Chapter 5

6 1 0
                                    

“S-SIR, SALAMAT po ulit!” wika ni Issa, pilit na sinasabayan sa paglalakad ang binatang pulis.

“Umuwi kana. Hindi kaba natatakot? Mukha ka pa naman…” kusa ng pinutol ni Enoch ang sinasabi, pinasadahan na lang niya ng tingin ang dalaga.

Lihim na napaingos ang dalaga. “Gusto ko lang magpasalamat sa'yo. Pa dalawang beses mo na kasi akong iniligtas.” sabi na lang niya.

“Huwag mo ng hangarin na magkaroon ng pangatlong beses dahil hindi ako si Superman.” pa pilosopong sagot ng binata.

“Hindi ka talaga magiging si Superman dahil ikaw si si Dracula!” singhal na nasa isip lang ni Issa. “Palabiro ka pala. Basta salamat sa lahat.” nabigkas niya.

“Sige na, umalis kana.” pagtataboy pa ng binata, sumakay na ito sa kanyang motorsiklo.

“Sir, baka gusto mong ihatid na din ako?” pangungulit pa ng dalaga.

Tila walang narinig ang binata, pinaharurot na nito ang motorsiklo.

“Aysss! Kung hindi lang kita kailangan, hindi ako maghahabol sa'yo!” inis na wika ni Issa. Minabuti na niyang umuwi upang makapag-isip ng panibagong plano upang makalapit sa binatang pulis.

MATAMANG TINITIGAN ni Issa ang litrato ni Chief Veloso, ang pulis noon na kumuha sa kanyang statement tungkol sa pagkamatay ng kanyang ina. Ipinikit niya ang mga mata at pilit na inalala ang mukha ng dalawang lalaking nagsabi na dadalhin siya sa isang safe house. Sa utak ni Issa, naglakbay ang kanyang alaala sampung taon na ang nakalilipas. Ang eksenang kinukuhanan siya ng statement.

“Huminahon ka, ano ang nakita mo?” tanong ng pulis.

“P-pinatay nila si nanay! B-binaril niya ang nanay ko!” umiiyak na sigaw ni Issa.

“Binaril? Sino ang bumaril sa nanay mo? Nakita mo ba ang mukha niya?”

Umiling si Issa. “N-nakatalikod yung lalaking nag-utos na patayin ang nanay ko. T-tapos, hindi ko masyadong nakita ang mukha ng dalawa dahil nakatagilid sila! Pinatay nila si nanay! Pinatay nila!” histerikal na ang dalagita.

“Huminahon ka, hindi tayo magkakaintindihan kung ganyan ka.” sabi ng pulis, biglang tumunog ang phone nito. “Hello!... okay!” sabi pa nito habang nakatingin kay Issa. Nang matapos ang pakikipag-usap nito sa phone, muling binalingan ang dalagita. “Habang wala pang linaw ang lahat, dadalhin ka muna namin sa isang safe house. Huwag kang mag-alala at magiging maayos ang lagay mo dun.” anito pa. Noon bumukas ang pintuan at pumasok ang dalawang lalaki.

Halata ang takot sa mukha ni Issa. Nakatitig siya sa mukha ng dalawang lalaki.

“Sige na, dalhin na ninyo siya. Ingatan siyang mabuti.” sabi pa ng pulis, hindi na napansin ng dalagita ang lihim na senyasan ng tatlong lalaki.

HABANG NAKASAKAY sa kotse si Issa, ang pakiramdam ng pagkabalisa ay hindi maalis sa kanya. Habang tumatagal, padilim ng padilim ang daang tinatahak ng kotseng sinasakyan nila. “Saan po tayo pupunta?” na itanong na niya.

Hindi sumagot ang dalawang lalaki, nagtinginan lang ang mga ito.

Noon na nakaramdam ng ka ba si Issa. “G-gusto ko na pong umuwi!”

“Malapit na tayo,” sagot ng isang lalaki.

Natahimik ang dalagita ngunit nandoon pa din ang kaba sa kanyang dibdib.

Ilang minuto pa ng huminto ang sasakyan. Lumabas ang isang lalaki at pahila nitong inilabas sa kotse si Issa. “Ganyan ka lang, 'wag kang kikilos.” sabi pa nito, patalikod sa kanila ang pwesto ng dalagita. Binunot ng lalaki ang baril nito na nasa bewang at walang babalang dalawang bala ang ibinaon nito sa katawan ni Issa.

Girl On FireWhere stories live. Discover now