Kabanata 5: Ashamed

14 2 0
                                    

Kabanata 5
"ASHAMED"

Ang sama sama ng loob ko dahil sa nangyari, kaya imbis na manatili duon ay pinili ko nalang na umuwi kaysa manuod ng basketball. Ayaw ko ng bumalik duon. Nakakahiya. Hindi ko kayang magpakita kay Paul at sa lahat ng mga taong nakakita sa nangyari sa loob.

"Pia, where are you going?" Nakasunod na tanong sa akin ni Cyprian.

"Uuwi na ako." Mabilis na sambit ko habang nagtitipa ng mensahe kay Manong driver na sunduin na ako sa waiting area.

"Huh? Pero hindi pa nagsisimula ang laro. Uuwi kana agad?"

"Ayaw ko. Kayo nalang."

Lumapit ako sa waiting area at duon umupo habang naghihintay sa driver ko.

"Are you sure your okay?" Nag-aalalang tanong ni Althea.

Tipid akong ngumiti at tumango. "Hmmm---"

"Obviously she's not okay." Cyprian cut me off.

I glared at her.

"Come on. We're your friends. You don't have to pretend when we're around." Cyprian sat down beside me so as Thea.

My eyes dropped and I sighed heavily.

"I'm just so annoyed with him. Ano ba talagang kasalanan ko sa kaniya? Did I do something wrong?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

Nagkatinginan sila at nagkibit-balikat.

I scoffed. "Then why the hell does he always bothering me?!" Medyo tumaas ang tono ng boses ko.

"Hindi naman siguro sinasadiya, Pia." Sambit ni Althea.

"And how will I know that! Nakita niyo ba? Paano kung sinadya niya talaga para mang-inis. Tutal lagi naman siyang galit kung makatingin sa akin, akala mo may atraso ako lagi."

Napabuntong hininga si Thea at napailing. Nanatili naman akong nakasimangot duon at nakakunot ang noo habang napapaisip.

"Hayaan mo nalang. Huwag mo nalang pansinin." Si Thea.

My eyes widened when I remember something. "Hindi kaya, gumaganti siya sa akin dahil hindi ko siya pinahiram ng libro nung isang araw?"

"That's ridiculous, Pia." Sambit ni Cyprian.

"Yeah, its ridiculous."

Halos mapasinghap ako ng marinig ang pamilyar na boses sa likuran ko. Sabay sabay kaming lumingon duon at agad natigilan. I saw Argus and he's other friend.

He look at me using his cold eyes. "I'm sorry 'bout what happened. It's an accident and I didn't mean it." Pagdidiinan niya sa huling sinabi.

Mabilis akong napatayo kagaya ng mga kaibigan ko, habang nakakunot ang noo na tiningnan siya.

"Pia, pasensiya na sa nangyari. Dumaplis sa kamay ko yung bola nang ipasa ni Argus, kaya ikaw ang nataman." Paumanhin naman ng kasama niya na agad nakapag patahimik sa amin.

Napapakurap ko siyang tiningnan.

"A-ayos ka lang ba? Gusto mo dalhin kita sa clinic." Ani ng kaibigan niya at nilapitan ako.

Agad naman akong umatras. "H-huwag na. I can handle myself."

Bumaling kami sa unahan ng bumusina ang sasakyan at nakitang bumaba ang driver ko para pagbuksan ako ng pinto.

"Excuse me, I have to go." Mabilis na paalam ko.

"Huh? Sigurado ka?" Tanong ng lalaki.

Tumango ako at isang beses silang sinulyapan. Hindi na ako nakapag paalam ng maayos sa mga kaibigan ko. Nanatili silang tahimik at nakatingin sa amin, kaya nagmamadali na akong umalis duon at pumasok sa sasakyan at iniwan sila duon.

Until You Say I DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon