Kabanata 26: Time Heals Not All Wounds

13 2 0
                                    

Kabanata 26
"TIME HEALS NOT ALL WOUNDS"

"Arggh!" umungol ako ng hindi pumasok ang bola sa butas.

Kanina pa ako naglalaro ng gulf, pampalipas oras sana at pampawala ng stress. Kaya lang mas lalo lang ata akong nasstress dahil lahat ng tira ko ay hindi pumapasok.

"Ma'am, may bisita po kayo." Ani ni manang sa likuran ko dahilan para mapabuntong hininga ako at iritadong itinapon ang golf clubs.

Hinarap ko siya at kinuha ang towel para magpunas. "Sino?"

Bago pa niya masagot ang tanong ko ay nakita ko na si Yvonne sa likuran niya.

Nangunot ang noo ko dun, "Why are you here?"

Hindi siya sumagot. Tipid siyang ngumiti ng unti-unting lumapit sa akin. Itinuro ko naman ang four sitter table ilang dipa ang layo sa amin.

"Dito tayo."

Naupo kami duon at kuryuso ko naman siyang tiningnan sa harapan ko habang hinihintay na magsalita. She looks different in her casual clothes, and she's a bit off from her usual self.

"I'm here to apologize." She finally voice out.

Nangunot ang noo ko, samantalang malalim naman siyang napabuntong hininga.

"I'm sorry for everything that I've done to you and your friends..."

My lips parted. Not expecting her to apologize.

"I'm sorry if you've been caught in the middle of everything... And for all of the damage that I've done."

I can't believe she's really here for that! Parang nakakapanibago lang na nandito siya at humigingi ng tawad, gayung halos magmakaawa siya sa akin na kausapin si Khael para sa kaniya.

"You were right..." she smiled sadly. "I'm so stupid and naive. If it weren't for you, I would still be chasing Khael, and seeking for the love that wasn't meant for me."

Nanatili akong tahimik habang titig na titig sa kaniya. She then looked at me awkwardly while waiting for my response.

Unti unti akong nakabawi sa gulat. I cleared my throat. "I'm glad you finally able to changed your mind..."

Tipid siyang ngumiti sa akin at napayuko.

"Let us not give in to love foolishly. Hmm?" I asked gently.

Ngumuso siya at muling nag-angat ng tingin sa akin, "I can say the same thing for you. I've been inform about your call off engagement."

Unti-unting naging bahaw ang ngiti ko ng banggitin niya iyon.

She sighed, "I know that it was a family tradition and something we were expected to follow. But I never thought you're going to give in, when I expected that you would run away since you don't believe in fixed marriage."

I look away, "I still don't believe in such thing, Yvonne."

"Kaya nga nagulat ako. It made me also think that maybe you're inlove, like me, reason why you suddenly wanted it."

What?

Muntik na akong matawa sa sinabi niya.

"I'm not into it because I'm inlove, but rather because I'm tired fighting with my mother."

Hindi siya nagsalita kaya muli ko siyang binalingan. Nakita ko naman ang mapanuri niyang mga mata na para bang nagsisinungaling ako.

I rolled my eyes, "I'm serious, Yvonne. It's not what you think."

Until You Say I DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon