+.
Alas-onse na ng gabi nang matapos ang aking night shift kaya agad kong inayos ang aking gamit sa opisina at naghanda na sa pag-uwi.
Maglalakad muna ako dahil alam kong mahirap makahanap ng sasakyan sa ganitong oras.Hindi naman gaanong malayo ang apartment ko sa pinagta-trabahuhan at walking distance lamang ito‚ kaya lang ako’y sumasakay ay may importante lang akong gagawin na hindi dapat ipahuli sa pagsumite.
Sa aking paglalakad may ilan-ilan pa naman akong nakakasalubong na tao. Tiningnan ko ang oras sa suot kong relo‚ alas-dose na pala pasado.
“Kailangan ko nang magmadali upang makapag-pahinga na.”
Sa bilis ng aking paglalakad may narinig akong sumisigaw.
“Tulong! Tulong! Kinuha ang bag ko! Tulong may holdaper!” tinig ng isang babaeng umiiyak sa ‘di kalayuan.
Agad akong na-alarma sapagkat naririnig ko ang yabag at pagtakbo ng isang lalaki patungo sa kinaroroonan ko. Pagkakataon ko na para tulungan ang babae.
Kaya agad kong hinarangan ang holdaper saka sabay suntok nang mahawakan ko siya ngunit hindi agad ito natumba sa lakas ng pagkaka-suntok ko sa halip ay kumaripas siya ng takbo.
Hinabol ko ang lalaki sa kagustuhan kong makatulong at mabawi ang bag na kinuha niya mula sa babae.
Hindi ko alintana ang antok at mabilis na hinabol ang lalaki‚ nakita kong lumiko ito sa eskinita na siyang nadaanan ko kanina. Sa pagtakbo ko patungong eskinita ay agad akong napatigil dahil natanaw ko mula doon ang biglang pagtagos sa pader ng lalaking kanina ko pa hinahabol.
Nanlaki ang aking mga mata at pinagpapawisan ang buong katawan. Isang matandang pulubi na lalaki ang biglang nagsalita sa sulok.
“Pang-sampu! Sampung beses nang may humabol sa kaluluwa ng isang magnanakaw. Ang babaeng iyong narinig na sumisigaw at tinulungan ay matagal nang patay. Binaril siya sa ulo ng lalaking iyon matapos manlaban. At ang magnanakaw na iyong hinahabol kanina ay binaril naman ng mga pulis dito mismo sa eskinita na ito. Tuwing alas-dose nagsisimulang magparamdam ang ‘di matahimik nilang kaluluwa kaya mag-ingat ka baka ikaw na ang sunod na mawala.” mahabang paliwanag ng pulubi.
END.
BINABASA MO ANG
Ka-Istorya
FanfictionCompilation of my short stories since 2019 until now. Genre: • Romance • Comedy • Mystery • Thriller • Horror • Young Adult • Fantasy • FanFiction • Paranormal • Science Fiction WARNING: please read. This is a work of fiction. Names, characters, pla...