Kabanata 22: Ignore

9 2 0
                                    

Kabanata 22
"IGNORE"

"Cassiopoeia, mag-usap tayo!" Iritadong sigaw sa akin ni mommy habang patuloy ko siyang in-ignora.

"Ano bang nangyayari sayo?" Marahas na hinila ni mommy ang braso ko para maiharap sa kaniya.

Ang aga-aga ito na agad ang bungad niya sa akin. Ni hindi pa ako nakakapag almusal. Wala akong ganang kumain sa hapag kaya naman gusto ko sanang sa labas nalang kumain, dahil alam kong sermon na naman ang aabutin ko sa kaniya.

"Bakit ka umalis kagabi ng walang paalam?" Galit na tanong niya at nanliliit ang mga matang tiningnan ang suot ko. "At saan ka na naman pupunta ngayon?"

I was wearing a loose white long sleeve tuck-in in my denim skirt and paired it with my white flats.

"Mom, I'm not in the mood to go back in that party. And I think you know why." Sagot ko sa mahinahong tono.

Nakakunot niya akong tiningnan. "Sinong kasama mong umalis kagabi kung ganun?"

Nagsalubong ang kilay ko sa tanong niya.

"What do you mean kasama ko? Umalis ako ng mag-isa, mommy. Ano bang sinasabi mo diyan?"

Natahimik siya at napabuntong hininga. "Sana nagpaalam ka ng maayos. Hindi yung bigla bigla ka nalang nawawala. Ilang beses mo bang gagawin ito sa amin?!"

I sighed heavily, "I'm sorry, alright? I can't just go back there and pretended that everything was okay."

She shook her head and dissapointingly looked at me.

"Nagkagulo kagabi sa event dahil sa pag-alis ni Khael tapos sumunod ka pa. Alam mo bang sumugod itong si Khael sa bahay nila Althea disoras ng gabi. Althea's brother had lost his temper and started acting violently."

What? Napapikit ako ng mariin at nasapo ang noo ko sa ginawa ni Khael, lalo naman sa pagiging agresibo ni Kuya Eze.

"And Yvonne locked herself in her room, crying hard all night, skipping meals, and avoiding everyone's presence! Your Tita Ayanna was worried about her."

I sighed heavily and shook my head.

"I'm asking you now because some people saw you yelling at her! Anong sinabi mo sa kaniya, at bakit mo siya sinigawan ng ganun?"

I looked at mom in disbelief, "Mommy naman, pati ba naman ito? What do you want me to do then? na hayaan na lang siya sa mga kahibangan niya? But I didn't do anything wrong! I just can't stand doing what she wants me to do, so I knock some sense out of her!"

Nakakunot niya akong tiningnan.

"Gusto niyang kausapin ko si Khael para sa kaniya dahil galit daw ito sa kaniya. Sino ba naman kasing Tao ang hindi magagalit, mommy? Nandun ang pamilya ni Althea yet they chose to publicly announce the engagement in front of everyone without consulting them, and even though they know Althea and Khael are in a relationship! That's very insulting, mommy."

"Sana hinayaan mo nalang na resulbahin nila ang problema, at hindi kana nakialam!" Iritadong aniya.

"What?" Hindi ko siya makapaniwalang tiningnan. "Mommy, paanong hindi po ako makikialam? Naiipit ako sa gulong ito. Kaibigan ko si Althea at pinsan ko si Yvonne. I felt like I was the bad guy here since I betrayed my own best friend! And my cousin wants me to do something against my will!" Nangilid ang luha sa mga mata ko sa sobrang frustration.

She gritted her teeth and try to calm down, "Yes, I understand. Pero, ayaw lang kitang madamay. Because it appears that you favor their family over ours."

What?

"I'm not taking anyone sides here, mom, please."

"Well it looks that way to me. Even your Tita Ayanna thinks the same thing, and you can't blame her. Maraming nakakita at nakarinig sa sinabi mo."

Until You Say I DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon