Kabanata 18: Maganda

18 2 0
                                    

Kabanata 18
"MAGANDA"

I paired my cream satin halter minidress with a strapless stiletto. My makeup artist applies a subtle makeup which I really like, and my hairstylist put my hair un an updo with my baby hair curls on both side of my face.

"Good to see you again, Pia." Sambit ni Tita Ayanna. Ang sister-in-law ni Daddy.

Asawa siya ni Tito David, ang kapatid ni Daddy. At ang nag-iisang anak nila ay si Yvonne Ortega, my first cousin.

"You too, tita." Sambit ko at sinulyapan si Yvonne na tipid na ngumiti sa akin.

Nangunot ang noo ko sa kaniya nang maalala ang nangyari kahapon lalo na't kasama niya si Khael. She walked out on me after I told her to stay away from Khael. I wonder what he's thinking at the moment or even right now.

"You look good." Si Yvonne sa mahinahong tono.

"Thank you. You look pretty yourself." Sambit ko at tiningnan ang kabuuan niya.

She looked more matured than me, her body type clearly shows that. Although she's is not very tall, she has curves. It's not a surprise since she's a year older as well, but she's in a lower year because of being an irregular student. It turns that way for being a transferee from another country.

"Congratulations, Paulina and Martin. I know you two will make a wonderful couple." Si Tita Ayanna kay ate Paulina at kuya Martin.

Today is their engagement party. Days from now, it will be their wedding. Medyo natagalan nga lang ang preparations dahil maraming gustong I-revise si Ate Paulina kaya marami din ang ginawang adjustments ng wedding organizer at ng kaniyang team.

"Look, sino yan? Ang guwapo." Rinig kong bulong nang nasa tabi namin habang abala ako sa panunuri sa bawat galaw ni Yvonne, kaya naman naputol ang titig ko sa kaniya ng balingan ang nagsalita.

Ang nagsalita ay nakatingin sa entrance ng hall. Ganun din ng mga naruon kasabay ng pagsinghap nila. lahat ng Tao ay napabaling sa entrance ng hall. Ganun din kami ng pamilya ko lalo na ng marinig ang sumunod na pangalan.

"Sh*t. Hindi ba si Argus yan?"

"Huh? Hindi. Yung kapatid yata."

"No. I can't be wrong. Si Argus yan!" Bulalas ng isa din sa mga kasama nila.

Kumalabog ang dibdib ko sa narinig kasabay ng pagbaling ko duon.

Hinanap ko sa entrance si Argus, ngunit nakita ko na ang mga magulang niya lang naman ang naruon kasama ang dalawang magkapatid na Lorenzana.

Napabuntong hininga ako nang mapagtanto na wala naman siya duon. Ngunit ang mga mata ko ay nahagip ang isang pamilyar na mukha sa likuran ng mag-asawa.

Napakurap ako at unti unting umawang ang labi ng tuluyan siyang makita pagkatapos gumilid ng kaniyang pamilya para bumati sa mga kilalang bisita.

Ang kaniyang mga mata ay deretsong nakatingin sa akin. Kung hindi ko lang kilala ang tindig niya ay hindi ko siya makikilala. He had trimmed his hair and he has no longer wearing eye glasses. I could hardly recognized him because of how different he looked.

He made his way over to his parents and spoke with them. Nakita ko ang pagtango ni Tita Athena kasunod ay ang pagbaling nila sa banda namin. My heart skipped a beat upon realizing that they would be going to us after greeting the guests but before they could get close, I quickly left.

Lahat sila nakatutok sa kanila kaya hindi na namamalayan nang pamilya ko ang pag-alis ko sa grupo nila.

Hindi ko alam kung saan ako tutungo kaya naman imbis na manatili sa loob ay pinili ko na lumabas nalang para tumungo sa restroom. Mabilis ang aking lakad habang kumakalabog ng malakas ang aking dibdib. Nang tuluyang makarating duon ay mabilis akong napahawak sa sink habang hawak hawak ang aking dibdib.

Until You Say I DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon