"Leyton, ihatid mo na nga itong kapatid mo sa school. Aalis ka rin lang naman, isabay mo na itong kapatid mo."Bumusangot agad ang mukha ko nang marinig ang sabi ni Daddy Jack. Nasira kasi 'yong isang sasakyan na service ko sana. Kaya ngayon, pinipilit ni Dad na isabay nalang ako sa lintek kong Kuya na gaya ko ay wala rin sa mood.
We both hate Daddy Jack's idea.
Ayaw ko kayang makisabay sa kanya! I couldn't breathe comfortably when I am around him. And I know gano'n rin siya.
'"Dad, ayoko. I'll go commute nalang." I initiated.
"Dad, ayoko rin. May lakad ako. Sagabal lang kung ihahatid ko pa siya. Hindi ko naman siya kapatid. I don't care about her."
Medyo may kumurot sa dibdib ko sa sinabi niya. Hindi naman talaga kami magkapatid kaya normal lang na wala siyang pakialam sa akin. Naiintindihan ko rin naman kung bakit ganyan ang pakikitungo niya.
And I hate myself for feeling hurt. Hindi dapat ako nakakaramdam ng ganito.
Lumunok ako at pinigilang hindi mangilid ang luha ko saka ko hinarap si Daddy Jackson. "Dad, I... I gotta go..." ani ko saka umalis.
Naglakad ako palalabas ng subdivision. Habang wala pang dumadaan na taxi, naglakad na muna ako.
Mabigat pa rin ang dibdib ko sa sinabi ni Kuya Leyton. Nabibwiset ako sa kanya. It's normal na galit siya sa akin dahil nakikihati ako sa atensyon ng papa niya na sana'y sa kanya nakatuon.
I am out of the picture naman talaga.
Maya-maya habang naglalakad ako, may bigla nalang huminto na sasakyan sa gilid ko.
"Get in."
When I looked at it, it was Kuya Leyton.
Bumalik na naman ang inis ko kaya dumiretso lang ako sa paglalakad. Siya naman ay minaneho ang sasakyan at sumunod sa akin.
"Ano ba? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? I said get in." May halo nang inis ang boses niya at tila nawawalan na ng pasensya.
Hindi ko siya pinakinggan.
"Shut up! Umalis ka nga! Ayaw kitang sakyan, okay?"
Huli na nang mapagtanto ko ang sinabi ko. Parang iba ang ibig sabihin.
Gumalaw ang panga niya at tiningnan ako gamit ang nag-aalab na mga mata.
"You'll get in the car or else Dad will know that his stepdaughter had a hot night with her stepbrother..."
Napalunok ako nang wala sa oras at dumagundong ang kaba sa dibdib ko. Mabilis pa sa alas kwatro akong sumakay sa backseat na siyang ikinangisi niya.
Nakarating kami sa University nang walang imikan. Naka-aircon ang sasakyan pero parang sobrang init na hindi ako makahinga. The atmosphere was so heavy and awkward.
Lumabas na ako sa sasakyan.
"Dad said na susunduin kita pero ayaw ko. Umuwi ka nalang malaki ka na naman. You're not my responsibility, after all." ani nito.
Heto na naman ang kakaibang pakiramdam ko.
Matapang ko siyang nilingon. "No need to fetch me. I can go home on my own, 'Kuya'." I said with hardness in my voice then turned my back at him.
Tama siya, I am not his responsibility and I am not going to be. I was raised by an independent woman and I, myself, is one too.
I don't need a man to fetch me.
Isa lang ang masasabi ko kay Kuya Leyton... putangina niya.
After a heavy day, akala ko makakauwi ako ng maaga pero may tatapusin pa pala kaming presentation for tomorrow. Sa school lang namin ginawa. Hindi namin namalayan na alas onse na pala nang gabi kami natapos.
"Bye guys, goodluck for tomorrow." sabi ko sa kanila bago kami nagkahiwa-hiwalay.
Nakasakay na sila sa bawat sundo nila. Doon ko lang rin nalaman na walang susundo sa akin.
"Dess, hindi ka pa uuwi?" tanong ni Zeke sa akin. Hindi pa pala siya umaalis.
"Ah, naghihintay pa ako ng taxi." I answered.
The care marked on his expression. "Wala bang susundo sayo ngayon?"
Meron sana pero gago 'yong stepbrother ko na 'yon.
"Nasira sasakyan namin kaya no choice."
"Sumabay ka nalang sa akin. Ihahatid kita."
Umaliwalas ang mukha ko sa offer ni Zeke.
"A-are you sure?" I reassured.
He nodded. "Yup. I can't leave you here alone. Baka ano pang mangyari sayo."
Para namangay humaplos sa puso ko sa sinabi ni Zeke. Natural na gentleman kasi siya.
Hindi na ako nagpakipot pa kaya tinanggap ko na ang offer niya na ihatid ako.
"Zeke, maraming salamat, ah? I'll treat you next time." sabi ko kay Zeke nang huminto na ang sasakyan sa labas ng bahay namin.
He smiled that make his dimple evident. "No problem, Dessa. I'm just worried na maghihintay ka pa doon ng taxi sa ganitong oras. It's very late na."
"Thank you again, Zeke. Pasok na ako, ah? Ingat sa pag-uwi. See you tomorrow."
That was my last reply before going Inside the house. The lights outside were on but inside the were just dim. Madilim at tahimik na senyales na tulog na ang mga tao rito.
Akmang maglalakad na ako papunta sa kusina para kumuha ng tubig ngunit muntik na akong mapatalon ng may biglang magsalita sa isang madilim na sulok malapit sa pintuan.
There, I saw a silhouette of a tall man leaning on the wall with a crossed-arm.
"Where have you been?" His voice was so firm and the hardness of it was evident.
He sounded as if he's interrogating me. Para bang may nagawa akong masama na hindi niya nagustuhan.
It was Kuya Leyton.
"School." simpleng sagot ko.
Maayos siyang tumayo at nagsimulang lumapit sa akin.
"School? Ganitong oras ba umuuwi ang isang estudyante? Ganyan ka na ba ka iresponsable? Kapag may masamang nangyari sayo, sinong mananagot? Kami? Kung tutuosin, wala naman talaga kaming pakialam sayo, e. Sampid ka lang."
Doon na nagsimulang manubig ang mata ko. A hard sword pierced my heart. Those words were like coated with venom that I could die anytime.
Isang sampal ang lumagapak sa mukha niya.
"You don't have the rights na sabihan ako ng ganyan. Ni kailanman hindi ako sinabihan ni Daddy Jackson ng ganyan. He never let me feel that I don't belong in this family..." My voice started to shatter. "If it's not only because of my mom, matagal na akong umalis rito."
Marahas kong pinahid ang luha ko at tinalikuran siya. Pero nakakailang hakbang pa lang ako sa hagdan ay nilingon ko siya.
"By the way, I was at school doing some project. Hinatid ako ng classmate ko dahil wala nang taxi na dumadaan which is sana ikaw ang gumawa. Well, sino nga ba ang iresponsable, 'Kuya'?"
Iyon na ang huli kong sinabi bago ko siya tinalikuran.
I will always loathe him. Hanggang buto ang galit ko sa kanya. I don't think I could ever forgive him.
YOU ARE READING
Sinful Surrender
RomanceOdessa Von Alfanta is a stepdaughter of a multi-millionaire named Jackson Marasigan. Her mother remarried with Jackson who was divorced from her wife. Years of being together, her mother died therefore Odessa was left under the care of her stepfathe...