Chapter 17

10 1 0
                                    

“PARE, PAKIUSAP, hintayin muna ninyo ang signal ko bago kayo lumusob sa loob.” ani Enoch sa mga kasamahang pulis. Nasa target na lugar na sila nang mga oras na iyon.

“Pare, alam mong out ka sa kasong ito. Hindi pwedeng ikaw ang sundin namin.”

“Pare, personal bodyguard ako ni congressman, paanong out ako sa kasong ito? Kailangan kong unahin ang kaligtasan niya!” may diin sa tinig ni Enoch.

Napahinga ng malalim ang kaibigan ng binata. “Fine. Pero after 20 minutes at wala pa din kaming signal na makukuha buhat sa'yo, lulusob na kami sa loob.” anito.

Tumango si Enoch, sinimulan na niyang pasukin ang warehouse na iyon.



ISANG TAUHAN ang lumapit kay Dave, pagdaka'y bumulong. Isang ngisi ang pinakawalan ni Dave.

“Very good! Kumpleto na kayo, dumating na ang panganay mo.” nakangising wika ni Dave.

Lalong nanlaki ang mga mata ni Raymound. Nagpilit itong makawala sa pagkakatali ngunit sadyang wala na siyang sapat na lakas. “Hayop ka!” sigaw niya sa kawalan ng magagawa.

“Matagal ko nang alam, demonyo pa nga ang mas tamang itawag sa'kin. Pagmasdan mo ang kademonyohang gagawin ko!” madiing wika ni Dave, sinenyasan nito ang tauhan. Isang hampas ang pinadapo ng tauhan sa katawan ni Lyra.

“Ahhhhhh!” sigaw ng nasaktang si Lyra.

“Huwag! Huwag! Tama na!” sigaw ni Raymound.

Inihakbang ni Issa ang paa upang puntahan ang ina ngunit nakita niyang inihaya na ng mga tauhan ni Dave ang mga patalim na handa ng ibato para sa kanyang ama. Muli, wari ba'y itinulos buhat sa kinatatayuan ang dalaga.

“Oh, bakit? Wala kang magawa? Wala ka naman dapat na gawin, just enjoy the show.” sabi pa ni Dave.

Si Raymound naman ang hinampas ng mga tauhan. Kagat-kagat nito ang labi upang huwag kumawala ang malakas ng sigaw. Nakatali din ang kamay nito pataas, lupaypay na ang katawan dahil sa sobrang sakit na nadarama.

Unti-unting napaluhod si Issa. Tumulo na din ang kanyang luha dahil sa kawalan ng magagawa. Maililigtas niya ang isa ngunit hindi niya matitiyak kung ano ang mangyayari sa isa. Naitungo niya ang ulo, ngunit ilang sandali pa, unti-unti niyang iminulat ang mga mata. Muling bumalatay ang poot at sakit na nadarama. Dahan-dahang tumayo ang dalaga, nakayuko pa din ang ulo. Unti-unti niyang ikinuyom ang dalawang kamao. Tumunghay siya at nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. “Maaaring ikaw ang tumulong sa'kin. Nakikita mo ang bawat galaw ko, ngunit tandaan mong hindi mo alam ang kakayahang mayroon ako!” may diin niyang wika.

Mabilis na kumilos si Issa. Dahil mas malapit siya sa ama, ito ang mas una niyang nalapitan. Tumambling ang dalaga, mabilis na nakuha ang dalawang patalim na nasa kanyang sapatos at 'sing bilis ng hangin na naputol niya ang nakatali sa kamay ng ama. “Dapa!” sigaw pa niya.

Mabilis na nakadapa si Raymound, ngunit iniangat ang ulo at pinagmasdan ang mabilis na pagkilos ng kanyang anak.

Ang mga patalim ay ibinato na ng mga kaaway patungo sa direksyon ni Lyra. Ibinato ni Issa ang dalawang patalim na hawak patungo sa lubid na nakatali sa kamay ng kanyang ina. Natamaan man ang lubid ngunit hindi pa din lubusang naputol. Mabilis na tumambling si Issa, iniharang ang katawan sa paparating na mga patalim.

“A-anak,” anas ni Lyra.

Mabilis na nahubad ni Issa ang itim na jacket na suot, parang baseball lang na inihampas niya ang jacket sa mga patalim upang hindi tuluyang tumama sa katawan ng ina. Ngunit dahil hindi alam ng dalaga na pinupuntirya din siya, hindi niya naiwasan ang patalim na tumama sa kanyang binti. Tumagas ang dugo sa nasugatang binti ng dalaga, kagat-labi niyang inalis ang nakabaong patalim. Biglang umawang ang kanyang bibig dahil sa sakit.



Girl On FireWhere stories live. Discover now