Part-5

793 26 3
                                    

DEAN's:POV

Ng makaramdam ako ng gutom naisipan kong bumaba para kumain sa labas,maghapon lang akong nakakulong dito sa kwarto lalabas lang ako pag lunch' pagsapit naman ng gabi aalis na ako dito upang don matulog sa condo ko 'ganyan yong naging routine ko sa loob ng tatlong araw ng mapilitan akong pakasalan ang babaeng diko naman mahal.

"Kaya hindi ako dito natutulog dahil ayaw kong makita si jisika o jessica ba yon? Ay basta pareho lang yon naiinis ako don sa babae na yon tuwing makikita ko sya, kaya mas pinili kong magkulong nalng dito sa kwarto para diko sya makita.

Nag ayos lang ako ng sarili ko at bumaba na.pero bago ako makababa ng hagdan may nadinig akong naguusap sa daning erea kaya naman napakunot ang noo ko kong sino yon " di kaya sila dad yon hsyt pero di naman sya nagsabi na pupunta sila dito?" paguusap ko sa sarili ko.

"Hmm jema may boyfriend kana ba?

Napatigil ako sa paglalakad ng madinig ko yong tanong ng boses na lalaki.

"Napakunot yong noo ko ng madinig ko yon " sino yon wla naman sinasabi sakin si jessica na may bisita sya na paparating.."mga tanong sa isip ko

*cough *cough *cough*

Nadinig ko naman na parang may nabilaukan.

Dahan² kasi jema sa pagkain yan tuloy nabilaukan ka.sabi ng boses na lalaki.

Pinapakinggan ko lang sila.

Ah jema may boyfriend kana ba? Sorry kong paulit ulit gusto ko lang kasing malaman hehe?!. dinig kong sabi uli ng lalaki.

" para namang naginit yong ulo ko ng madinig ko yon.."sino ba yong lalaki na yon bakit ang daming tanong?"

Hindi kona napigilan at naglakad na ako para tingnan kong sino yong naguusap.

Ng makababa na ako nakita ko yong lalaki na nakaupo habang kumakain hakarap nya si jessica, nilibot ko naman yong paningin ko para tingnan kong may kasama yong lalaki napakunot yong noo ko ng wla akong nakita..!

"sino yong jema ang name na binanggit nong lalaki kanina?"

Ahh ehh a-ano w-wal---------

Hindi na natapos yong sasabihin ni jessica ng magsalita ako.

ASAWA MERON!! may diin na pagkakasabi ko " magkasalubong din yong kilay ko ng sinabi ko yon.

Napatingin naman sakin si jessica na na parang nagtataka sa sinabi ko.

"may mali ba sa sinabi ko totoo namang asawa ko sya ah?"

Hindi ko pinansin yong tingin nya sakin dahil nakatingin ako don sa lalaki ng masamang tingin.

M-may a-asawa kana pala jema? Sabi uli nong lalaki habang nakatingin sakin, hindi ko parin inaalis yong masamang tingin ko sa kanya.

OO AT AKO YON!! May diin ulit sa pagkakasabi ko.

Nagulat din ako sa sinabi ko, hyst bahala na nga para hindi na kulitin nitong lalaki si jessica.

Napansin ko naman na napatulala si jessica sa sanabi ko " pero hindi kona yon pinansin dahil naglakad na ako papalapit sa kanila at naupo sa tabi ni jessica ng makaupo ako sumandok narin ako ng pagkain dahil nagugutom na ako hindi pa kasi ako nag lulunch.
parang ang sarap din nong ulam na niluto.

Habang kumakain ako napapa tingin ako don sa lalaki tinitingnan ko sya ng masama kaya naman hindi sya nakakain ng maayos, napansin kong napatingin sakin si jessica.

"A-ahh j-jessica u-uwi na ako may kailangan pa pala akong gawin sa bahay, nauutal na sabi nong lalaki.."

"Lihim naman akong napangisi dahil parang natakot sakin yong lalaki haha."

 After Force MarriageWhere stories live. Discover now