Chapter 12

9 1 0
                                    

BAHAGYA PANG kumikirot ang nasaktang bahagi ng katawan ni Enoch ng makarating sa mansyon ng congressman. Shock pa din siya dahil sa naging reaksyon ni Issa. “Ibig bang sabihin nu'n, hindi pa ito nakakakita ng lalaking... hubad?” sa naisip ay hindi niya mapigilan ang mapangiti. Ngunit biglang naipilig ang sariling ulo. Ano ba ang pumapasok sa kanyang utak. Ngunit palihim niyang pinagala ang paningin sa paligid, hinahanap ang dalaga. Nagkunwari siyang abala ng bigla itong makita.


PILIT NA iniiwas ni Issa, ang tingin sa binatang pulis. Hindi niya maintindihan ang sarili, wari ba ay nag-init ang kanyang pisngi.

Nakatayo na sa kani-kanilang pwesto ang dalawa. Walang salitang namagitan sa kanila na tila ba ay nagpapakiramdaman pa sila.

“Good morning.” bati ni Dave.

“Good morning din po.” halos sabay na ganting bati nina Enoch at Issa.

“Ah, gusto ko nga palang ibalita na hindi muna kayo magsasamang dalawa ngayong araw. Ms. Eisher, ikaw muna ang personal bodyguard ni Mrs. Alguien. May dadaluhan siyang charity works then, later on, may party siyang pupuntahan. Magkikita na lang tayo mamayang gabi sa party.” pagbabalita ni Dave.

“Okay po!” masiglang wika ni Issa, nakahinga ng maluwag dahil pansamantalang hindi makikita ang binatang pulis.

“Good. So, mauna na kami nina congressman. Ikaw na ang bahala kay Mrs. Alguien.” paalam na ni Dave, sinenyasan nito si Enoch na sumunod sa kanya.

Nais mang magpaalam ni Enoch kay Issa, napigilan niya ang sarili. Walang lingon siyang sumunod sa kanang kamay ng congressman.

Nasundan na lang ng tingin ni Issa ang papalayong binata. Bakit may panlulumo siyang nararamdaman? Ipinilig niya ang sariling ulo dahil sa kalokohang naiisip. Makalipas lang ang tatlumpong minuto, umalis na din sina Issa, kasama ang asawa ng congressman at ilan nitong tauhan.


NAGING BUSY sina Issa, para sa charity works na pinangunahan ni Mrs. Alguien. Noon lang napagtuunan ng pansin ng dalaga ang ginang. Tulad ng asawa nito, may ginintuan din itong puso. Walang kaartehan, hindi kababakasan ng karangyaan sa katawan. Ang ngiti sa labi ay 'di kailanman nawala dito. Nasa dugo na talaga ng mag-asawa ang pagkakawanggawa. Ngunit biglang gumana ang matalas na pakiramdam ni Issa, may panganib siyang nararamdaman mabilis niyang pinagala ang paningin sa paligid. Bahagya siyang kinabahan dahil ng mga sandaling iyon, puro bata ang kanilang kasama. Nasa isang kumbento sila at doon ginaganap ang charity works. Palipat-lipat ang tingin ni Johna sa bawat taong papalapit kay Mrs. Alguien. Mabilis ang ginawa niyang kilos, bahagya siyang dumikit sa ginang.

Salimbayan ang mga bata, mga madre at ilang miyembro ng naturang charity works. Hindi matukoy ng dalaga kung sino ang hinahanap. Ngunit isa lang ang kanyang nasisigurado, nasa panganib ang buhay ng ginang.

Isang madre, isang bata at dalawang maskuladong lalaki ang ngayon ay papalapit sa gawi ng ginang. Mas lalong naging mailap ang paningin ni Issa, ngunit mas natuon ang kanyang atensyon sa dalawang maskuladong lalaki. Kinoberan niya ang ginang.

“Bakit? Ano'ng nangyayari?” tanong ni Mrs. Alguien sa dalagang bodyguard.

“Ho? Binilinan po ako ni congressman na bantayan kayong mabuti. Sumusunod lang po ako sa iniutos sa akin.” sagot ni Issa.

“Huwag kang mag-alala. Walang masamang mangyayari, ilang beses na akong nagpa-charity works dito. Mababait silang lahat.” nakangiting sagot ng ginang.

Tumango na lang ang dalaga, bahagya siyang dumistansya sa ginang ngunit nanatili ang mahigpit na pagbabantay dito.

Papalapit na ang dalawang lalaki. Naikuyom ni Issa ang dalawang kamay at inihanda ang sarili sa magaganap. Ngunit hindi sinasadyang mahagip ng kanyang paningin ang repleksyon buhat sa isang salamin. Ang bata... ang bata ang siyang papatay sa ginang!

Girl On FireWhere stories live. Discover now