Violet's PoV
—
3 years later“Yve, gising! May malaking balita ako sa'yo tungkol sa board exam.”
Tinakpan ko naman ng unan ang tenga ko at hindi pinansin ang pagtapik nito.
Lumapat naman ang palad nito sa likod ko kaya napadaing ako sa sakit.
Mapanakit talaga mga volleyball player.
Ang lakas naman kasi pumalo nitong babae na ’to!
“Ano ba ’yun?”
“Top notcher ka! Tska kamag-anak mo ba ’yung mga Morozov? Nakalagay kasi rito sa name mo.”
Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nito. Ako? Topnotcher? Nagbreak down nga ako pag-uwi ko rito sa dorm kasi mali-mali mga sagot ko.
“Top 4 ka, Yve! Congrats! Dahil diyan may libre kang kape sa akin mamaya.”
“How about you?”
Sabay kasi kami nagtake ng board exam nito at ngayon lang lumabas ang resulta.
“Pasado rin! Nagsunog ba naman tayo ng kilay sa loob ng tatlong buwan, dapat lang mag paid off lahat ’yun.”
Tinignan ko naman ang orasan at gabi na pala.
Kinuha ko naman ang wallet ko sa drawer at inabot ito sa kaniya.
“Para saan ’to?”
“Buy something for our dinner tonight. My treat, whether pickup or delivery.”
Masayang-masaya naman ito at nagpaalam para mag order na lang ng food namin.
Tumunog naman ang phone ko kaya kinuha ko ito at sinagot ang tawag.
“Congrats, Violet! Tara na rito sa city para mgcelebrate na natin ’yan.”
“No way! Sabi niyo huwag na ako magpakita sa inyo.”
“Wala na, nagtampo na talaga siya. Ikaw kasi Prim sinabihan mo siya ng gan’on.”
Ibinaba ko na lang ang tawag bumangon na bago magtungo sa banyo.
Dalawang taon na ang nakalipas at hindi talaga ako nagparamdam sa kanilang lahat. Even my own family.
I want to reset kaya minabuti ko na lumayo na lang muna.
Alam ko malaki ang tampo ni Mommy sa akin kasi hindi ako nagsabi na aalis ako pero alam ko naiintindihan niya rin ako.
Sa loob ng dalawang tao never ako nanghingi sa mga ito. Kahit kapos ako financially kasi gusto ko ako mismo ang mag provide sa sarili ko.
Kahit ibinalik naman sa akin ni Momma ang mga cards hindi ko talaga ’yun ginalaw.
I live independently at iniwan na ang mga gawain ko noon.
Nagtrabaho ako at noong nakaipon ay bumalik ako sa pag-aaral. Hindi private kasi mahal ang tuition fee kaya sa public ako nag-aral at nakilala ko si Naomi.
BINABASA MO ANG
Blissful Reality (GxG)
FantasyGirlxGirl Story | Taglish | Fantasy Fiction | Major Revision Morozov Sister Series #1 - Violet Yvette Morozov is a happy-go-lucky person. Dahil sa impluwensya ng kanyang mga kaibigan, napilitan ang kanyang mga magulang na ilipat siya sa ibang school...