+.
Nandito ako ngayon sa basketball court at pinapanood na maglaro ang aking boyfriend na si Bryle. Madaming nagtitiliang mga babae mula sa likod ko at pinagsisigawan ang pangalan ng aking boyfriend.
“Gooooo Bryleeee‚ I love youuu!” sigaw ng isang maputing babae.
“Bryleeee jowain mo na akooo!” saad naman ng isang sexy na babae.
Hindi ba nila alam na may gf na si Bryle? At ako yun!
“Magpapa-picture ako sa baby Bryle ko mamaya pagkatapos ng laro nila!” kinikilig na saad ng babae sa kaniyang kausap na katabi ko lang.
Kapal ng mukha!
Gusto kong mainis. Ipagsigawan at ipamukha sa kanila na ako ang girlfriend ni Bryle...na ako lang ang nag-iisang babae sa buhay niya pero ako’y nahihiya dahil sa sobrang daming tao.
***
Sa wakas at natapos na din ang laro at panalo ang team nina Bryle. Tanaw kong nagpupunas ng pawis niya itong si Bryle ng may biglang lumapit sa kaniyang babae at nagpa-picture.
Siya yung babae kanina na katabi ko ah! saad ko saking isipan.
Kitang-kita ko kung paano dumikit ang babae kay Bryle at kita ko din kung paano hawakan ng bf ko sa may baywang yung babae na kailanman ‘di niya nagawa sa akin.
Ang daya! Sana ako din.
Agad na akong pumunta sa direksyon niya kasi baka may babae na namang lumapit at maagaw ang atensyon ko sa kaniya.
“Babe! Congrats!” bungad kong bati sa kaniya.
Inaasahan kong ngiti at saya ang makikita ko sa kaniyang mukha ngunit mali at sa halip ay pagkagulat.
“C-cea?” sambit niya na mababakas ang pagkagulat sa mukha.
“Yes‚ babe!—” binigyan ko siya ng matamis na ngiti. “—Alam kong pagod ka kaya ako nang bahala sa’yo!” masigla kong sambit sa kaniya atsaka pinagpupunasan ang pawis gamit ang towel.
“Cea stop it! Kaya kong sarili ko!” masungit na sambit niya atsaka inagaw sa akin ang towel.
“A-are you o-okay? Bakit gan’yan ka sa’kin? Did I do something wrong?” I asked concernedly at aakmang hahawakan siya sa kamay pero siya ay umatras.
“Tsk! Don’t you see? I’m not okay na co’z you ruined my day!” he smiled bitterly and ignored me.
Mula sa gilid ng aking mga mata nakikita kong may mga taong nakikinig at nakikita ang aming ginagawa.
“Gusto ko lang naman na suportahan ka eh‚ gaya ng dati.” mahinahon kong sabi saka yumuko.
“But I don’t need your support! Maraming sumusuporta sa’kin kaya umalis ka na! And wait‚ I told you di’ba na ‘wag ka nang magpunta sa mga kada laro ko pero bakit ang tigas ng ulo mo!?” pigil panga niyang sambit saka idiniin ang hintuturo niya sa aking noo.
“Bakit mo ba sa’kin ginagawa ‘to Babe!?” at tuluyan nang tumulo ang luha sa aking mga mata.
Nabigla ako nang hilahin niya ako papunta sa gitna ng court at madiing hinawakan ang aking mga braso.
“Attention everyone! I need your attention!” sigaw pa niya ng malakas.
At dahil sa malakas na sigaw niya‚ halos lahat ng tao sa court ay nagsi-tinginan sa aming dalawa.
“I’d like to meet you'll my Yaya!” pagmamalaki niyang sambit sa lahat ng tao.
What the— yaya?
BINABASA MO ANG
Ka-Istorya
FanficCompilation of my short stories since 2019 until now. Genre: • Romance • Comedy • Mystery • Thriller • Horror • Young Adult • Fantasy • FanFiction • Paranormal • Science Fiction WARNING: please read. This is a work of fiction. Names, characters, pla...