Kabanata 9: Irap

12 2 0
                                    

Kabanata 9
"IRAP"

"How's your confession going? Are you going to confess na?" Tanong sa akin ni Althea.

Umiling ako. "I've change my mind."

"Huh? Bakit naman?" Nakakunot na tanong niya.

"I just don't think it will work out." Sagot ko.

"Pano mo naman nasabi? Nasubukan mo na ba?"

"Crush lang naman kasi. Hindi ko naman siya gusto maging boyfriend." Dagdag ko para tumigil na siya.

"Ano?" Natatawa niya akong tinignan. Hindi makapaniwala sa sinabi ko. "You know what? I don't believe you. Imposibleng ayaw mo, eh halos araw araw nalang siya ang mukang bibig mo, to the point that you even want to confess."

Umiling ako.

"Let's not talk about it. Lets talk 'bout your upcoming birthday party. May theme na ba para sa birthday mo?" Nakangiting tanong ko para maiba naman ang topic namin.

Ayaw ko lang na pag-usapan iyon. Ayaw kong gawing big deal. I want to forget about it, including my feelings for Paul. Kaya nga sa ibang bagay ko nalang itinutuon ang pansin ko para hindi na sumagi sa isipan ko ang naging palpak na plano at bigo kong feelings para sa kaniya.

"No need for a theme. I just want to have a simple party." Aniya.

Tumango ako at itinuon ang buong atensyon sa topic na iyon.

"An intimate one. Ayaw ko ng masyadong engrande." Dagdag niya pa.

Nanliliit ang mga mata ko. "I doubt that. Simple, pero isi-celebrate sa Palawan?"

Being a member of the rich family is not that easy. Maraming nakikialam sa buhay ng mga elite, kaya imposibleng walang makakaalam sa gusto niyang mangyaring intimate party. Hindi din naman hinahayaan ng myembro ng pamilya na magkaroon lang ng isang simpleng salo-salo. Kaylangan laging alam ng lahat, laging magarbo.

"Yeah. I want it to be done in Palawan. Also, because my family are there. Hindi masaya kung hindi buo ang pamilya."

Tumango ako at sumang-ayon sa kaniya. "Right."

Nagpatuloy duon ang usapan namin, at ang plano ng barkada na mag-absent para makadalo sa kaniyang kaarawan. Pinag-usapan namin iyon lalo pa't may review quiz kami sa araw na iyon bago ang final exam, kaya kinaylangan pang mag-absent.

It's a good thing that she was drown to the topic that she forgot about mine. Hindi nadin naman siya nagtanong tungkol dun. Hindi nga lang ako sigurado kung nahalata niya ang pilit kong pag-iwas duon o sinadya niyang pagbigyan ako lalo na't, marunong naman kaming makiramdam sa isa't isa. Yung tipo na kapag alam nila na ayaw mong pag-usapan ay hindi nila ako pipilitin na magsalita.

"Pia, tapos mo na ba yung assignment mo sa bio?" Tanong sa akin ni Cyprian habang nakaupo siya sa harapan ko dito sa library.

"Yup. Bakit?" I asked.

Nahihiya siyang ngumiti sa akin. Tumaas naman ang kilay ko sa reaksyon niya.

"Mangungupya ka?" Tanong ko.

"Hehe. Pwede ba?" Nahihiyang tanong niya.

Natawa ako sa kaniya. Nangungupya siya sa akin, samantalang minsan naman ay nangungupya ako kay Thea. Nagkukupyahan lang naman kaming tatlo, kaya pare-parehas lang naman ng sagot.

Though, this past few days. Madalas ay wala akong missed na mga homework at activity ko. Well, I guess may maganda ding naidulot ang pagiging broken ko. Now, mas nakakapag focus ako sa pag-aaral at hindi puro pagpaplano tungkol sa dapat ibigay kay Paul, anong mga pakulo ang gagawin namin para sa Zetes just so we could surprise him and the band, or ways just so I could see him.

Until You Say I DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon