+.
“Pabili! Pabili po! May tao ba? Pabiliiiiii! Buhay pa ga? Tok tok! Pautang na lang ayaw niyo ‘kong pagbilhan eh! Tao po?” sigaw ko sa labas ng tindahan.
Paulit-ulit akong sumigaw ng malakas baka kasi bingi na naman yung nagtitinda.
“Ano ‘yon?”saad ni Blythe sabay nag-ayos ng kaniyang buhok.
Uy! Si crush‚ help me si junior nagwawala.
“Hoy ano nga sabi ‘yon?”
Grabe attitude ah‚ hmp!
Agad akong nag-ayos ng tayo at kinaklaro ang aking lalamunan. Nakakahiya naman kay crush kung mapiyok ako sa kilig shshs.
“Oh binibini just touch my body!”
“Anong sabi mo?” sinabayan pa ng pagtaas ng kilay.
Oh sabi ko sa inyo bingi pero crush ko pa rin siya.
“Ehem! Isang hotdog at dalawang itlog nga‚ Binibini.” sabay kong ngiti at kindat.
Di’ba! May pa-killer smile at kindat pa. Tingnan lang natin kung ‘di ka mafa-fall sa akin.
“Isang hotdog at dalawang itlog?” pag-ulit niya sa sinabi ko at nakakunot pa ang noo.
Bingi nga‚ paulit-ulit e! Sabagay yung nagbabasa nga paulit-ulit din sinaktan.
“Ay este‚ lucky me noodles pala! Ano ba ‘yan!” sabay kamot ko sa batok.
Ba’t kasi ang ganda mo crush?
“Oh eto. Isa lang ba talaga?”
“Hindi dalawa! Ikaw yung lucky sha-buhay ko.” sabay kindat.
Ano daw? Anyway‚ napangiti naman ito sa akin. Nays wan! Parang tumalab ah.
Pagkatapos nang ngumiti humalakhak siya ng malakas.
100% epektib yung banat ko sa kaniya‚ namumula na siya sa kilig habang tumatawa.
“Ilang taon ka na ba ngayon?” natatawa nitong tanong sa akin.
“N-nine...” gagi nakakahiya.
“Atabs ka pa lang pero lumalandi ka na agad! Eighteen na ho ako totoy! HAHA. Ni-hindi ka pa nga tuli eh!”
“Porket bata at maganda ka lang gano’n na lang yun? Eyg is dat not mater naman di’ba? And age is just a number!” at patampo kong kinuha ang lucky me noodles sa maliit na pinto ng tindahan nila Blythe.
“Drama mo!” saad niya sa akin.
***
Mga ilang minuto ang lumipas may narinig akong sumisigaw sa likod ko kaya tumigil at nilingonan ko ito.
Ay si paasang crush pala -_-
“Oh bakit? Sabi ko na nga ba at ‘di mo matitiis ang kag’wapuhan ko eh! Hinabol mo pa talaga ako!” may galak na sabi ko.
“Tsk!” at sabay taray sa akin.
“Totoy... hinahabol kita... kasi hindi ka nagbayad! Assuming!” pagsu-sungit niyang saad habang pinupunasan niya ang kaniyang pawis.
Yawa naman oh! Napahampas na lang ako sa noo ko.
Inabot ko na sa kaniya ang bayad atsaka nagsimulang maglakad.
Kung hindi lang kita crush eh ‘di na sana ako magbabayad sa’yo.
At nilingonan ko kung saan ang tindahan nina crush nang mapatigil at maalala kong...
“Nayari na! Nakalimutan kong hindi pala lucky me ang pinapabili ni mama kundi napkin... paktay kang bata ka!”
END.
BINABASA MO ANG
Ka-Istorya
FanfictionCompilation of my short stories since 2019 until now. Genre: • Romance • Comedy • Mystery • Thriller • Horror • Young Adult • Fantasy • FanFiction • Paranormal • Science Fiction WARNING: please read. This is a work of fiction. Names, characters, pla...