Chapter 9

6 1 0
                                    

“GAANO KAIMPORTANTE, CONGRESSMAN?” ang madiing tanong ni Reynald. Dahil ang kanyang ama ay walang iba kundi si Congressman Alguien.

“Hanggang ngayon ba ay galit ka pa din sa'kin?” tanong ng congressman.

“Hindi ko alam kung ano ang motibo mo kung bakit ako ang kinuha mong personal bodyguard. O baka naman gusto mo ng ipaalam sa lahat ang tungkol sa anak mo sa labas?” sarkastikong wika pa ng binata.

“Enoch, nawawalan kana ng galang sa papa mo!” may diing wika ng kanyang ina.

“Naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Pero alam ko na kahit gaano kalaki ang galit mo sa'kin, ligtas pa din ang buhay ko sa mga kamay mo.”

“Matutupad mo na ang pangarap mo. Tutuparin ko ang trabahong iniatang sa balikat ko, pero hanggang du'n lang 'yun. Pagkatapos ng eleksyon, sana ay iyon na din ang huling sandali na magpapakita ka kay mama. Baka masira ang reputasyon mo oras na malaman ng buong mundo ang tungkol sa aming dalawa.” halata ang pait sa tinig ng binata. Binalingan niya ang kanyang ina. “I'm sorry, mama, pero hindi na ako magtatagal pa.” paalam niya at naglakad palabas ng resthouse na iyon.

“Enoch! Anak, bumalik ka!” habol ng ginang.

“Hayaan mo na siya. Siguro nga ay mali ang naging hakbang ko ng kunin ko siyang personal bodyguard ko. Lalo lang lumaki ang galit niya sa'kin.” malungkot na wika ng congressman.


NAGING MABILIS ang pagpapatakbo ni Enoch sa kanyang kotse. Halos apat na oras ang kanyang biniyahe para lamang sa paanyaya ng kanyang ina ngunit hindi inaasahang nandoon din ang taong iyon, walang iba kundi ang kanyang ama. Talagang bumiyahe ito ng malayo para lamang makaiwas sa eskandalo. Hindi maiwasang alalahanin ng binata ang nakaraan.

Pitong taong gulang siya noon ng malaman ang tunay na katauhan ng kanyang ama. But, before that, masaya sila noong namumuhay ng kanyang mama. Palaging nasa business trip ang kanyang papa ngunit araw-araw itong tumatawag sa kanya. Madalas din niyang ipagmalaki sa kanyang mga kaibigan at mga kaklase na laging sumasakay ng eroplano ang kanyang papa. Palagi ding may dumadating na package para sa kanya buhat sa kanyang papa. Napakasaya niya noon, hanggang sa dumating ang ika-pitong taong gulang niya.

Isang text message ang nareceive ng kanyang mama na nagsasabing sa Maynila gaganapin ang kanyang kaarawan. Inakala ng kanyang mama na ang kanyang papa ang nagtext kaya masaya silang lumuwas ng Maynila, kalakip sa text ang lugar kung saan sila magkikita. Ngunit hindi alam ng kanyang mama na ang legal na asawa ng kanyang papa ang nagtext. Ang lugar na nasa text ay siyang pagdadausan ng anibersaryo ng kasal ng kanyang papa at legal nitong asawa. Kitang-kita niya noon ang sakit na bumalatay sa mukha ng kangyang ina lalo pa noong itanggi sila ng kanyang papa. Sa mura niyang edad, agad na naintindihan ang sitwasyong kinasasadlakan nila ng kanyang mama. Habang lumalaki siya, lumalaki din ang galit sa kanyang dibdib para sa ama.

“Ahhh!” malakas na sigaw ng binata. Napahigpit ang hawak niya sa manibela. Sa araw-araw na nakikita niya ito, lalong nabubuhay ang galit niya para dito.


MATAPOS ANG maghapong pangangalap ng impormasyon ni Issa, naisip niyang magtungo sa videoke bar upang kahit paano ay alisin ang bigat sa kanyang dibdib. Lalo lang nadadagdagan ang kanyang isipin. Ngunit hindi siya titigil hanggat hindi nasasagot ang mga katanungan sa kanyang isipan. Tutunggin na sana niya ang beer na hawak ng madako ang tingin niya sa isang mesa. May lalaki kasing nakaupo doon at halatang lasing na lasing na ito. Ngunit bahagyang napakunot ang kanyang noo ng mapagsino ang lalaking lasing. “Enoch?” naitanong niya sa sarili. Lumapit siya sa table nito upang masigurado ang sapantaha. Hindi nga siya nagkamali, ang binatang pulis nga.

“B-beer pa dito!” order pa ng binata.

“Hoy! Lasing na lasing kana, kaya mo pa?” tanong ni Issa.

Girl On FireWhere stories live. Discover now