Chapter 13

12 1 0
                                    

NAGKATINGINAN sina Enoch at Issa, naghinang ang kanilang mga mata.

Palapit na ng palapit ang ilang waiters sa mag-asawang Alguien. Patuloy din sa pag-uga ang chandelier buhat sa itaas. Mabilis na hinanap ng dalawa ang switch ng ilaw. Ang dami nilang nakita ngunit kailangan nila ang switch upang tuluyang mai-off ang ilaw sa buong bulwagan.

Biglang nakaisip ng ideya si Issa, ibinulong niya ang plano sa binata.

"Okay, let's try our best!" wika ni Enoch, mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa bewang ng dalaga. Biglang nagpalit ng tugtog, tango.

Isinagawa nila ang plano, nagsayaw silang dalawa. Ngunit hindi nagpahalata na ang gawi ng mag-asawang Alguien ang kanilang tinatahak. Hindi pa dapat makahalata ang mga bisita lalo na ang mga kalaban. Oras na mag-panic ang lahat, tiyak may masasaktan at 'yun ang kanilang iniwasan.

Patuloy sa pag-uga ang chandelier, sa wakas ay nahagip na ng paningin ni Enoch ang switch ng naturang chandelier.

Napalunok si Issa, nakita niyang kanya-kanyang dukot sa bulsa ang apat na waiter na papalapit sa mag-asawa. Tinitigan niya si Enoch. “Ngayon na!” ang mababanaag sa kanyang mga mata.

Tumango ang binata at inihanda ang sarili.

Nang ilahad ni Enoch ang kamay nito sa harap ni Issa, itinuntong doon ng dalaga ang kanyang paa, suot pa din ang heels.

Buong pwersang itinaas ng binata ang dalaga at inihagis patungo sa gawi ng mag-asawang Alguien. Mabilis din ang naging kilos niya, tinakbo ang switch ng naturang chandelier at ini-off. Mabilis pa niyang kinuha ang balisong na nakatago sa kanyang sapatos, sinipat ang kinaroroonan ng salarin at maingat na ibinato sa gawi nito ang balisong, sabay sigaw. “Huwag kayong magpanic! Lahat ay manatili sa tabihan ng bulwagan!”

Buhat naman sa ere, nagpaikot-ikot ang katawan ni Issa. Ngunit bago siya tuluyang bumagsak sa sahig, mabilis niyang nahubad ang heels na suot at ibinato sa dalawang waiter. Saktong sa harap ng mag-asawang Alguien, naglanding si Issa. Mabilis niyang hinawakan sa balikat ang mag-asawa at pinaupo. Sinipa niya ang isa pang waiter na noon ay may hawak ng baril. Nabitawan nito ang baril, agad iyong nasalo ng dalaga at itinutok sa pang-apat na waiter. “Dapa!” sigaw niya.

Tuluyan ng nagkagulo sa lugar na iyon. Sigawan, iyakan at nagtakbuhan ang mga bisita.

Nasigurado na ni Enoch ang kaligtasan ng senador, ganu'n din si Issa, maayos na ang lagay ng mag-asawang Alguien.

Sinenyasan nilang dalawa ang security, at mga tauhan ng senador at congressman na inspeksyunin ang buong lugar.

Tuluyan na nilang inialis sa lugar na iyon ang senador at congressman.


“MARAMING SALAMAT sa inyo. Utang naming mag-asawa ang buhay namin sa inyong dalawa.” pasasalamat ni Congressman Alguien, nasa mansyon na sila ng mga oras na iyon.

“Wala pong anuman. Obligasyon naming siguraduhin ang inyong kaligtasan.” wika ni Issa.

“Hindi ba kayo nasaktan? Lalo kana, hija. Napakadelikado ng ginawa mo.” ani Lyra.

“Okay lang po ako.” kiming sagot ng dalaga. Heto na naman ang pakiramdam ng katiwasayan, dahil sa simpleng pagkakahawak ng ginang sa kanyang kamay at bahagyang pagpisil, wari ba ay lumuwag ang kanyang dibdib.

Nanatiling tahimik si Enoch. Ramdam niya ang titig ng kanyang ama ngunit pilit na iwinaksi.

“Salamat ulit. Maari na kayong magpahinga.” wika pa ng congressman.

Nagpaalam ang dalawa sa mag-asawa at nagpasya ng umuwi.

“Ihahatid na kita.” alok ng binata.

“Hindi na, salamat na lang.”

Girl On FireWhere stories live. Discover now