+.
“Guys alam n’yo ba itong si Brixs nalalaman daw niya ang hinaharap!” chika ni Chelsea sa iba ko pang kaklase.
“So manghuhula siya! Pahula ko kaya sa kaniya kung sino magiging futured husband ko!?” saad ni Belle na palagi namang sawi sa pag-ibig.
“Di’ba kalimitan sa mga manghuhula ay matatandang babae?” takang tanong ni Winnie.
“Ewan ko! Basta ako magpapahula kay Brixs.” saad ni Chelsea.
Kung ano-ano ang pinag-uusapan nila tungkol sa kakayahan ko. Teka lang? Paanong...talaga ngang si Chelsea ang reyna ng chismis. Pinagkalat talaga niya ang talento ko sa iba.
Matagal ko nang itinigil ang panghuhula pero hindi pa rin mawala sa aking isipan iyon‚ patuloy ko pa ring nalalaman ang future ng iba sa tuwing titingnan ko sila.
Sa pag-alam ko ng future nila nalulungkot ako at natatakot kasi iba-iba ang magiging buhay nila at maaawa na lang bigla dahil wala silang kaalam-alam sa magiging buhay nila sa hinaharap.
Dahil nga kinalat ni Chelsea ang chismis sa room halos lahat sila ay nagpapahula at nagkumpulan sa desk ko.
•••
“Brixs‚ p’wede ko bang malaman kung anong work ko in the future?” tanong ni Chelsea habang nakatitig sa aking mukha.
“Ahmm Chelsea...ano kasi...ahh isa kang...” paputol-putol kong saad sa kaniya.
“Kasi ...ano?” sa kagustuhang malaman na ni Chelsea ay napagtaasan niya ako ng boses sa sobrang excitement.
“Ano ka ba Chel‚ hintayin mo si Brixs na makapagsalita!” kumpronta ni Belle.
“Tama.” saad ni Max.
“Bakit mo ‘ko sinisigawan? Nililinaw ko pa nga sa’king isipan kung bakit gano’n ang trabaho mo.” sambit ko sa kaniya.
“Ehh ano nga kasi yung work ko in the future?” tanong niya ulit.
“Work mo in the future ay isa kang labandera.” direkta kong sambit.
“Huh? A-ano? Ba-bakit? Hindiii!!?” 'di makapaniwalang sambit ni Chelsea.
Nang malaman ng iba ang work ni Chelsea nagtawanan silang lahat. At kung ano-anong panlalait ang natatanggap niya. Ganoon pa man nagpatuloy pa rin ang iba na malaman ang future nila
“Ahmm...Brixs ako? Magiging isa ba akong successful businessman?” nahihiyang tanong ni Max.
“Alam mo Max‚ isa kang mabait na bata kaya magiging maganda ang takbo ng kompanya mo pero darating ang araw na malulugi ito dahil lamang sa hindi pagsipot sa kasal ng iyong asawa na siyang nagpabago ng iyong behaviour at buhay.” malungkot kong sambit sa kaniya.
Sa narinig niya malungkot na bumalik sa kaniyang upuan si Max.
“So sad naman yung kina Chelsea at Max. Pero sana yung sa’kin hindi.” sambit ni Nammy.
Napatingin naman ako kay Nammy at nakita ng aking isipan ang magiging buhay niya sa hinaharap.
“Alam mo Nammy napaka-maawain mo kaya hindi ako magkakamaling maganda ang buhay mo.” nakangiti kong sambit sa kaniya.
“Talaga ba? Nako‚ hindi ko inaasahan ‘yon!” ‘di makapaniwalang tugon ni Nammy sa akin.
“Pero teka lang Brixs. Bakit ka may kakayahang gan’yan?” tanong ni Smiley.
“...”
Loading ako sa tanong ni Smiley‚ ewan ko kung bakit? 7 years old ako nang malaman ko na lang na kaya ko palang makita o malaman ang future ng iba.
“I think...bigay nang diyos sa’kin para makatulong sa ibang tao?!” walang kasiguraduhan kong sagot.
“No—” mabilis na sambit ni Ghodfrey.
“Ayon sa bibliya ang pagkakaroon ng gan’yang kakayahan ay nagmula sa demonyo. Ginagamit ka niyang instrumento upang mapalayo ang loob sa panginoon. Ang tanging paraan upang mawala iyan ay itapon ang mga bagay na nag-uugnay sa espiritismo.” nakayukong saad ni Ghodfrey dahil patuloy pa rin siya sa pagsusulat.
“Ano ang espiritismo?” Tanong ni Smiley.
Tumango si Ghodfrey at iniayos ang salamin bago nagtuloy sa sasabihin.
“Nauugnay ang mga gawaing gaya ng astrolohiya‚ pangkukulam at okultismo—kung saan napapabilang ang kakayahan mo Brixs.” dagdag pa niya.
“Woww!” manghang sambit ng ilang nakikinig.
“Ikaw Brixs ay nakikipag-ugnayan sa masasamang anghel.” saad ni Ghodfrey at sa pagkakataong iyon ay tumayo siya sa kaniyang kinauupuan.
“Huh? ‘Di ko alam ‘yan!” gulat kong sabi.
“Ang kakaiba pa ay hindi mo nalalaman ang sarili mo mismong hinaharap kahit pa pilitin mo itong makita gamit ang salamin. Kung ayaw mong mapasanib kay satanas mas mabuting pag-aralan mo ang bibliya. Lahat kayo ay magbasa ng bibliya upang malayo kayo sa kasamaan.” seryoso pang sambit ni Ghodfrey sa aming lahat.
“Grabe‚ Ghodfrey dami naming natutunan sa’yo.” sambit ni Winnie.
“Tama ka! Hindi ko nga malaman ang kinabukasan ko kahit pilit ko ito gustuhing makita sa’king isipan o sa salamin man. Salamat sa iyong payo at gagawin ko nang habit ang pagbabasa ng bible kaysa sa malaman ang hinaharap ng iba. Isa pa ayaw ko nang mapabilang pa ulit sa alagad ni satanas at hindi na muling papayag na gawin niyang instrumento ang aking sarili!” saad ko sa kanilang lahat.
At natapos na ang usapan namin nang dumating na ang sunod naming teacher sa Esp.
END.
BINABASA MO ANG
Ka-Istorya
FanfictionCompilation of my short stories since 2019 until now. Genre: • Romance • Comedy • Mystery • Thriller • Horror • Young Adult • Fantasy • FanFiction • Paranormal • Science Fiction WARNING: please read. This is a work of fiction. Names, characters, pla...