Chapter 1

3.2K 45 1
                                        

Habang kumakain ay hindi ko magawang iangat ang tingin ko lalo na at kaharap ko si Kuya Leyton.

"Why are you so quiet, Dess? It's so unusual of you." Daddy Jack opened up.

Nagtaas ako ng tingin kay Daddy. "N-napagod lang, Dad."

"So, how's your research, Dess? Did you finish it last night?"

Hindi na ako nakaimik. "A-ah... Yes dad! Inabutan nga ako ng madaling araw, e."

The guy tsked. "Liar." bulong nito pero rinig ko ang sinabi niya.

"Who's liar?" kontra ko.

Nagtaas ito ng tingin. "Did I say something? Wala naman, ah? Why? Are you guilty?"

Mas lalo lang nag-init ang ulo ko dahil sa pinagsasabi niya. I nearly lost my temper. Sinusubukan talaga ng gurang na lalaking ito ang pasensya ko.

I was just looking at him with a grudge on my eyes. Tinaasan lang niya ako ng kilay at may nakakainis na ngisi sa labi niya.

"Leyton, tama na 'yan. Huwag mo na asarin itong kapatid mo."

Ngiting tagumpay ang iginawad ko sa kanya. "Oo nga naman, 'Kuya'".

Kita ko ang pag-igting ng panga niya nang tawagin ko siyang Kuya.

"So, Leyton, how's state?"

"Still the same." simpleng sagot lang nito.

I could say that Dad was trying to create a conversation but this guy answered shortly. Nakakawalang gana kaya. Kaya paminsan-minsan ay kinakausap ko si Daddy Jack.

Pagkatapos naming kumain ay tumayo na ako para magpaalam.

"Dad, I gotta go. Babalik na ako sa apartment ko. I have class pa tomorrow."

My dad diverted his gaze at me.

"Me too, Dad. I'm going back to my condo." hirit rin ni Kuya Leyton.

Nagpabalik-balik na ang tingin ni Daddy sa aming dalawa. Maya-maya ay itinaas niya ang kanya kamay para pigilan kaming dalawa.

"Stop, okay. No one is leaving. Ngayon na nga lang tayo magkakasama-sama tapos iiwanan niyo pa akong mag-isa rito." Nakonsensya naman ako sa sinabi ni Dad. "Now that you both are already here, you will stay here. Dito na kayo uuwi. Understand?"

"P-pero dad..."

"Huwag na matigas ang ulo." Hindi si Dad ang nagsabi niyon. It was no other than my jerk stepbrother.

Wala na akong nagawa kundi mag-stay.

"Leyton, hijo, do'n sa kabila ang kwarto mo." said daddy when we decided to went upstairs after a little chit chats.

"No need. I prefer the guest room. It's more comfortable." he simply answered.

Aba't ang gago... Pinili niya pa talaga ang guestroom. Edi magkatabi na kami ng kwarto?!

Inis ko siyang tinapunan ng tingin ngunit  tinaasan lang niya ako ng kilay gaya ng palagi niyang ginagawa kapag tinitingnan ko siya.

"Maganda naman sa kwarto mo, ah? Doon ka nalang, Kuya." sabi ko. Umaasa na mapapayag ko siyang doon nalang sa kwarto niya na malayo sa akin.

"I'm staying in the guestroom." sagot nito na may pinalidad sa boses.

Bwesit talaga ang lalaking ito!

Nagpaalam na ako kay Daddy na pupunta na sa taas para makapagpahinga. Gano'n rin si Kuya Leyton.

At sabay pa talaga kaming naglakad papunta sa taas. Mas nauna ako sa kanya habang siya naman ay nakasunod sa akin.

Sinful SurrenderWhere stories live. Discover now