Chapter 19 (SPG)

3.1K 40 2
                                        


"Good evening, Miss Alfanta." the employees greeted when I walked passed them.

Tinanguhan ko lang sila. At nagpatuloy ako sa paglalakad.

It was already 7 pm in the evening. I was out for a while to visit Daddy Jack and my mom's tomb. Ngunit gabi na ako nakabalik. Ngayon, babalik na ako sa office ko para tapusin ang mga paperworks na iniwan ko kanina.

Pumasok na ako sa elevator at pinindot ang floor kung nasaan ang opisina ko.

Tuluyan na nga sanang sasara ang pintuan ng elevator ngunit may kamay na umipit dito para hindi ito tuluyang magsara.

Gano'n nalang ang panggagalaiti ko nang makita ko si Leyton. Ano pa bang ginagawa niya dito? Gabi na kaya wala nang trabaho.

Nagsiuwian na ang mga employees. Pero bakit nandito pa ang kwago na 'to?

Binati niya ako ng isang ngiti.

"Hi!" ani nito at saka pumasok na nang tuluyan. Tumabi pa talaga siya sa akin.

Hindi ko siya pinansin. Lalabas na sana ako ng elevator para lumipat sa iba ngunit parang binayaran ang elevator dahil nagsara na ito.

I pressed the buttons pero ayaw na talaga.

"Hindi na 'yan bubukas."

Naiinis ko siyang nilingon. "Will you please shut up?"

He just pressed his lips together.

What the... How can he be so cute while doing that? Tangina.

Hindi ko siya inimik. I was just acting like he was not beside me. The atmosphere was so silent. We were ruled by defeaning silence. Not until he started whistling. Kumakanta siya gamit ang taghoy!

Nakakarindi!

"Tumigil ka nga! Nakakarindi na 'yang taghoy mo!" saway ko sa kanya.

He pouted. "Sorry na."

Napapikit nalang ako sa inis. Bakit ba siya ganyan?

"Hindi na mababago ng sorry ang lahat. The damage was done."

Hindi ko alam kung saan iyon nanggagaling. Parang may hugot ang sinabi ko.

Nababalot na naman kami ng nakakabinging katahimikan. Maya-maya ay bigla nalang yumanig ang elevator.

Napasigaw ako.

At sa isang iglap ay yakap na ako ni Leyton. I was stunned at that moment. Ilang minuto akong nanatiling yakap niya.

Sobrang bilis ng tibok ng dibdib ko. While I was on his chest, I could hear his heart beating in a fast pace. As if it was trying to catch up with mine.

Nang matauhan ako, mabilis ko siyang naitulak.

Bumaling ako sa nakasarang elevator. I slammed it asking for help.

"Help! May tao dito!" sigaw ko.

Tiningnan ko ang CCTV camera para makita ng naka-monitor nito na may tao sa loob ng elevator. Kinaway-kaway ko pa ang kamay ko.

"The CCTV's not functioning." boses ni Leyton sa likod. Nakahilig lang siya habang magkakrus ang mga braso sa tapat ng dibdib.

Hindi ko nalang siya pinansin.

Paulit-ulit kong pinipindot ang button ng elevator ngunit ayaw talaga.

"Can you please stop it? Wala ka nang magagawa diyan. Isa lang ang ibig sabihin niyan. We are stuck."

"What? No! Kailan pa 'to bubukas?!"

Nagkibit balikat ito. "I don't know. But usually, kapag ganito, it took a couple of hours."

Sinful SurrenderWhere stories live. Discover now