+.
“Hey bata! Bago ka lang dito ‘no?” Tanong ng ‘di masyadong katangkarang lalaking nasa harap ko.
Tumango ako‚ tugon ng pagsang-ayon.
“You can call me Raprap for short‚ kasi mahaba ang real name ko e. Friends?” Muling saad niya at sa pagkakataong iyon ay inilahad na niya ang kaniyang kamay.
Sa una’y nahiya pa akong abutin ang kamay niya pero ‘di kalaunan ay nagpakilala na rin.
“Tinay.” Nakayukong pagpapakilala ko sa kaniya.
“Sobrang mahiyain mo naman‚ pero ‘wag kang mag-alala. Hindi ka na mag-iisa ngayon dahil friends na tayo‚ kanina pa uwian ah sabay na tayo malapit lang bahay ko sa school na’to. Gusto mo dumaan muna samin? Para mapakilala na din kita kina Mommy at Daddy na may new friend ako. Dali na Tinay‚ kaibigan na tayo di’ba?
Hindi ko akalain na sobrang daldal pala nitong si Raprap kaya para manahimik na siya—tumayo ako sa kinauupuan ko at tinanguan siya hudyat nang pagpayag.
“Okay! Sundan mo ako‚ for sure may masarap na pagkain na naman na inihanda si Mommy pagdating ko.” Masaya niyang bulalas.
Panay tango na lang ako sa lahat ng mga pinagsasabi ni Raprap habang patungo kami sa bahay nila. Hindi ko mawari kung bakit ako agad na nakipag-kaibigan sa kaniya e sobrang ilag ko sa mga tao at dahil sa sobrang ilag at tahimik ko ay walang may gustong makipag-kaibigan sa akin; namumukod tangi lang itong si Raprap.
Mabilis kaming nakarating sa malaking bahay nila at kagaya nga ng inaasahan ni Raprap ay may nakahain agad na pagkain sa kanilang hapag-kainan.
“Nakarating ka na pala‚ anak. How’s the first day of school?”
“Hi Mommy‚ super okay po! Actually may new friend na po ako named Tinay. Kaso po Mommy sobrang mahiyain siya‚ hindi pala-imik tanging tango nga lang po ang sinasagot niya e kapag kakausapin mo siya. Di’ba Tinay? HAHA tatango ulit siya.” Masigla na naman siya.
“Gano’n ba‚ ay siya kumain na lang tayo. I’m glad at may friend ka pa rin kahit na first day of school. Remember‚ last school year imbis na new friend e... new enemy naman ang nahanap mo‚ hayss anyway mabuti na lang at kinaibigan mo iyang si Tinay kahit na tahimik gaya ng sabi mo e halatang mabuting bata.”
“Opo Mommy! I hope na magtagal ang friendship namin.” saad ni Raprap habang masayang kumakain.
Natapos ang buong araw ko‚ nakakapanibago. Akala ko matutulad na naman noong last school year pero ngayong taon ay bago ito sakin.
Halatang may mabuting puso at mapagmahal sa isa’t-isa ang pamilya ni Raprap. Maski siya mismo ay mabait iyon nga lang nasobrahan ng daldal.
The days‚ months and even years had passed...
My friendship with Raprap until now are getting longer and stronger. Walang pinagbago sa samahan namin‚ siya nanatiling madaldal pero nagbago naman ang kaniyang postura mas lalong kapansin-pansin ang kagwapuhan niya. At ako naman ito mahiyain‚ tahimik at ilag pa rin sa ibang tao.
Iba lang ang hatak nitong si Raprap kung kaya’t nawawala ang pagiging mahiyain at tahimik ko kapag siya na ang kasama ko.
Now, it’s Raphaelo Yuan Villaforte Jr. 21st’s Birthday.
A grand celebration co’z that’s was his debut. All his family‚ relatives‚ closed friends‚ school and batchmates are all invited.
Siya na siguro ang pinaka-luckiest son.
Sobrang special at pinaghandaan talaga itong kaarawan niya.
Ang temang naisip ni Raprap para sa birthday niya ay Masquerade Ball Party.
BINABASA MO ANG
Ka-Istorya
FanfictionCompilation of my short stories since 2019 until now. Genre: • Romance • Comedy • Mystery • Thriller • Horror • Young Adult • Fantasy • FanFiction • Paranormal • Science Fiction WARNING: please read. This is a work of fiction. Names, characters, pla...