Kabanata 30: Bad Taste For Boys

11 1 0
                                    

Kabanata 30
"BAD TASTE FOR BOYS"

Argus...

Argus..

Argus.

I groaned loudly, "That idiot is messing up with my head!"

I heard Paul chuckled in front of me. "Who are you talking to?"

Agad akong natahimik at binalingan siya sa harapan ko. "Nothing. May bipolar disorder lang akong nakasalumuha nung isang araw."

"Parang tanga lang. Kung ano-ano sinasabi." Dagdag ko pa.

Napailing naman siya sa akin at itinigil ang pag-aayos ng mic.

"Thanks for being here, by the way." Aniya ng lumapit sa akin habang nagpapagpag ng kamay.

I sighed, "I need a distraction kaya pumunta ako dito."

"Hi, Pia!" Sabay kaming napabaling sa pinto ng practice room ng pumasok si Sky. "Kamusta? Tagal na rin ng huli mong punta dito, ah."

Ngumiti ako at tumango.

"Manunuod ka?" Tanong niya.

"Pinilit ako." Turo ko kay Paul.

Paul chuckled and ruffled my hair. "She wants to see me play."

"Wow, ah. Kapal mo!" Natatawang tulak ko sa kaniya.

"Woah! Kayo na?" Pang-aasar ni Sky.

I rolled my eyes.

Bumukas muli ang pinto ng practice room at pumasok ang mga kaibigan ko sa Zetes fans club, kaya bahagyang umingay ang room.

"Pia! Aga natin, ah!" Si Mia na humalakhak sa akin.

"Atleast maaga, kaysa sa late." Nakangising ani ko at tumayo na para salubungin sila.

Natigilan nga lang ako sa paglapit ng makita ang taong huling pumasok sa pinto.

Si Argus na hila-hila ni Sophie.

Nangunot ang noo ko sa kanila. "What is he doing here?" Tanong ko kila Andrea.

"May problema ka?" Sophie brows shot up before she clang her hands around Argus arms.

Nakapamulsang nag-angat ng tingin si Argus sa akin, samantalang bumaba namam ang tingin ko sa braso niya kung saan nakakapit ang tuko.

"Duh, nandito kami para manood." Pagtataray pa sa akin ni Sophie.

Nangunot ang noo ko sa kaniya.

I felt Mia dodged my arm as she whisphered on my ear, "We saw him walking outside. Bigla nalang hinila ni maldita na manuod kasama namin."

"Okay lang naman, diba Paul?" Tanong pa ni Sophie kay Paul.

Matalim ang mga matang binalingan ko si Paul upang bantaan siya, pero hindi siya tumingin sa akin.

"Of course. No problem. The more, the merrier." Aniya pa.

Napapikit ako ng mariin at marahas na napabuntong hininga.

"Tara na." Hinila ni Sophie si Argus at naghanap na ng upuan.

Sumunod naman ang mga kasama namin at naupo na din kagaya nila. Pumwesto naman ang Zetes band sa harapan namin. Samantalang lumapit naman sa akin si Mia at Sam.

"You okay?"

Hindi ako umimik. Tumalikod nalang ako at sinigurado na malayo ang puwesto sa kinaruruunan nila Argus.

"This is best time by Jon Guelas." Paul said before he looked back at Healer and nodded on him.

Nagsimulang tumugtog ang banda.

Until You Say I DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon