➥𝚆𝚊𝚛𝚗𝚒𝚗𝚐 𝚁𝚋18+
+.
*𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹
Nandito ako sa library‚ nagre-review para sa nalalapit na exam at balita ko pa terror ang magiging professor. Nakakahiya naman kung ako bumagsak sa subject niya di’ba‚ kaya kailangan kong pagbutihin. Habang tahimik na nagbabasa ay humahangos at tahimik na lumapit sa akin ang kaibigan kong si Zee.
Punong-puno ng pawis ang mukha niya at ang kaniyang uniform ay wala na sa ayos.
“Zephyrine!” paunang bungad nang makalapit siya sa aking kinauupuan.
“Oh bakit gan’yan itsura mo? Dinaig mo pang hinahabol ng aso HAHA‚ ano? Sagap na chismis na naman ba ‘yan Zee?” pabiro ko pang saad.
“Besh‚ ano kasi...” nag-iipon pa ng hininga.
Grabe gaano kaya kalayo natakbo ng babaeng ito?
“Ano besh? Sige‚ keri mo ‘yan HAHA. Kung walang kakwenta-kwentang bagay ang ichi-chismis mo sa’kin... ‘wag na! Nagre-review ako dito oh ayaw ko pang bumagsak.” saad ko habang nakatutok pa rin ang mga mata sa librong binabasa.
“Kita ko bf mo may kahalikang babae sa likod ng CR.” tuloy-tuloy na bigkas ni Zee ngunit nasa katamtamang lakas lamang ito.
“Anooo?!” napalakas ang sigaw ko sa loob ng library kaya narinig ko ang bell mula sa table ng librarian hudyat upang manahimik.
“Zee‚ huwag kang gumagawa ng kwento ha. Sinisira mo mood ko.” mahina ngunit may diin sa bawat salita.
“Hello besh‚ kailan ako nagsinungaling sa’yo huh? Kung ayaw mong maniwala‚ tara puntahan natin sa may CR. Dali! Baka hindi na natin sila maabutan!” nagmamadaling usal ni Zee kaya tinulungan na niya din akong magligpit ng ilang mga gamit ko sa table at nagtungo na sa CR.
*𝗖𝗥
“Zee‚ wala naman dito eh pinagloloko mo ba ako huh?” pabulong kong sabi.
“Besh‚ shshs parang nasa CR ng boys... lika‚ silipin natin.” pabulong na aya niya sa akin kaya dahan-dahan kaming nagtungo sa loob‚ sakto at wala gaanong taong nagpupunta at napapadaan sa lugar na ito kaya ‘di kami mapapansin.
***
“Sinaktan mo ako Krocyfer!” umiiyak na saad ko matapos niya akong masampal dahil nang makita ko siya at ng babae niya ay agad ko siyang pinagsu-suntok.
“Sobra ka na eh! Gumagawa ka ng eskandalo dito!” galit na sigaw sa akin ng bf ko.
“Tss! Dapat sa kabilang pisngi niya din‚ babe! Kung makagawa ng eskandalo akala mo siya may-ari ng school na ito. Go babe! Slap her face again! And make sure na babakat ang palad mo sa magaspang niyang mukha HAHA!” and she even laughed sarcastically in front of me and my friend.
“Walang-hiya ka! Ikaw itong kabet! Ikaw pa yung matapang!?” umiiyak man pero malakas na sinigawan ko siya.
“Oh really? Hmm. Kabet nga ako pero mas mahal naman ako sa’yo.!” pang-iinis niya pa kaya muli naming dalawa ni Zee sinugod ang kabet ni Krocyfer para sabunutan.
Patuloy na umaawat sa away namin si Krocyfer pero agad na naman niya akong sinampal ng malakas dahilan para mapabitaw ako sa pagkakasabunot sa buhok ng malanding babae niya. Habang si Zee ay malakas na naitulak ng kabet na iyon.
“HAHAHA that’s what you should be!” natatawang sigaw niya sa kaibigan ko.
“Oh ano? Masakit bang masampal ng taong pinaglalaban mo ngayon?” dugtong pa niya at sa akin nakabaling.
BINABASA MO ANG
Ka-Istorya
FanfictionCompilation of my short stories since 2019 until now. Genre: • Romance • Comedy • Mystery • Thriller • Horror • Young Adult • Fantasy • FanFiction • Paranormal • Science Fiction WARNING: please read. This is a work of fiction. Names, characters, pla...