CHAPTER 1

32 2 0
                                    

"ALPHA 1! ALPHA 1! This is Alpha 2, ready na ba ang grupo ninyo?" tanong ni Hunter, ang team leader ng grupong iyon.

"Alpha 2, Alpha 2, this is Alpha 1, ready na kami." sagot na narinig ni Hunter

Sinenyasan ni Hunter ang kanyang mga kasamahan, oras na para sa paglusob nila.

~~~~~

NANG MGA ORAS na iyon, dalawang grupo ang nagkita para sa isang deal. Ang isang grupo ay nagmula pa sa ibang bansa, dala ang dalawang attache case na puno ng dolyar. Habang ang isang grupo ay mula sa Pilipinas, kung saan, droga ang laman ang dalawang attache case na hawak ng mga ito.

"Mr. Zhāng, did you bring all the money?" tanong ng isang lalaki.

"Yes. Did you bring the right amount of the drugs?" tanong naman ng kanang kamay ni Mr. Zhāng.

Hindi nagsalita ang kabilang grupo, binuksan lang ng mga ito ang dalawang attache case na dala at ipinakita ang laman nun.

Ininspeksyon ng grupo ni Mr. Zhāng, ang droga at ng masiguradong tunay iyon, nagsimula na ang deal sa pagitan ng dalawang grupo, nagpalitan na sila ng attache case.

"Now!" ang hudyat ni Hunter sa kanyang mga tauhan. Isa-isa ng naglabasan ang mga pulis na nakatago sa paligid.

"Itaas ang inyong mga kamay, mga pulis kami!" sigaw ni Hunter, itinutok ang hawak na baril sa mga kaaway.

"What the hell going on here?" tanong buhat kay Mr. Zhāng, kinoberan ito ng mga tauhan.

"Taas ang mga kamay!" muling sigaw ni Hunter, pinalibutan ng kanyang mga tauhan ang dalawang grupo.

Ngunit hindi nila inaasahan ang paglabas ng mga taong nakaitim. Inatake ng mga ito ang mga pulis. Kay bibilis ng kilos ng mga ito. Ilang sandali pa, tanging si Hunter na lang ang natitirang nakatayo buhat sa grupo nito.

"Wow! Ganito ba kayo kung maglaro, sobrang dumi? Kailangang may backup talaga?" insultong tanong pa ni Hunter.

"Mr. Pulis, hindi kana sana nakialam, napadali tuloy ang buhay mo." wika ng isang lalaki, ang mukha nito ay nakatago sa dilim.

"Huwag kang mag-alala, bago ako tuluyang kunin ni Kamatayan, sisiguraduhin ko muna na mauuna ang tulad ninyong halang ang mga kaluluwa!" madiing wika ni Hunter. Ito na ang sumugod sa mga kalaban.

Ang mga lalaking puro nakaitim ang suot ay sunod-sunod na sumugod sa nag-iisang kalaban, si Hunter

Hindi naman nagpatalo ang binatang pulis. Hindi din pahuhuli ang kakayahan nito sa pakikipaglaban. Ngunit paano pa niya mahuhuli ang mga salarin kung napaliligiran siya ng mga kaaway?

Mabilis ang naging kilos ni Hunter, tumambling ito palapit sa kaaway, sipa, suntok ang ibinigay niya sa mga ito. Ngunit nag-iisa na siya, lalo pang naningkit ang kanyang mga mata ng makitang pasakay na sa kotse ang Chinese/American habang bitbit ang attache case na may lamang droga. Ganun din ang grupong ka-deal nito. "Shit!"

Heto na naman ang mga kalaban. Sabay-sabay na sumugod kay Hunter. Magaling man siya sa pakikipaglaban, ngunit hindi din maikakaila ang galing ng kanyang mga kaaway. Tumama ang sipa ng mga ito sa kanyang katawan, sinabayan pa ng suntok sa sikmura at kanyang likuran, pasubsob siyang napalupasay sa semento.

Buhat sa diliman, lumabas ang isang naka-itim na tao, tulad ng mga nakalaban ni Hunter, tanging mata lang nito ang makikita. Ang titig ng taong iyon ay tila nagbabaga. Makikita ang bagsik, galit. Nagulat na lang si Hunter ng isa-isa nitong kinalaban ang kanyang mga katunggali. Kakaibang lakas mayroon ang taong iyon, kay bilis ng kilos nito. Iba't-ibang klaseng pakikipaglaban ang nakikita niya sa kilos nito.

"Ano pa ang ginagawa mo? Habulin mo ang sasakyang iyon at bawiin ang droga!" sigaw ng taong nakaitim.

Napamulagat si Hunter, dahil ang boses nito ay boses ng isang... babae?

"Kilos na!" sigaw pa ng babaeng nakaitim.

Mabilis nga ang naging kilos ni Hunter, ngunit bago ito tuluyang umalis, binalingan muna niya ang babaeng nakaitim. "Mag-iingat ka." wika niya bago tumakbo upang habulin ang sasakyan ng Chinese/American. Agad din siyang tumawag ng backup.

In-stretch ng babaeng nakaitim ang kanyang batok. Kahit medyo may kadiliman sa lugar na iyon, hindi makakaligtas sa matalas niyang pakiramdam ang presensya ng kanyang mga kakaban. Isa-isang nagsugudan ang mga ito sa kanya, napangiti lang siya at inihanda ang sarili sa pakikipaglaban.

~~~~~~~

"PREPARE FOR THE MEETING!" agad ay wika ng kadarating palang na si Chief Viglianco, pinaka-head ng Crime Squad Secret Agency. Ang grupo nila naglalayong hulihin ang mga kriminal at masasamang tao. Tumatanggap din sila ng misyon, ngunit ito ay naaayon sa patakarang kanilang pinaniniwalaan. Mga skilled members ang grupo nila, maliban lang pala sa isang tao.

"Issa! Issa, gising! May meeting tayo!" wika ni Briar, kaibigang matalik ni Issa.

"Ha? Mamaya, five minutes na lang." inaantok pang sagot ng dalaga.

"Ano ka ba? Mapapagalitan ka na naman ni Chief!" madiing wika ni Briar, niyugyog na ang kaibigan.

Hindi nakaligtas kay Chief Viglianco, ang nangyayaring gisingan sa pagitan ng magkaibigan, napahinga siya ng malalim at nilapitan ang table ni Issa. "Ms. Eisher, motel ba itong opis natin?"

"Chief, dumating na po pala kayo. Good morning!" bati ng inaantok pang si Issa.

"Issa, kailan ka ba magtitino?" bulyaw ng Chief, pabagsak pa ang ginawa nitong pagpatong ng kamay sa table kung saan nakasubsob ang dalagang agent.

"Tipaklong! Chief, naman!" angal ng nagulat na dalaga.

"Proceed to the meeting room, now!" madiing wika ng Chief, bago nito tuluyang iwan ang kinaiinisang agent.

Hinilot muna ni Issa ang sariling balikat bago sumunod sa mga kasamahan.

"Listen, guys. Nag-failed ang raid na ginawa ng mga pulis kagabi sa pagitan ng grupo ni Mr. Zhāng, ang Chinese/American (may picture nito sa monitor) at sa isa pang grupo na hindi pa alam kung ano'ng pangalan. Ngunit ilang litrato ang nakuha, tanging mga tauhan lang ang nakunan at hindi ang mismong pinaka-boss. Ayon kay SPO4 Enoch Guthrie Ashford a.k.a Hunter, may isang taong tumulong sa kanya. Ito ay sikreto pa, pero dahil hiningi ng kapulisan ang ating tulong, sinabi nila ang lahat ng impormasyong pwedeng makatulong sa'tin. Tatlong bagay ang nais nilang malaman. Una, hanapin ang kinaroroonan ng grupo ni Mr. Zhāng. Pangalawa, kilalanin kung sino at ano'ng grupo ang ka-deal nito. At pangatlo, kilalanin ang taong tumulong sa mga pulis. Take note, babae ang tumulong sa grupo ni Hunter." mahabang pahayag ng chief.

Natahimik ang lahat at matamang pinag-aralan ang kasong hawak nila.

Hinati ng Chief ang grupo sa tatlo at ini-assign ang hahawakang kaso.

"Sir, ano'ng gagawin ko?" naitanong ni Issa, siya lang kasi ang walang ka-grupo.

"Ano naman ang maitutulong ng tulad mong antukin? Kahit ako ay nagtataka mismo sa sarili ko kung bakit hanggang ngayon ay nandito ka pa sa grupo?" sarkastikong wika ng Chief.

Tawanan ang mga kasamahan ng dalaga, maliban sa kaibigan nitong si Briar. Matiim ang ginawa nitong pagtitig sa kaibigan. Ilang sandali pa, napangiti siya na sinabayan pa ng pag-iling. Parang nahuhulaan na niya ang nangyari. Sa kanilang grupo, siya lang ang nakakakilala kay Issa at sa angkin nitong kakayahan.

Girl On FireWhere stories live. Discover now