+.
Normal naman siguro na kagalitan at kaayawan yung magulang mo di’ba? At may mga rason naman ang bawat anak kung bakit sila ganoon.
I’m Moises Delgado‚ isang highschool student at nag-aaral sa isang pribadong paaralan.
May kaya naman kami sa buhay at dalawa lang din naman kaming naging anak at ‘di na nasundan pa. Wala na siguro akong mahihiling dahil almost perfect na family ko.
Pero nagbago ang lahat ng yun‚ inakala ko tuloy-tuloy na ang saya at suwerte sa buhay namin not until natanggal si Dad sa tinatrabaho-an niyang kompanya.
Kinailangan na magbawas ng empleyado dahil nalulugi na at sa kamalas-malasan si Dad ang isa sa napili.
Dahil sa nangyari‚ nagbago lahat sa loob ng bahay ultimo pag-uugali ni Dad nag-iba‚ madalas nagiging mainitin ang ulo.
Palagi na lang siyang umuuwi ng malalim na ang gabi at lasing pa.Si Mom naman ganoon din‚ gabi din umuuwi pero naintindihan ko ‘yon kasi kailangan ni Mom na magtiyaga kasi siya na lang mag-isa ang nagta-trabaho para sa pamilya.
Paulit-ulit ang nangyayari sa pamilya namin na umabot ng tatlong buwan.
Kinagabihan‚ alas-onse ng gabi‚ nasa sala ako nag-aaral nang madatnan ko si Dad na umuwing lasing at halatang may galit sa kung sino man ‘yon.
Medyo kinabahan ako kasi baka saakin niya pagbuntunan ang galit.
“Moises! Nasaan ka?! Moises!” sigaw ni Dad habang nangangapang umupo sa sofa.
“D-dad‚ I’m here.” kinakabahan man pero lumapit pa rin ako sa kaniya upang alalayan sa pag-upo.
“Nasaan si Zerachiel? Tulog na ba s‘ya huh!?”
“Yes po Dad‚ maaga ko po s‘yang pinatulog sa kaniyang room‚ kumain na din po s‘ya bago pa matulog.”
Wala na siyang naging tugon‚ nanahimik siyang naupo sa sofa habang ako naman bumalik sa kaninang ginagawa ko.
Mag-a-alas dose na ng gabi pero wala parin si Mom‚ nag-aalala na ako at si Dad naman nasa sofa pa rin sa tingin ko’y hinihintay din si Mom. Inantok na din ako sa kakahintay kaya pumanhik na lang ako sa aking silid.
***
“Matagal ko nang alam Lorrie‚ inakala kong magbabago ka pa pero lalo kang lumala.”
“Hindi mo man lang ba naisip kung sino ‘yong mga masasaktan mo sa paligid mo ha!?”
“Wala kang kwenta! Nakakahiya ka!”
Malakas na bulyaw ni Dad ang nakagising sa akin.
Tiningnan ko ang orasan at alas-tres na ng madaling araw. Dali-dali akong lumabas sa kuwarto ko at nagtungo sa sala.
*PAK!*
Kitang-kita ng mata ko kung paano sampalin ni Dad ang pisnge ni Mom. Balak pa sana ni Dad suntokin sa sikmura si Mom pero bigla akong sumigaw dahilan para dumako ang atensyon nilang dalawa sa akin.
“Dad! Stop it‚ bakit mo sinasaktan si Mom!?” at agad kong nilapitan si Mom‚ wala na akong pakialam kung ako man ang saktan niya basta huwag lang ulit si Mom.
“Stay away from your Mom‚ ‘di mo alam ang nangyari kanina.” tiim bag-ang saad saakin ni Dad.
“No! ‘Di ko magagawang layuan si Mom. I know sasaktan mo ulit sya.” wika ko at napadako ang tingin ko sa kamao ni Dad.
“Orlando‚ plss maniwala ka! I’m sure ‘di ako ‘yong nakita mo. Paniwalaan mo ako kasi ako ang asawa mo!” naiiyak man pero malinaw na naisambit ni Mom ang linyang iyon mula sa likod ko.
“Pwes‚ hindi na ngayon! Wala akong asawa na nakikipaglandian sa kung kani-kaninong lalaki pagkatapos ng night shift n‘ya sa trabaho! Lorrie‚ huwag mo na akong gawing tanga pa ulit! Buong akala ko nag-o-over time ka lang sa trabaho mo—yun pala may kasama at kalandian ka nang lalaki! Sa una‚ iniisip ko na baka may kinalaman sa work mo pero hindi...nalaman ko din sa ibang office mates mo!” nag-ngingit-ngit na lalo sa galit si Dad kay Mom.
“What? Nakikipaglandian? Lalaki? Mom...to-totoo ba sinasabi ni Dad tungkol sayo?” hindi ako makapaniwalang magagawa ni Mom ang magloko.
Nagtataka kong tinitigan si Mom. Walang imik‚ hindi makatingin ng diretso‚ humihikbi at nanginginig ang kamay habang nakahawak iyon sa pisngi kung saan nasampal ni Dad kanina.
“MOM! IS THAT TRUE? TELL ME! TOTOO BA YUN?” hindi ko na mapigilan ang sarili ko.
“Oo! Totoo yun Moises! Tama ka Orlando‚ ako nga ang nakita mo! Masaya na kayo? Nalaman n‘yo na ang totoo!?” anang saad ni Mom.
“See?! Bullsh*t!” galit man pero kinokontrol ni Dad ang kaniyang sarili.
“Bakit Mom? Nagawa mong magloko sa anong dahilan Mom? Ano!?”
“Gusto n‘yong malaman? Simple lang‚ dahil wala nang silbi iyang Dad mo‚ Moises. Simula nang matanggal ‘yan sa kompanya ‘di na s‘ya nakahanap ng bagong trabaho! Sa akin n‘yo na lang iaasa ang lahat? Mabuti pa yung ibang lalaki d‘yan may pera... e ‘yang ama mo wala! Wala pang kwenta!” pagduduro ni Mom kay Dad.
Sa mga narinig ko mula kay Mom nakaramdam ako ng galit sa kaniya at awa naman kay Dad.
Hindi ko na lang namalayan na nasuntok na ni Dad sa panga si Mom sa sobrang galit at sakit na nararamdaman niya. Hindi ko rin siya masisisi.Sa unang beses‚ nakita kong nakalumpasay si Dad sa sahig at todo ang pag-iiyak. ‘Di ko na din napigilan kaya pati ako ay naiiyak na din.
Tinitigan ko si Mom nang naluluha‚ gusto kong pagsalitaan pa siya ng masasakit na salita at sisihin sa lahat ng nangyari kung bakit ngayon naging ganito kagulo ang pamilya namin pero ‘di magawang lumabas ang mga salitang iyon mula sa bibig ko.
“Tutal‚ sira na ang pamilyang ito mabuti pang umalis na din ako dito. Hindi ko na kakayanin pang tumira sa mahirap na pamilyang ito. Tse‚ mga walang silbe!” saad ni Mom sa harapan namin ni Dad saka nagtungong kuwarto nila.
“Pinapangako kong pagsisihan mo ang nagawa mong ito sa‘min Mom! At hindi ko na din gugustuhing maging ina ka pa samin ni Zera! Sa simpleng dahilan lang nagawa mong magloko at saktan kaming pamilya mo!? If you want to leave‚ then go fvcking leave! We don’t need you anymore! And don’t you dare na bumalik pa sa pamilyang ito dahil ikaw mismo ang sumira! From now on‚ I hate you! I hate you Mom!” mahabang litanya ko sunod na pagtulo ng aking mga luha.
Alam kong narinig niya lahat ng mga sinabi ko. Hindi ko ginusto ang nagawa niya‚ nasaktan niya ako lalo na si Dad.
Kaya pala gano‘n na lang ang naging ugali ni Dad sa loob ng tatlong buwan dahil matagal na niyang alam‚ ayaw niya lang masira ang pamilya namin at ngayon hindi na siya nakatiis pa at inilabas na din ang sama ng loob.
Nakakatwang isipin na dapat lalaki ang gumagawa ng ganitong klaseng panloloko pero sa pagkakataong ito sariling ina ko pa ang gumawa na siyang ikinasira ng pamilya namin.
***
Lumipas pa ang ilang taon at wala na din akong naging balita pa kay Mom.
Masaya ako sa kung anong naging takbo ng buhay namin no‘ng nawala siya sa buhay namin.May sarili na din kaming negosyo ni Dad at patuloy na umuunlad ito‚ nasa tamang edad na din si Zerachiel at ako... ‘di ko muna binalak na mag-asawa mas gusto kong makapagtapos ng pag-aaral si Zera at tulungan si Dad sa negosyo namin.
END.
BINABASA MO ANG
Ka-Istorya
FanfictionCompilation of my short stories since 2019 until now. Genre: • Romance • Comedy • Mystery • Thriller • Horror • Young Adult • Fantasy • FanFiction • Paranormal • Science Fiction WARNING: please read. This is a work of fiction. Names, characters, pla...