Chapter 6

10 1 0
                                    

ALAS-SINGKO y medya pa lang ay nakarecieve na ng tawag si Issa.

“Hello,” pupungas-pungas pa niyang wika.

“Tulog ka pa? Huwag mong sabihin na magpapa-late ka sa unang araw mo bilang lady guard ni congressman?” si Briar ang kay agang nanenermon sa kaibigan.

“Sinabi ko bang pumayag ako? Sabihin mo kay boss, pumili na lang siya ng iba sa ating mga kasamahan.” patamad na sagot ni Issa.

“Ano ba kasi ang dahilan mo at inaayawan mo ang ibinigay sa'yong trabaho? Kilala mo ba kung sino ang makakapartner mo sa pagbabantay sa kaligtasan ni congressman?”

“Hindi ako interesado.”

“Tsk! 'Yung pulis na pinagbigyan mo ng impormasyon tungkol kay Mr. Zhāng, siya ang magiging kapartner mo!” singhal pa ni Briar.

“Ano? Sino?” biglang napabangon buhat sa kama si Issa.

“Wala! Bye!” inis na pinagpatayan ni Briar ng phone ang kaibigan.

“Hoy! Teka, may…” hindi na naituloy ni Issa ang nais sa sabihin dahil call ended na. “Tsk! Bakit hindi mo agad sinabi?” singhal niya sa hawak na phone, ibinato niya iyon at nagmadaling nagtungo sa banyo upang maligo.

KADARATING LANG ni Enoch sa osipina ni Congressman Alanis. Siya ang isa sa napiling magbantay dito hangga't hindi pa natatapos ang eleksyon. Narinig niyang may isa pang kinuha na makakatulong niya at ngayong umaga nga sila ipapakilala sa isa't-isa.

“Good morning!” bati ng binatang pulis sa babaeng nakita.

“Ah, Mr., pumasok na po kayo sa loob.” wika ng babae.

“Salamat,” tanging sagot ni Enoch at naglakad na ito sa pintuang itinuro ng babae. Kumatok muna siya bago tuluyang binuksan ang pintuan. “Sir!” bati niya sa kanang kamay ng congressman. May nakita siyang babaeng nakatalikod.

“Halika, pumasok ka at ipapakilala ko sa'yo ang magiging partner mo para maging tagabantay ni congressman.” wika ni Dave.

Tuluyan ng pumasok sa loob ang binata. May bahagya pang ngiti na nakapaskil sa kanyang labi. Ngunit bigla din iyong nawala ng makilala kung sino ang tinutukoy ni Dave.

“Good morning, Sir!” nakangiting bati ni Issa sa natitigilang binata.

“Oh, magkakilala na kayo?” tanong ni Dave.

“Opo,” maikling sagot ng dalaga.

“Sir, siya po ang buddy ko? I mean, mas okay po sana kung lalaki ang ibibigay ninyong buddy ko.” bakas sa tinig ni Enoch ang pagpoprotesta.

“Isa sa best agency ang pinanggalingan ni Ms. Eisher. You don't have to worry.” ani Dave.

“Pero…”

“Salamat po, Sir! Makakaasa kayo na gagawin ko ang lahat maprotektahan lang ang congressman.” singit ni Issa, hindi na niya pinatapos ang nais sabihin ni Enoch.

“Kung ganun ay iniaatang na namin sa mga kamay ninyo ang kaligtasan ng congressman. Ito nga pala ang schedule ni Congressman Alanis, para sa buong linggo.” sabi pa ni Dave, sabay abot ng tig-isa kopya ng schedule sa dalawa.

Sabay pa halos na binasa nina Issa at Enoch ang papel na ibinigay sa kanila.

“Kung wala na kayong tanong, nais ko na kayong ipakilala kay congressman.” sabi pa ni Dave.

“Sige po!” si Issa na ang sumagot na sinamahan pa ng malawak na ngiti.

Nakangiting tumayo na si Dave, at nagpatiuna ng lumabas sa kwartong kanilang kinaroroonan.

Girl On FireWhere stories live. Discover now