TYPE KITA

1 0 0
                                    

+.

Ako’y umupo muna sa upuan dito sa waiting shed kasi hinihintay ko si Badeth‚ ang crush ni Kuya Mj at para na rin ipaabot ang gift para sa kaniya.

Ako pa talaga ang nautusan e!

Nagpatingin-tingin ako ng mga sasakyan baka sakaling bababa doon si Badeth. Nakita kong tumigil ang isang jeep malapit sa waiting shed na inuupuan ko at ang bumaba doon ay si Badeth.

“Uy! Bakit ka nandito? Sino hinihintay mo?” masayang lumapit iti sa akin.

Tinago ko muna sa aking likuran ang regalo ni Kuya Mj.

“Ahm ikaw! Imaw yung hinihintay ko” maikli kong tugon.

“A-ako?” at tinuro pa niya ang kaniyang sarili.

“Ay hindi‚ ako yata! S’yempre ikaw‚ sino pa bang Badeth na bumaba sa jeep kanina?!” pilosopo kong sabi.

“Oo nga! Sabi mo nga ako yung hinihintay mo. Eh bakit nga ba?” at napakunot-noo ito.

“May pinapasabi at pinapa-abot na din saiyo si Kuya Mj.”

“Ano daw ‘yon?”

Agad kong inilahad sa kaniyang harapan ang tatlong pulang rosas at ilang mga tsokolate na tinago ko kanina sa likuran ko.

Crush lang ‘yan ha pero kung makapagbigay ng gifts akala mo mag-jowa na

“Haha hala! Para saan naman ito?” at kinuha ang hawak ko at marahang sininghot ang mga bulaklak.

“Wait lang‚ may pinapasabi pa si Kuya Mj.” Kinuha ko mula sa bulsa ko ang kapirasong papel na nakatupi. “Sabi ni Kuya Mj‚ type na type kita Badeth at crush na din. Sana naman ay icrush back mo na ako dahil sa effort na ginawa mo. I love you Badeth.” basa ko mula sa sulat ni Kuya Mj.

“Huh?” at napakunot noo ito.

“Hindi mo na-gets? Hayst‚ sayang oras at laway ko dito kung yung crush pala ni Kuya na sinabihan ko ay slow na may pagkabingi pa.” pabulong ko sabi at napakamot na lang ako sa noo.

“Type? Crush? At icrush back ko?”

“Oh iyon naman pala eh hindi ka bingi. At oo‚ iyan ang pinapasabi niya.” at bumuntong hininga.

“Ay ‘di ko naman siya type eh!” saka naupo at napayukong tiningnan ang hawak na rosas at tsokolate.

Iyan na nga ba sinasabi ko sa hula. Paeffort-effort pa hindi din naman pala gusto.

“B-bakit naman? Bakit hindi e g’wapo naman si Kuya Mj ah! Plus maeffort pa‚ nagbili pa nga siya ng regalo saiyo!” may inis sa tono ng pananalita ko.

“Christian... kasi... ikaw ang type ko at hindi ang kuya mo.” saka napatitig siya sa aking mga mata.

“Oh no!” Nagulat ako sa kaniyang sinabi.

Yawa! Kaya pala hindi type si Kuya Mj kasi ako ang type ng babaeng ‘to.

“Mas lalo akong kinilig sa mensaheng sinabi mo sa’kin kanina parang saiyo talaga galing ang sulat... yieee!” Kinikilig pa siya na parang bulate.

“Hibang ka na! Ew‚ hindi tayo talo sisghorl! Lalaki din gusto ko!”

“Huh!?” at napanganga sa narinig.

“Isa pa don’t call me Christian kung tayo lang dalawa ang nag-uusap just call me Christina... aww!” saka hinawi ko pa ang buhok ko na animo’y mahaba sabay alis.

Naiwan namang tulala sa waiting shed si Badeth.

END.

Ka-IstoryaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon