Chapter 16

9 1 0
                                    

ISANG LITRATO ang ngayon ay tinititigan ng isang lalaki. Isang babae at isang lalaki ang nasa litratong iyon habang magkayakap. Kay gandang pagmasdan dahil bakas ang labis na pagmamahal sa mata ng dalawa. Ngunit ang pagmamahalang iyon ay biglang nasira dahil sa biglang pagpasok ng isang lalaki sa buhay ng dalawa. 

“Oras na para magkita-kita sila. Oras na ng paniningil!” madiing wika ng lalaki, tuluyan na nitong sinunog ang hawak na litrato.



ISANG TAWAG ang nareceive ni Issa. Base sa numerong kanyang nakikita, may kutob na siya kung sino ang caller. “Hello,”

“Kamusta kana?” tanong buhat sa kabilang linya. Ang taong lihim na tumutulong kay Issa.

“S-sir!” wari ba'y maiiyak na ang dalaga.

“Okay ka lang ba?”

Hindi agad nagsalita si Issa, pinilit niyang pakalmahin ang sarili dahil ayaw niyang umiyak. “O-okay naman po.”

“Sinabi ko sa'yo na kahit wala ako d'yan sa tabi mo, patuloy kitang babantayan. Tingin mo ba ay hindi ko alam na natuklasan mo na kung sino ang pumatay sa nanay mo?”

“H-ho? P-paano ninyong nalaman?” gulat na tanong ng dalaga.

“Gusto kitang tulungang ipaghiganti ang kaapihan ninyong mag-ina. Kunin mo ang katarungang nararapat sa inyo.” wika pa ng nasa kabilang linya.

Natigilan muli si Issa, hindi niya maipaliwanag ngunit may pagdadalawang isip siyang nararamdaman.

“Magtungo ka sa lugar na sasabihin ko. May nakahandang regalo para sa'yo.”

“Ho? Ano'ng klaseng regalo?”

“Regalong ikatutuwa mo nang labis. Tandaan mo na nasa panig mo ako at wala akong hiniling kundi ang ikaliligaya mo.” wika pa ng lalaking nasa kabilang linya.

Hanggang sa tuluyan ng matapos ang usapan ng dalawa, nanatiling palaisipan kay Issa ang tungkol sa ‘regalong’ sinasabi ng kanyang taga-pagligtas.



KINAGABIHAN...

Tulad ng napag-usapan nina Issa at ng taong tumutulong sa kanya, nagtungo ang una sa lugar na sinabi ng huli. Napagtanto niyang isang abandunadong warehouse ang kanyang kinaroroonan. Si Issa, bilang ang babaeng nakaitim ang nagtungo sa lugar na iyon, ayon na din sa naging usapan nila ng lalaki. Palagay siyang naglibot sa paligid, hanggang sa makita ang sinasabing 'regalo' sa kanya. Tumunog ang kanyang phone, agad niya iyong sinagot. “Hello!”

“Nagustuhan mo ba ang ‘regalo’ ko?” tanong buhat sa kabilang linya.

“S-sir, paanong…”

“Gawin mo ang nais sa kanya. Nasa mga kamay mo na ang magiging katarungan ng pagkamatay ng iyong ina.” pinatay na nito ang tawag pagkatapos sabihin ang mga salitang iyon.

Hindi agad nakakibo si Issa, dahil ang nasa harapan ay walang iba kundi si Congressman Alguien. Ang ‘regalong’ sinasabi ng taong lihim na tumutulong sa kanya. Base sa kanyang nakikita, binugbog na ito. Ilang sugat sa mukha at katawan. Wala din itong malay. Hindi maipaliwanag ni Issa ang nadarama. Bakit parang... naaawa siya dahil sa nakikitang kahabag-habag nitong lagay? Ipinilig niya ang sariling ulo. Walang puwang ang awa para sa taong tulad nito. Marahan niyang nilapitan ang wala pa ding malay na congressman.




DAHIL DAY-OFF ni Enoch, maghapon siyang nanatili sa sariling bahay. Inabot na siya ng gabi ngunit hindi pa din maalis sa isipan niya na ang babaeng itinatangi ay kanyang kapatid. Muli niyang naihilamos ang palad sa mukha, halata ang sobrang bigat na problemang dinadala. Hindi niya naipagtapat sa dalaga ang tunay nitong katauhan dahil maging siya ay naguguluhan. Ang pagtunog ng kanyang phone ang nagpahinto saglit sa iniisip na problema. “Hello,” wika niya nang sagutin ang tawag.

Girl On FireWhere stories live. Discover now