Chapter 18

8 0 0
                                    

TULUYAN NG nagapi ang lahat ng tauhan ni David. Sa tulong ng mga ‘pulis’, naaresto lahat at ikinulong. Ngunit hindi nakaligtas sa pang-uusig ang kapulisan na naging ‘stand by’ ng kalaban.

Buhat sa pinakamataas na opisyal ng ka-pulisan, nagbaba ng utos upang imbestigahan si Chief Veloso. Ayon kasi sa isang na-interview na pulis, si Chief Veloso ang nag-utos sa kanilang huwag kumilos hanggang wala ang kanyang signal. Ang lahat ng pulis na naka-duty ng gabing iyon ay under investigation. Halos malagas ang mga kasamahan ni Enoch dahil lahat ay kabilang sa iimbestigahan.

Si Issa, ang tanging naging malaking tinamo nitong sugat ay sa balikat at sa binti. Ang dalawang tama ng bala sa tiyan at dibdib nito ay tanging galos lamang dahil nakasuot ang dalaga ng bullet proof vest. Ngunit dahil sa dami ng dugong nawala dito, unconcious pa din ang lagay nito. Sa loob ng limang araw na lumipas, isang beses lang itong nagising at saglit pa. Sobrang pag-aalala ang nararamdaman ng mama at papa nito, lalong higit si Enoch.

Tulad ng mga nakaraang araw, nakabantay ulit ang binata sa wala pa ding malay na dalaga. Mahigpit nitong hinawakan ang palad ni Issa. Sobra siyang nag-aalala para sa dalaga. Ngunit hindi bilang isang kapatid. Isa pa sa hindi niya matanggap ay ang katotohanang kapatid niya ito. Bakit? Bakit ang dalaga pa? Kasalanan man ang kanyang nararamdanan ngunit hindi niya mapigil ang sariling puso. Agad niyang binitawan ang kamay ng dalaga nang maramdamang may papasok sa kwartong kinaroroonan nila. Ang kanyang ama at ang boss ni Johna ang nasilayan.

“Kamusta na siya?” tanong ng boss.

“Okay na po, sabi ng doktor. Hihintayin na lang ang muli niyang paggising.” sagot ni Enoch.

“Chief, may balita na ba tungkol kay David?” tanong ni Congressman Alguien.

“Ginagawa ho namin ang lahat. Naipakalat na ang mukha niya sa lahat ng pahayagan. Huwag po kayong mag-alala, ako mismo ang huhuli sa kanya.” sagot ng boss.

“Salamat. Pakiusap, 'wag kayong titigil hangga't hindi siya nahuhuli! Kailangang pagbayaran niya ang lahat ng kawalanghiyaang ginawa niya sa pamilya ko!” madiing wika ni Raymound.

Tumango-tango ang boss ni Issa. Ipinangako nito sa walang malay na dalaga na bibigyan ng katarungan ang lahat.



LUMIPAS PA ang dalawang araw, tuluyan ng nagkamalay si Issa. Una niyang nasilayan ay si Enoch na nakasubsob ang ulo sa kamang kanyang hinihigaan. Maingat na iniangat ng dalaga ang kamay at hinaplos ang ulo ng binata.

Noon nagising si Enoch. Bakas sa mukha nito ang kasiyahan ng makitang gising na ang dalaga. “Issa! Okay ka na ba? May masakit ba sa'yo? Teka, tatawagin ko ang doktor.” natatarantang wika ng binata, lumabas ito ng kwarto upang tawagin ang doktor.

Hindi maiwasan ni Issa na magpaskil ng ngiti sa maputla niyang labi. Ilang sandali nga lamang ay muling bumaling si Enoch kasama ang doktor.

Ininspekyon ang dalaga, masayang ibinalita ng doktor na konting pahinga lang at muling manunumbalik ang lakas nito.

Hindi mawala ang ngiti sa labi ni Issa sa tuwing hindi nakalingon si Enoch.



DALAWANG ARAW pa ang lumipas, unti-unti ng nakakabawi ng lakas si Issa. May bahagya pa siyang kirot na nararamdaman ngunit sa tuwing nakikita ang mukha ng mga magulang, tila ba lahat ng sakit ay nawawala.

“Anak, magpagaling kana, ha? Hindi mo lang alam kung gaano ang kagustuhan kong mayakap ka.” nagluluhang wika ni Lyra.

Hindi na din mapigilan ni Issa ang pag-uulap ng kanyang mga mata. Bahagya siyang kumilos upang bumangon. “Pwede na po ninyo akong yakapin.” anas niya.

Nanginginig ang mga kamay ng yakapin ni Lyra ang anak. Matagal niyang inasam na dumating ang pagkakataong iyon. Kailanman, hindi siya nawalan ng pag-asang muling makikita at mayayakap ang anak. Dahil dumating man sa kanya ang balitang patay na ito, ngunit sa kanyang puso, nananatili itong buhay. Tama nga siya, hindi kailanman nagkamali ang puso ng isang ina. “Anak ko! Anak ko!” ang humahagulhol pa niyang wika, mas hinigpitan ang pagkakayakap kay Issa.

Nakakaramdam man ng kirot ang dalaga dahil bahagyang naiipit ang kanyang sugat, binalewla niya iyon dahil nais niyang tumagal pa ang yakap na iyon ng kanyang ina. Tuluyan ng pumatak ang kanyang luha, luha ng kaligayahan.

Lumapit sa kanyang mag-ina si Raymound at nakiyakap. “Hindi na tayo muling magkakahiwalay pa, pangako!” aniya pa.

Ang masayang eksena ng mag-anak ay malinaw na nakikita ni Enoch, bahagya siyang tumalikod at ang balak na pagpasok sa loob ng kwarto ni Issa ay hindi na itinuloy. Masaya siya para sa mga ito, pero hindi din niya maiwasan ang makaramdam ng paghihirap. Bakit si Issa pa ang naging kapatid niya? Tuluyan na siyang lumakad palayo, nais niyang alisin ang anumang nararamdaman para sa SARILING KAPATID.


GABI, mag-isa sa kanyang kwarto si Issa, habang mahimbing ang pagkakatulog. Pansamantala siyang iniwan ng mga magulang upang magpahinga saglit at makapagpalit ng damit. Ibinilin ng mga ito ang anak sa nurse na kanilang kinuha upang sadyang magbantay sa dalaga.

Ang bahagyang liwanag na nagmumula sa iilang ilaw na nakabukas sa naturang ospital, ang katahimikan ay nagbigay daan upang makapasok ang isang taong pakay ay ang agent na dalaga. Makikita ang galit sa mga mata ng taong iyon, walang iba kundi si Dave. Nakasuot ito ng uniporme para sa mga doktor at nakatakip ang bibig nito habang may hawak na checking board. Wari ba'y sigurado ito sa pasilyong tinatahak kung saan sa pinakadulo nandoon ang taong pakay.

Isang mahinang pagbuntong-hininga ang ginawa ni Dave, bago dahan-dahang binuksan ang pintuan ng kwarto ni Issa. Sumilip muna siya bago tuluyang pumasok sa loob. Lalong nabanaag ang poot sa mga mata nito habang nakatitig sa natutulog na dalaga. Inilabas ni Dave ang panyong nilagyan ng pampatulog at mabilis na itinaklob sa bibig at ilong ni Issa.

Nagpumiglas ang dalaga, ngunit unti-unti na niyang naramdaman ang pagkahilo. Nabanaag ang taong may kagagawan ng lahat. May takip man ang kalahati ng mukha nito, malinaw niyag nakilala ang taong iyon. “Dave!” sigaw na nasa utak na lamang ni Johna, bago tuluyang mawalan ng malay.

Girl On FireWhere stories live. Discover now