Part-17

830 31 6
                                    

DEAN's:POV

Kinabukasan

Nagising naman ako sa sinag ng araw na tumapat sa mukha ko,kinapa ko namn yong phone ko na nasa gilid ko lang " shit 8am na pala, bumangon na ako para gawin yong morning routine ko.pagkatapos bumaba na ako dumiretso namn ako sa ketchen at nagtimpla  naman ako ng kape habang iniinom ko yong kape nililista ko naman yong mga bibilhin ko mamaya.

Inisa isa ko naman basahin yong mga nalista ko na baka kasi meron akong hindi nailista, siguro nasa 10k itong bibilhin ko, 5k sa mga foods and 5k sa drinks.

Hindi narin ako pumapasok sa company namin matagal na simula nong malaman ko yong nangyari..

Siguro nagtataka kayo kong saan ako kumukuha ng pera dahil hindi na ako nagwowork or wla ng laman yong bank account ko.

Tuwing pupunta sila mom and dad sa bahay kinakausap nila ako pero hindi ko sila iniimikan, saka pagaalis na sila iniiwanan nila ako ng pera minsan namn pagbubukas ko ng pinto ng kwarto ko may nakikita akong sobre sa sahig kaya nman kinukuha ko saka binubuksan at pera  ang laman minsan 30k or 50k yong laman.

Minsan nga gusto na akong isama nila dad sa london para makalimutan ko daw yong nangyari don narin daw kami titira. kaso hindi ako sumama, sinabi ko sa kanila na hindi na ako aalis dito at dito narin nila ako maabutan na wala ng buhay.

Umakyat na ako sa taas para maligo, pagkatapos nagbihis na ako.

Tamang tama pagdating ko don baka kakabukas lang din saka wala pa nong gasinong tao na namimili.

Naiilang kasi ako pag pinagtitinginan ako ng mga tao dahil sa itsura ko, piling ko pinagkakamalan nila ako na adik eh..kaya maaga ako pumupunta para wala pang gasinong tao na namimili para wala ding  gasinong  nakakapansin sakin haha..

Lalabas lang din ako ng bahay pag may bibilhin lang, lagi akong nakakulong sa kwarto minsan nanonood ako ng movie sa sala.sa loob ng 3yrs ganon yong naging routine ko.

Lumabas na ako ng kwarto ko at naglakad na ako papunta kong nasan yong sasakyan ko.Ng maisara ko na yong gate umalis na ako.

Parang excited din akong pumunta ewan ko kong bakit..!

Saka malapit lang naman yong Super market dito sa bahay, pwede lng din  lakadin kaso nga baka ako pagkamalan na drug adik pag naglakad ako ang dami pa namang tambay jan sa mga dadaan.

Ilang minuto lang yong nakalipas nakarating na ako pinark ko namn yong sasakyan ko.bumaba na ako ng sasakyan at naglakad na ako papasok sa loob.

Siguro kakabukas lang din dahil iilan palang yong namimili.

Nakatingin namn sakin yong mga nakakasalubong ko, tumungo nalng ako para hindi nila makita yong buo kong mukha.

Kumuha na ako ng cart at naglakad na ako papunta kong saan ako unang mamimili, panghuli ko ng kukuhain yong alak dahil  wala namn gasinong namimili don..

Pagkarating ko rito kumuha na ako ng mga kailangan ko, pagkatapos nagikot ikot na ako " halos nasa isang oras din ako nagikot ikot nabili kona din yong mga kailangan ko alak na lang ang kulang..

Naglakad na ako papunta kong nasaan yong mga alak.

Habang naglalakad ako nadinig ko yong boses ng isang bata kaya napatigil ako sa paglalakad at hinanap ng mata ko kong saan yon at nakita ko yong batang lalaki na kausap nya yong mommy nya parang nagtatalo silang mag mommy.

Ang cute namn nya mag pout siguro kong buhay lang ang anak ganyan na sya kalaki, pinagmamasdan ko lang silang dalwa habang naguusap..hindi ko makita yong mukha nong babae dahil nakatalikod ito,saka maputi yong babae nakatali din yong buhok nya..

 After Force MarriageWhere stories live. Discover now