Warning: Read at your own risk. 18+
Violet's PoV
“Paano kung magmahal ka ng isang taong bawal mahalin?...” tanong ni Red. “Sapagkat siya ay nakalaan na para sa iba. Tatanggapin mo ba siyang mawala para hindi magkasala?”Bakit parang ramdam na ramdam niya ang tanong na ’yan?
“O handa kang magkasala, ’wag lang siyang mawala.”
Nagulat naman ako dahil sabay-sabay silang kumanta.
“Sundan mo!... Ang pag-ibig na lulan ng aking pinagtatanto!”
Siraulo! Mga lasing na kasi ang mga taong ’to dahil ngayon kami nagse-celebrate ng pagkapasa namin sa board exam.
Marami kasing ganap noong mga nakaraang araw at may inasikaso pa kami, kaya hindi muna ako nagkaroon ng time sa kanila.
Nakisali na rin si Naomi sa mga ito dahil pinakilala ko siya, at hayan! Nahawa na siya sa mga siraulo kong kaibigan.
“Anong sagot mo, Violet? Ayusin mo, ah. Huwag mo kami tarantaduhin.” lasing na tanong ni Zach.
Malakas din ang amats ng lalaking ’to kapag tinamaan na ng alak, at siya rin minsan ang pasimuno ng kalokohan.
“Ano... handa akong magkasala basta ’wag lang siya mawala.”
Naghiyawan naman ang mga ito.
“Ayan! Ganiyan dapat, Yve! Magpaka-martyr ka sa pag-ibig, pero bakit?"
Bakit nga ba?
“Kasi... Baka ako talaga ang ibang tao na ’yun dahil hindi naman natin alam kung sino ba talaga ang nakalaan sa atin, diba?”
“Tama, tama.” sang-ayon ng mga ito.
“Wala namang mali kung mahalin natin ang isang tao; at least we tried our best para ipaglaban ’yung nararamdaman natin.”
“Grabe! Ganiyan pala ang linyahan ng mga martyr ngayon.” saad ni Naomi.
Nagtawanan naman ang mga ito.
Nagpatuloy na lang kami sa kwentuhan tungkol sa mga kalokohan.
Believe din ako sa kanila dahil hindi nila ino-op si Naomi kahit ngayon lang nila ito nakita at nakausap.
Well, magaling din naman si Naomi makipag-communicate at ka-humor niya rin naman sila.
Wala akong planong magpakalasing ngayon kasi may trabaho na kami ni Naomi bukas, pero ang babaeng ’to ay nagpakalasing talaga.
“Crush mo ba si Naomi?” tanong ko kay Pam.
Kanina ko pa kasi napapansin ang tingin nito sa katabi ko.
“Hoy! Hindi, ah!”
“Defensive mo naman. Nagtatanong lang naman ako.”
Mahina naman akong pinalo nito sa braso.
Ngumisi lang ako rito at tumayo. Katabi ko kasi si Naomi kaya iset up ko na lang silang dalawa.
“Usog ka.” utos ko rito.
Sinamaan naman ako nito ng tingin at hindi naman siya umurong.
“Tabi nga kayo kung hindi mo siya crush.” asar ko rito.
Inirapan naman niya ako at umurong palapit kay Naomi kaya natawa ako rito.
“Bantayan mo siya, ah? May gagawin lang ako.”
Tumayo naman ako at lumabas ng private room kung nasaan kami nag-stay.
Nasa bar kasi kami ngayon at pag-aari ito nina Prim at Blue. Couple business daw ang gusto nila sa buhay.
BINABASA MO ANG
Blissful Reality (GxG)
FantasyGirlxGirl Story | Taglish | Fantasy Fiction | Major Revision Morozov Sister Series #1 - Violet Yvette Morozov is a happy-go-lucky person. Dahil sa impluwensya ng kanyang mga kaibigan, napilitan ang kanyang mga magulang na ilipat siya sa ibang school...