Chapter 11

6 1 0
                                    

KINABUKASAN...

Halos lumuwa ang mga mata ni Senator Miranda sa box na nareceive ng umagang iyon. Pinamutlaan din siya ng mukha na animo wala ng dugong dumadaloy sa kanyang mga ugat. Napatingin siya kay Paul. “Sino ang nagpadala nito?” tanong niya dito.

Hindi nagsalita ang kanyang kanang kamay, ngunit may hinala ng nabubuo sa isipan nito. May note pa silang nakita. Agad iyong kinuha ni Paul at binasa.

‘Ako ang ‘wag mong kalabanin, hindi mo alam ang kaya kong gawin. Better to think twice or hundred times bago mo ako pabagsakin. Dahil sisiguraduhin kong ‘baliw’ ang kalalabasan mo.’

Halos magngalit ang bagang ng senador. Sigurado na siya kung sino ang nagpadala sa kanya ng box na mga iyon. Tumunog ang kanyang phone.


CONGRESSMAN ALGUIEN, CALLING...

Lalo siyang nakaramdam ng galit, pinakalma muna niya ang sarili bago sinagot ang tawag. “Hello,”

“Did you recieve my gift?” tanong buhat sa kabilang linya.

“Hayop ka! Tingin mo mapapabagsak mo ako dahil dito?” galit na tanong ng senador.

“Marami pa dito, ‘wag kang mag-alala. Don't provoke me, I can't tell where and when those ‘gifts’ explode.” may pagbabanta sa tinig ng congressman.

Natahimik ang senador, nanginginig ang knyang kalamnan dala ng sobrang galit.

“Have a good morning.” muling wika ng congressman bago pinatay ang sariling tawag.

Ibinato ni Senator Madrigal ang hawak na phone. Nagkamali siya ng maliitin ang congressman na iyon. Matiim na tinitigan niya si Paul. "Imbestigahan mo ang buhay ng taong iyon. Kahit ang kaliit-liitang bagay na may kaugnayan sa kanya, ‘wag mong palalampasin! Hindi ako makakapayag na ang isang tulad niya ang makakatalo sa‘kin!” madiing utos pa niya.

Tango lang ang naging sagot ni Paul. Nababatid nito na nagsimula na ang ‘gera’ sa pagitan ng dalawa.


MASAMA ANG pakiramdam ni Issa, dahil sa naging pakikipaglaban niya ng nakaraang gabi, muling nanariwa ang sugat sa kanyang braso. Ngunit pinilit pa din niyang pumasok sa kanyang trabaho. Hindi siya magpapaapekto sa simpleng sakit na iyon.

Halos kadadating lang ng dalaga nang marinig ang usapan buhat sa datihang bodyguard ng congressman.

“Talaga? Nakilala daw ba nila 'yung babaing nakaitim?” tanong ng isa.

“Hindi. Tanging description lang ang naibigay nila. Pero nasa listahan na ng wanted ang taong iyon. Heto nga at nasa pahayagan na ang litrato niya.” sabi pa ng isa, ipinakita ang diyaryo na may larawan ng babaeng nakatiim.

“Patingin nga.” biglang singit ni Issa, naningkit ang kanyang mga mata ng makita ang naging description sa kanya. Ngunit nakaramdam siya ng matinding galit ng mabasa ang nakasulat laban sa kanya.

WANTED FOR ATTEMPTING MURDER. Kung sino man ang nakakakilala sa taong ito ay ipagbigay alam sa pulisya. Siya din ang hinihinalang nagnakaw sa isang bangko. Nanambang sa isang businessman upang humingi ng kaukulang halaga ng salapi.

Napakuyom ang kamao ng dalaga. Ano'ng kalokohan ang ibinibintang sa kanya?

“Ano 'yan?” tanong ni Enoch, bahagyang pinasadahan ang diyaryong hawak ni Kssa. Nangunot ang kanyang noo ng makita ang litrato ng babaing nakaitim na ilang beses tumulong sa kanya. Kinuha niya ang diyaryo at pinasadahan ng tingin ang nakasulat. “Parang may mali?” anas pa niya.

“Ano'ng ibig mong sabihin?” naitanong ng dalaga.

“Ito ang taong tumulong sa'kin. Imposibleng magawa niya ang ganitong bagay.” sagot ng binata.

Girl On FireWhere stories live. Discover now