Chapter 8

10 1 0
                                    

KINABUKASAN...

Kahit kulang sa tulog, maaga pa ding gumising si Issa. Kailangan niyang magtungo sa opisina nang congressman dahil hectic na naman ang schedule nito sa araw na iyon.

“Aysss!” may inis pang wika ng dalaga, naalala ang nangyaring pakikipaglaban at natitiyak niyang pinaghihinalaan na siya ni Enoch. “Ano'ng palusot pa ang gagawin ko?” naitanong pa niya sa sarili. Nagpapadyak siyang bumangon sa kama upang maligo at ayusin ang sarili.

PALINGA-LINGA si Issa, pagkapasok pa lang sa gate ng mansyon nang congressman. Nais niyang pansamantalang pagtaguan si Enoch. Kapag busy na sila pareho, mawawalan na ito ng oras upang tanungin siya. Marahan siyang lumakad sa pasilyo, pakubli-kubli.

“May pinagtataguan kaba?” tanong na narinig nang dalaga buhat sa kanyang likuran.

Napapikit si Issa, ngunit mabilis na nakaisip ng dahilan. “Oh, dumating kana pala.” naging natural ang pagkilos niya.

“Ang tanong ko, sino ang pinagtataguan mo?” ulit ng binata.

“Ha? Ako nagtatago? Kanino? Ah! Napaaga kasi ako ng dating, inuusisa ko lang ang mga gamit nila dito. Grabe! Mukhang milyones ang halaga!” kunwari ay gulat pang reaksyon ng dalaga.

“Huwag mo na akong paikutin pa. Ano ang tunay mong katauhan?” tanong ni Enoch.

“Bakit? Mukha ba akong alien na nagkatawang tao? Sa ganda kong ito? Okay ka lang?”

Pinasingkit ni Enoch ang mga mata. Pinaiikot-ikot lang siya ng dalaga.

“Nandito na pala kayong dalawa. Ipinapatawag kayo ni congressman.” biglang wika ni Dave.

“Oh! Sige po, pupunta na kami sa opisina niya.” mabilis na wika ni Issa, nagpatiuna na ito sa paglakad upang hindi na magkaroon ng pagkakataon si Enoch na magtanong sa kanya.

“Sige lang, iwasan mo ako. Mako-corner din kita.” nasa isipan ng binata.

“Wew!” tila nakahinga ng maluwag na anas ni Issa, mag-iisip pa siya ng paraan kung paano maiiwasan ang pag-uusisa ng binata.


MULING NAGSIMULA ang nakakapagod na araw. Nagkaroon ng meeting ang buong miyembro ng SUGO Partylist, ngunit sa pagkakataong ito, unti-unting nahati sa dalawang pangkat ang buong grupo.

“Ano'ng kalokohan ang pinagsasasabi ninyo?” bahagyang sigaw ni Senator Madrigal.

“Hindi naman lingid sa inyong kaalaman na nagkaroon ng botohan ang netizens sa pagitan ninyo ni Congressman Alanis, at halos 85% ng boto ay nasa panig nang congressman.” wika ng isa.

“Naisip lang namin ang makabubuti sa ating grupo. Hindi lang sa mga websites kundi maging sa lansangan, pangalan ni congressman ang binabanggit. Nais lang namin na magpalit kayo ng pwesto. Ikaw bilang vice-president at si congressman bilang presidente.” sabi pa ng isa.

“Iisipin kong hindi ko narinig ang mga sinabi ninyo! Tandaan ninyong ang grupong ito ay nabuo dahil sa akin!” madiing wika ng senador.

“Senator Madrigal, kabutihan lang ng partylist ang nais namin. Alam namin na pang-aapak sa pride mo ito pero sana makapagdesisyon ka habang may oras pa tayo. Alam ng lahat na ang pinangangambahan ng ibang partylist ay kung si Congressman Alanis ang tatakbo bilang presidente. Kung mangyayari ang nais namin, may posibilidad na manalo ang buong grupo, alam mo din 'yan, Senator Madrigal. At base sa naging reaksyon nang masa, kahit ano'ng pwesto, kayang manalo ni congressman. Para din ito sa kapakanan mo, senator.” paliwanag ng isa pa.

Pabiglang tumayo si Senator Madrigal, halata ang tinitimping galit sa mukha nito. “Kapag nasa ayos na ang isip ng lahat, magmi-meeting ulit tayo.” wika na lang niya bago walang paalam na iniwan ang lahat.

Girl On FireWhere stories live. Discover now