil sa tulong ng bff ko na si Rydeen lahat pinaramdam niya saakin.
Nobody deserves to be hurt. Natuto na ako sa mga katangahan ko noon at ang marupok na Bricksy noon‚ now‚ marupok no more na ngayon! Hindi pa gaanong matibay pero kinakaya ko at kakayanin ko pa lalo.
Sa mga naging ex‘es niyo huwag kayong magtanim ng galit sa kanila kundi ay magpasalamat sa biyayang natatanggap‚ kidding‚ what I mean is sa mga bagay na nagawa nila sayo dahil nagsilbing inspirasyon at aral iyon at naging malakas pa tayo para harapin at magising sa katotohanan para magpatuloy ulit sa buhay.
Natutunan rin natin mula sa kanila na pahalagahan ang ating mga sarili pati iyong mga taong mas nagbigay‚ naglaan ng oras sa atin na mahalin at payuhan sa araw-araw sa mga panahong nahihirapan tayo.
END.
BINABASA MO ANG
Ka-Istorya
FanfictionCompilation of my short stories since 2019 until now. Genre: • Romance • Comedy • Mystery • Thriller • Horror • Young Adult • Fantasy • FanFiction • Paranormal • Science Fiction WARNING: please read. This is a work of fiction. Names, characters, pla...