Chapter 3

8 1 0
                                    

NAKAUPO SI ENOCH, matamang iniisip kung sino ang babaeng tumulong sa kanya ng gabing iyon. Marunong siyang makipaglaban ngunit mas magaling ang babaeng iyon. Natapik na naman niya ang sariling noo ng maisip ang nakakahiyang nangyari.

“Pare, may balita na ba sa grupo ni Mr. Zhāng at sa grupong ka-deal nito? Masyado na tayong binabatikos ng media. Nasa harap na daw natin, nakawala pa.” iiling-iling na wika ni Gael, pulis ding tulad ni Enoch.

Umiling lang ang binata. Ngunit hindi siya titigil hangga't hindi nahuhuli ang dalawang grupo. Kaya nga siya binigyan ng alyas bilang ‘Hunter’ dahil isa siyang mabangis na hayop na nangha-hunting sa bawat suspek hanggang sa mahuli ito ng lubusan.

“Pero ang ipinagtataka ko, paano nila naisip na maghanda ng ganoong... ninja? Hanggang ngayon, masakit pa ang panga ko dahil sa ginawa nilang pag-atake sa‘kin.” sabi pa ni Gael.

“Tama. Dahil sa atakeng 'yun, tulog ka.” wika ni Enoch.

Bahagyang natigilan si Gael, nakaramdam ng hiya. Sa dami nilang 'yun, napatulog lahat sa iisang atake lang. “Tingin mo, kailangan nating i-train ang mga kasamahan natin para hindi na maulit ang nangyari?” tanong pa niya.

“Never mind. Kung malalaman ng media na nakatulog lahat ng pulis, lalo tayong titirahin. Mainit na tayo sa taas, lalo na ang pangalan ko.” sabi pa ni Enoch, bigla itong tumayo at iniwan ang kasamahan.

~~~~~~~

NAKATAYO NGAYON si Issa, sa tapat ng himpilan ng pulisya. Iniisip niya kung paano makakakuha ng impormasyon na hindi siya paghihinalaan. May pinakisuyuan siyang kakilala na magtanong sa pulis tungkol sa nangyaring pagpatay sa kanyang ina ngunit hiningian ito ng identification card na magpapatunay na kaanak ito ng biktima. Ngunit dahil walang maipakita ang taong kanyang pinakisuyuan, hindi ito nakakuha ng anumang impormasyon. Nahigit ni Issa ang sariling paghinga. Kailangan niyang mag-isip ng paraan, hindi pa niya pwedeng i-reveal ang tunay na katauhan. Dahil abala ang isipan, hindi niya inaasahan ang biglaang pagsulpot ng rumaragasang motorsiklo. Nanlaki ang kanyang mga mata, pero hindi siya pinangunahan ng pagka-panic. Naging mabilis ang kanyang kilos, tumambling siya upang maiwasan ang papasalpok na motorsiklo sa kanya.

Humihingal si Issa dala ng sobrang kabang nararamdaman, muntik na siyang matodas ng wala sa oras. Nilingon niya ang motorsiklo, napailing siya, nilingon lang siya ng driver at paharurot na muling pinaandar ang motor.

Napabuga ng hangin si Issa, imbis na tanungin kung okay siya, tatakasan pa siya nito. Huminga siya ng malalim at balak na hulihin ang sakay ng motorsiklo ngunit nahinto siya dahil isang lalaki ang humarang dito. Ngayon ay papalapit na sa kanya bitbit ang driver ng motorsiklo.

“Miss, okey ka lang?” tanong ng lalaki, walang iba kundi si Enoch.

“O-opo,”

“Ang lakas ng loob mong tumakbo. Hindi mo ba alam na nasa harap ka ng pulisya?” tanong ni Enoch.

“S-sorry po, boss. Natakot kasi ako.” wika ng driver, inalis ang helmet nito at base sa mukha, under-age pa ito.

“May lisensya ka ba?” tanong pa ni Enoch.

Umiling ang binatilyo, halata ang takot sa mukha nito. ”Boss, miss, patawarin po ninyo ako!”

“Kaya maraming naaaksidente dahil sa tulad mong reckless driver. Wala ka pang lisensya. Halika sa loob.” wika ni Enoch, hinila ang binatilyo papasok sa loob ng pulisya.

“S-sir, pulis kayo?” tanong ni Issa.

“Oo,”

“Ah, sir, hindi na ako magko-complain laban sa kanya. May kasalanan din ako dahil hindi ako nakatingin. Kayo na lang ang bahala sa kanya.” sabi ng dalaga.

Girl On FireWhere stories live. Discover now